Trivias!

124 11 0
                                    

Pambawi ulit, hehehe. Isa pa, bilang reader, gustong-gusto kong malaman ang mga trivias tungkol sa isang kwento so...inaasahan ko na magugustuhan n'yo rin ang paglalagay ko ng ganito sa AGNK.

Simulan natin sa setting ng story:

(1) Gaya ng sinabi ko, school ko ang ginamit kong lugar dito. Mas gamay ko kasi ang mga pangyayari sa school at mas maganda kapag maraming curriculum ang sangkot. Mas makikilala n'yo ang iba't ibang klase ng mga estudyante sa isang typical high school.

(2) Wala talagang Academy of Foreign Language dito sa amin. Ginamit ko lang 'yan para mas mabigyan ng way ang pakikipaglaban ng KKK sa mga dayuhan noon.

(3) Ang library. Favorite place ko sa school, dahil kukuha ka lang ng book at uupo sa malaking lamesa, masarap na ang tulog mo. May aircon kasi doon at masarap pang unanin ang libro. Doon ginanap ang isa sa mga highlight chapter ng parody: ang Salpukan ng Tingin.

Sa character development naman tayo:

(1) Obviously, dapat si Andrew ang gangster dito, dahil nga hango ang pangalan niya kay Supremo Andres Bonifacio. Pero nagdesisyon akong 'wag na lang, para mabigyang highlight na naunang namulat si Rizal kesa sa kanya, at natuto lamang si Supremo mula sa mga sulat ni Rizal.

Pero dahil may kakaibang "kilabot" ang image ni Bonifacio, ginawa ko ring gano'n si Andrew. Kung mapapansin niyo, kadalasan ng mga taga-lower curriculums (BEC at SPA), boss o bossing ang tawag sa kanya. Kung bakit? Sa susunod ko na ipapaliwanag.

(2) Si Macario, nabaliktad ko ang dapat na character niya rito. Supposedly, isa siyang sunud-sunurang lampayatot at weak na alipin ni Andrew, pero halos sapawan na nga niya si Andrew sa pagiging cool. Dapat, mapapabilis ang pagka-fall ni Rosa sa kanya, pero dahil nag-improve ang image niya, pinahirapan ko rin siyang makakuha ng happy ending sa pamamagitan ng pagbibigay ng boyfriend kay Rosa.

(3) Si Pepe, medyo nawala siya sa eksena, though minantain ko ang character niya na may kakaibang prinsipyo sa buhay. Binigyan ko rin siya ng katangian ng liderismo, at hindi basta nagpapatalo. Although medyo nagiging weak sa babae, ('yong incident kay Nellie sa Kalokohan II) hindi naman niya basta pakakawalan ang gang na siya mismo ang bumuo.

(4) Si Emilio na yata ang laging source ng humor dito. Siya ang umastang kapalit ni Pepe at nag-suggest na maging lider ng bagong gang si Andrew. Sa kasaysayan, siya ang kanang kamay ni Andres, kaya't pinanatili ko ang ganoong posisyon niya rito. Pero, (sa tingin ko) hindi naman ako pumalya na ipakita ang kakaibang leadership niya sa grupo.

Sa plot development...

(1) Nahahalata niyo bang laging napo-postpone ang harana ni Andrew kay Goya? Eto nga pala ang mga dahilan:

(a) Dahil sa Upakan ng Papogian. Mababasang alas sais sila niyayang makipag-"upakan" kaya't mauubusan ng panahon si Andrew na mangharana dahil malamang, nakauwi na si Goya.

(b) May agam-agam si Andrew, nakasulat 'yon sa Meeting de Advantage, nabanggit pa roon na hindi 'yon ang unang beses na nagka-love life si Andrew, kaya siguro, mayroon siyang doubts sa sarili niya. Kung ano ang nangyari sa past niya? Isa sa mga dapat niyong abangan.

(c) Unexpected ang pangatlong dahilan; dahil sa biglaang pagsulpot ni Pepe. Paano pa siya manghaharana kung maaaring pagmulan ng gulo ang pagbabalik ng orihinal na lider ng gang?

