Kabanata X: Upakan ng Papogian Part II!

106 9 6
                                    

NAKATUNGANGA ang Propagwapo sa harap ng stage ng La Espanyola habang pinapanood ang kalaban na mag-ayos ng mga gagamitin para sa upakan.

"Punyeta, may drum set pa sila.." bulong ni Anton Luna.

"At may electric guitar pa..shet ang sarap sigurong mag-headbang kasama 'yang ganyan ka gandang gitara?" bulong naman netong si Macario.

"Ang lupet ng mic stand..kaso ang dami.." Nagpalinga linga si Emilio sa tatlong mic stand sa harap. "Halindito?"

"A-ang ganda ng gitara nya!" Nagtakip agad ng kamay si Theo nang mapasigaw siya. Nilingon sya ng isang member ng La Espanyola na wtf hindi ko pa napapakilala!! Thiz one iz named Theseus Sy, anak ng mag-asawang galit sa letter s.

So obviously, zuper yayamanin ng makakalaban ng ating mga bida. Matapos ang almost half a century, natapos na sa paga-ayos ang mga La Espanyola.

"Mic test?" sabi ni Theseus habang tinatapik pa ang mic. Tapos sumenyas siya ng okay sa mga ibang kasama.

"Pst, Macario," pagtawag ni Andrew kay Macario. "Bakit niya tinapik yung mic?"

"Testing lang yun boss kung gagana." Natawa nang bahagya si Macario. "Bakit boss, di mo alam yon?"

Nagsalubong ang kilay ni Andrew. "At ano naman Macario?! Natatawa ka?! Tatawanan mo ako?!"

Pinagpawisan ng malamig si Macario. "N-nako hindi boss! Natatawa nga ako dun sa taga-La Espanyola, pukpukin ba naman yung mic? Ha..ha..ha.."

Naudlot ang dapat na pananapak sa kanya ni Andrew nang nagsimulang tumugtog ang mga taga-La Espanyola. Walang reaksyon si Emilio at sinubukang sabihan ang mga kasama na tumigil na sa kakatunganga at umupo na lang sa bleachers. 'Di pa nakakapaglinis ng tenga si Macario kaya kailangan pa siyang kaladkarin paalis ni Andrew.

Alam ni Emilio ang kanta, at mukha siya lang ang may alam dahil parang galing pa sa kung anong dimensyon ng bundok ang mga kasama niya at hindi ata kilala si Justine Bieber.

Si Andy Bland ang nagsimula, ang mestisong hilaw na rapper. Finocus ni Andrew ang kanyang big eyez sa kanyang mortal na kaaway.

"If I was your boyfriend I'll never let you go,
I can take your picture like never been before,
Baby take a chance so you'll never ever know.."

Si Emo Lang naman ang sumunod. May ilang tao na ang nagsipuntahan na sa court para silipin ang kumakanta. May ilan na ring nagtilian like demonic frogs showered with holy water. Napa-"tsk!" si Emilio.

"I like to be anything you want,
Hey girl, lemme talk to ya."

Sa isang kindat ay halos nagsingisay na ang mga frogletz, like they're calling their friends to ngisay with them, kaya dumami ang mga tao sa loob ng court.

"It I was your boyfriend,
I'll never let you go,"

Nang magkantahan silang lahat, lalong dumagsa ang mga tao sa court, halos mapuno na ito, sa unang chorus pa lang. Halos mapamura ang mga Propagwapo, but the encouregementz of Andrew iz so lupet kaya kahit na dismayado ang majority, 'di pa rin sila nawawalan ng high hopez. Yeah.

Ang Gangster Na KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon