Chapter 13- The Truth

35 5 0
                                    

Sceven's PoV

Flashback...

8 years ago, grade 2 ako non. Pagkatapos lang ng klase namin. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa playground.

Pagkadating ko dun, tumakbo agad ako papunta sa swing. Nagswing ako dun malamang.  Tapos tumakbo ako papunta sa slide. Syempre magsaslide din. Tapos sa may seesaw kahit solo ako.
Pawis na pawis ako. Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ang mukha ko. Pati narin yung leeg ko. Tinaas ko yung kwintas ko para mapunasan ng maigi pero.. NASAN YUNG KWINTAS KO?!

Bigay pamandin saakin ni mommy yun. Hinanap ko yun kung saan saan. Bumalik ako sa swing, may nakita akong batang babae na siguro ay kasing age ko lang.

Tinitigan ko lang sya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala sya.

Lumapit ako sa kanya.

"Hoy! Ikaw bata! Bakit ka nandito?! Bawal ang panget dito!" Sigaw ko dun sa bata na maganda. Trip ko syang pagtripan. Hahahah.

"Kung bawal ang panget dito, bakit ka nandito?" Wow. Kakaiba sya! Ang astig nya! Pero pagtritripan mo muna sya. 😂

"Sinong maysabi na panget ako?! Huh?! Gwapo ako! GWAPO!"

"Che! Makaalis na nga! Baka mahawaan ako ng kapangitan ng ISA DYAN!" Sabihan ba naman daw ako ng ganun? Sa gwapo kong ito? ;)

"Tss."

Umalis na yung bata. Bumalik na ako sa paghahanap nung kwintas ko. Huhuhuhuhuhuhu. Nasan na kaya yun???

Lumingon ako at nakita ko yung bata na pabalik.

"Hoy Sceven!" Hala. Paano nya nalaman pangalan ko?

"Paano mo nalaman pangalan ko?"

"Manghuhula kasi ako e!"

"Buang ka! Paano nga kasiiii?!!"

"Gawa nito." Sabay  tinaas nya yung kamay nya na hawak hawak yung necklace ko!

"Akin yan! San mo nakita yan?!"

Kukunin ko na sana yung necklace kaso nilayo nya. Naapakan ko yung paa nya tapos ayun. Na-out of balance kami. 

Nagkatinginan kami. Ang ganda nya talaga. Napansin ko nasa state of shock parin sya. Kaya kinuha ko na yung necklace ko.

"Gotcha." Tayo at pagpag ng damit namin.

"Pasalamat ka. Tss."

"By the way, Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko sakanya.

"Erine. Erine Cruz."

"Ang panget! Hahahahahha. Bye!"

Nakita ko naman sya na namumula na sa galit. Hahahahahaha. Ang sarap nya asarin. Tapos umalis na ako. Sana makita ko sya ulit.

Umuwi na ako sa bahay. Nagtaka ako bakit may sasakyan sa labas? Tapos familiar pa yung kotse.

Pumasok na ako sa bahay. Sabay salubong ni Mommy saakin.

"Mom, may bisita po ba tayo? Kanino po yung sasakyan sa labas?"

Hindi naman umimik sa Mommy, instead ngumiti lang sya at tumingin sa salas. Kaya tumingin rin ako.

O.O

Waaaaaaaaaaaaaaaaaah! Sabay takbo ko sakanya at yakap ng mahigpit. Waaaaaah! Namiss ko tong babaeng ito!!!

"Ano ba Sceven?! Hindi na ako makahinga! Hooooy!"

Ay oo nga pala. Bumitaw na ako sakanya.

"Sorry naman. Namiss lang kita ng slight. Kaya ganyan yung yakap ko. Paano ba naman, nawala ka ng 3years at iniwan mo ako. Slight lang talaga kita namiss." Biro ko sakanya.

"Kainis ka! Deny deny ka pa! Oo nga pala! Suprise! Nagbabalik muli ang iyong napakagandang bestfriend!"

Oo, bestfriend ko sya since 4 years old ako. Siya si Jasmine Romualdez. Tapos umalis sila papuntang Canada. Sobrang lungkot ko nun dahil sya lang yung bestfriend ko.

"Kailan ka pa bumalik???"

"Ah. Kanina lang. Nirequest ko lang kay na dad na dumaan muna dito."

"Ah. Hahahah. Tara sa kwarto. Kwentuhan tayo at laro ng PSP!!"

"Game tara!"

Umakyat kami sa kwarto tapos naglaro. Inabot kami ng 5 hours sa kakalaro.

"Sceve, aalis na kami. Alam mo na, jetlag pa kami. Siguro next, next, next,next, next month pa ulit kami makakbalik dito. Pupunta kami sa Mindanao para work ni dad at mom. Kaya see you when I see you! Mwah!"

"Awwwww. Ano bayan! Ang bilis! Aalis agad kayo?? Promise mo babalik ka ha?"

"Oo naman syempre! Ikaw pa at malakas ka saakin! Bye na!"

"Sige! Bye!"

Tapos nakaalis na sila. Umakyat na ulit ako sa kwarto para matulog na.

Naiisip ko nanaman si Erine. Hayyys! Crush ko na ata sya. Ay ewan!

***********************************************************
😊😊

Is It You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon