Andrew's
I am going to mall to buy something for Althea. You know, peace offering. Galit kasi sa akin.
Flashback
Nandito ako ngayon sa coffee shop ko. Since kulang ng tao, ako ngayon yung nagseserve at nasa cashier. I was about to serve a drink to a customer nang may biglang bumangga sa akin.
"Ano ba naman yan? Alam mo na ngang may tao eh."
"Sorry naman. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh. Ayan tuloy. Ano na iseserve ko sa customer ko eh tinapon mo?"
"Ako pa ngayon may kasalanan? Sa bagay, ako naman laging may kasalanan di ba? Puti pa naman yung damit ko ngayon. Tignan mo kung anong nangyari namantsahan na!"
"Look, I'm sorry! Let's just talk later okay? I have tons of work to do. I have to replace this one pa."
End of flashback
See? So I have to buy new clothes for her and new shoes. I am not courting her yet. Papunta na rin dun but I have to take things slowly. Like what they always say, slowly but surely. And yes! After the traffic here at EDSA, I'm here at the mall! Don't you worry. #IncognitoMode ako ngayon. Dumiretso kaagad ako sa Uniqlo since Mom and I ay endorser ng clothing brand na ito. Kumuha naman ako ng mga clothes na sa tingin ko naman ay bagay sa kanya. Binayaran ko kaagad ang lahat ng mga binili ko at dumiretso sa Shoe Salon to buy her new shoes. Binili ko yung Jack Purcell na shoes, Keds white, Vans na white, Adidas Superstar and Stan Smith na white. Napansin ko kasi na madalas siyang magsuot ng white na shoes so I decided to buy her new white shoes. I am now going to her house but I don't know her address. Nice one, Andrew. I'll just call her.
"Hello, anong kailangan mo?"
"Pag tumawag ba ako ibig sabihin may kailangan agad? Hindi ba pwedeng may itatanong lang?"
"Parehas lang yun. Oh anong tanong mo?"
"Saan ka ba nakatira? May ibibigay kasi ako sa'yo."
"Sa condo."
"Saang condo?"
"Basta. I'll text you the address and my room number. Bye."
Then I received a text message from her. I guess I have to deal with EDSA's traffic again.
Mom calling...
"Hi, Mom!"
"Hello, Drew? Where are you?"
"Car. Driving."
"At saan ka naman pupunta?"
"Jan lang po."
"Saan naman yang jan na yan?"
"P-po?"
"Saan ka ba pupunta?"
"Magkikipagkita po kay Althea po."
"Andrew Blake Salonga Muhlach, girlfriend mo na ba yang si Althea?"
"P-po? Agad-agad? Hindi pa po! Hindi ko pa nga po nililigawan."
"Ipakilala mo muna sa akin yang babaeng yan, Drew! O siya sige na. May meeting pa ako for my concert. Sige. Text mo na lang ako kapag naka-uwi ka na."
"Yes, Mom! Bye! I love you!"
"I love you too!"
See how my Mom acts when she thinks I have a girlfriend? I only have 2 exes. At wala siyang nagustuhan ni isa dun. Dahil nga dun eh nag-away kami. But she's right. Sana nung una pa lang eh nakinig na ako sa kanya. Kaya sana magustuhan niya si Althea. I really really want this girl to be mine soon. I guess I have to wait for that time to come. Nasa stage pa lang naman kami ng getting to know each other. I'm taking things slowly. I guess I'm here at the condo. Pinark ko na yung sasakyan ko muna ang sasakyan at hindi muna lumabas. Tinawagan ko muna si Althea na sunduin ako dito. Mahirap na baka makilala pa ako dito. I waited for a few minutes then there she goes.