(2) Ang comeback ni Pepe ang pinaka-biglaan na nasingit sa plot. Matatandaang sinabi sa Kalokohan II: Magkabilang Mundo na 20-day suspension ang napataw sa kanyang parusa. Pero nabanggit din na topnotcher siya, kaya hindi pwedeng mag-absent siya nang matagal. Isa pa, mabubuo na ang KKK, which is ang major arc ng aking story, kaya kinakailangan nang mabuo ang isa pang Kilusan na tinatag ni Rizal pagkabalik niya ng Spain. (Shotout sa nakakaaalam!!)

(3) Mapapansin na wala man lang development sa love life ng aking mga characters, 'yon ay dahil sa susunod na story arc, ang Pag-ibig na Tinubuan ng mga Ka-liga, magiging focus ang kani-kanilang mga love life. Kaya, paka-abangan!

(4) Nabasa ko na mas nakakatulong sa plot development ang mga story arcs, kaya itong trivias, ang hudyat ng opisyal na pagsasara ng unang story arc kong last minute na nabuo na pinamagatang NAKIPAGLABAN. NASAWI. NAGBALIK. Sa ending ng Upakan, mabibigyang hustisya na ang title ng story arc ko.

Iba pang mga dapat abangan sa Ang Gangster na Katipunero's second arc: Pag-ibig na Tibuan ng mga Ka-liga.

(1) Si Leon Rivera, naaalala niyo pa ba? Nabanggit siya sa Kalokohan II: Magkabilang Mundo nang ma-distract si Pepe kay Nellie. Magpapakita ba siya o hindi?

(2) Si Nellie Basted, mula sa pangalan ni Nellie Bousted na babaeng kapwa inibig ni Rizal at Heneral Luna (OWMAYGASH SPOILER!!) ay hindi na ulit nagpakita. Pero who knows, malay mo, kumikilos siya nang palihim? Kung magkita sila ni Leon, ano kaya ang mangyayari?

(3) Si Mario, ang boyfriend ni Rosa, hindi masyadong kumikilos at nagpapakita ng affection sa girlfriend maliban na lang sa incident sa loob ng library. Kung ib-build up ko ang relationship ng MaRosa, (Macario at Rosa) paano na siya?

(4) Ang harana ni Andrew! Juskopo, matutuloy na kaya? Eh nanliligaw din kay Goya si Andy, paano na talaga?

(5) Sinuggest ni Emilio na buoin muli ni Andrew ang gang at bigyan ng bagong pangalan kung saam siya ang pinuno. Ito na kaya ang simula ng pagkakatatag ng KKK? (Sa mga adik sa history, alam nila ang sagot)

(6) Biglang dumating si Pepe, na mukhang tutol na magkaroon ng bagong lider sa gang na siya mismo ang orihinal na bumuo. Magiging antagonist ba siya sa buhay ni Andrew?

(7) Si Theo paano na ang pag-ibig niya kay Espi?

(8) Minsan nang nag-threat si Andrew sa kaibigang si Macario na sasabihin niya kay Rosa ang dahilan kung bakit mahaba ang buhok ni Cario. Ano kaya 'yong dahilan na 'yon? Mga history addicts, bakit nga ba mahaba ang buhok ni Heneral Sakay? Hehehe sa atin muna 'yon ha?

Ilan lang 'yan sa napakaraming dahilan para abangan niyo pa ang aking kauna-unahang historical parody, ang Ang Gangster na Katipunero!

Maraming salamat sa pagtangkilik!!!

Lubos na nagpapasalamat,
DaragangSinukuan
(MariaClara)

PS
Napapansin niyo bang tuwid akong mag-tagalog sa mga author's note ko, samantalang konyo ako sa mga narration ng story? Napapansin niyo rin bang nahihirapan ako mag-narrate? Wala lang, sasabihin ko rin ang dahilan sooner or later. Hehe.

Pahabol pang P.S.
Lahat ng mga nangyayari, kinikilos, at nagiging resulta ng mga characters at ang kanilang mga kinakaharap na challenges ay base sa history. So...kung nagbabasa kayo ng history, magiging predictable itong story...kaya 'wag na kayong magbasa ng history books! HAHA. Joke.

Sige, rakenrol!

Ang Gangster Na KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon