Chapter Nineteen

189 3 3
                                    

Althea's

Nandito ako ngayon sa Cebu for a business meeting. Dito kasi gusto ng mga investors namin mag-meeting dahil mga taga-Cebu silang lahat. Hindi pa din ako tinitigilan ni Andrew. Seryoso daw talaga siya sa akin. Speaking of Andrew, ayaw ko ngang tumuloy dito ngayon sa Cebu dahil may sakit si Papa. Ang taas ng lagnat niya pero ayaw niya akong hindi tumuloy dito sa Cebu. Kaya from time to time, tinatawagan ko siya at pinapa-check ko sa kasambahay namin. Nandun siya sa isa naming bahay malapit sa bahay nina Andrew. Yung condo namin kasi, nandun lang kami 'pag may mga meetings kami sa company para malapit. Nag-aalala din naman ako kay Papa lalo na't wala ako. Kaya hangga't maaari ay mapaaga itong meeting namin dito. I'm trying to call him pero hindi pa siya sumasagot, baka tulog pa siguro siya.

My phone rang, akala ko si Papa na pero...

"Hello?" - Thea

"Hi, Thea."

"Bakit ka na naman ba tumawag? Wait, anong nangyari sayo Drew? Okay ka lang ba?" - Thea

"Yeah, I'm okay. I'm just...tired." - Drew

"Usong magpahinga, Andrew Blake. Wag mo naman kasing abusuhin ang katawan mo." - Thea

"Uy, concern ka sa akin." - Drew

"Ano ka ba naman, Andrew. Nakuha mo pang mang-asar. Magpahinga ka naman kasi." - Thea

"Opo, ma'am. Magpapahinga na po pero pag tapos na po yung photoshoot ko." - Drew

"Hindi ba pwedeng bukas na lang yan?" - Thea

"Hindi pwede. I promise magpapahinga kaagad ako. Okay? I'll text you if I'm done with the photoshoot." - Drew

"Okay. Text me ha. Magpahinga ka na. Ingat ka." - Thea

"Yes, ma'am. You too, take care." - Drew

*End convo

Hay, sana naman wag magkasakit itong si Andrew. Isa din itong pasaway eh. Hindi ko din namang maiwasang mag-alala sa kanila. Puro na lang kasi sila work, work, work.

Lea's

Ilang araw na hindi tumatawag at nagpapakita si Aga. Grabe naman mag-selos yun. Kaya Aj and I decided na pumunta sa bahay ni Aga. Nag-aalala na rin naman ako sa kanya baka mamaya may mangyari sa kanya.

Nag-doorbell kami sa bahay niya.

"Hello po, Ma'am Lea."

"Nandyan po ba si Aga?" - Lea

"Ay, opo. Buti nga po bumisita kayo kasi may sakit ho si sir. Ang taas nga po ng lagnat. Pasok po kayo sa loob."

Pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Po? May sakit ho si daddy? Kailan pa ho?" - Aj

"Nung isang araw ho eh masama na po ang pakiramdam pero nagtrabaho pa rin po kaya ayun po, natuluyan na pong lagnatin."

"Ha? Ba't hindi man lang sinabi ni Aga sa amin?" - Lea

"Ayaw niya daw po kayong abalahin pa."

"Nasaan na po ba siya?" - Aj

"Nandun sa kwarto niya. Pwede niyo pong puntahan."

Aj and I went upstairs to see Aga. Aga's lying down on the bed covered with two blankets.

Nilapitan ko kaagad si Aga to check him at sobrang init niya.

"Hmm, Lei? Aj? What are you doing here?" - Aga

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon