TAKE EIGHT (8)

7.3K 91 10
                                    

TAKE EIGHT (8)

 (c) Shupershimmer 

I woke up around 9 am. Mas nauna pa nga akong magising kesa kay Marco eh! Pero actually, 30 minutes muna ang pinalipas ko bago bumangon. Ikaw ba naman ang may katabi sa higaan na ganito ka-gwapo at ka-kinis, tapos jackpot pa yung nakayakap na kamay niya sa bewang ko, well… I bet walang naiinggit sakin!

It’s our 2nd day here.

Gaya nang napag-usapan nung isang araw, nandito parin kami sa resort ng pinsan niya na na-meet naman namin kahapon pero mga 5 minutes lang habang kumakain kami. Nakiusap si Marco na huwag ipapaalam sa parents niya na nandito kami.

I felt worried, as well. Kagabi nga, habang nakahiga ako, iniisip ko kung tama pa ba ‘to o beyond the limit na. Gaya niyan, nagmumukha tuloy kaming nagtanan! Eh samantalang, wala kaming dalang mga gamit. At ang sosyal naman kung tatawaging tanan ‘to… sa resort!

Naupo muna ako sa kama tapos nakita ko sa table sa gilid ni Marco yung phone niya. I reached for it pero pagtingin ko, ayaw magbukas. It think, it’s dead bat.

Bago ako umalis sa kama, syempre may kiss muna—kahit di siya conscious. Well, sa cheeks lang naman tapos umalis na agad ako sa kwarto. Uminom ng tubig saka nag-toothbrush, na binili pa namin dito. Gusto ko na ngang maligo eh! Kaso wala akong damit, nagamit ko na yung nabili namin kahapon.

Ayoko namang mag-baththrobe lang! Mahiya naman ako ‘no.

Naisip ko na lang na mag-wash ng buhok. May libreng shampoo naman dito eh! Bago kami umalis dito, magbabaon ako niyan. Souvenir!

Habang may tuwalya sa ulo ko, pumasok ako ng kwarto at napangiwi ako nang makita kong nakadapa si Marco at tulog parin! Wala namang nakakapagod kagabi eh!

Diretso tulog nga ‘yan eh. Pft.

Kinuha ko ang phone ko sa bag tapos may mga missed calls mula kay Jennifer. Na-miss ko bigla ang bruha na itey! Tapos may dalawang text siya na pareho lang ang laman.

‘Tmwag yung mudra ni Marco sa bahay, hnahnap siya kay James. Mgksma ba kyo? Txtbck pag nbasa mo to.’

Pagkatapos ko basahin, inexit ko agad ‘yung message dahil parang may pumitik na heartbeat sa dibdib ko. Para ngang naubusan ako bigla ng hangin eh! Napatingin agad ako kay Marco na nakapikit parin. Kinakabatutan ako!

Pagtingin ko, sa screen, may isa pang message. Mula sa unknown number.

‘CONGRATULATIONS! Ang iyong simcard ay nanalo ng Php800,000.00 tax-free matapos ang isinagawang raffle ng Villar foundation. Para makuha ang premyo, tawagan mo ako! Now na!

-Sir Ryan Faustino

Per DTI-NCR permit no. 83927480384’

Nireplayan ko ng *insert bad word here* yung kung sino mang nagtext! Walanghiya. Kinabahan ako! Akala ko kasi parents na ni Marco ang nagtext sakin.

Lumabas ako ng kwarto tapos nagbukas ng TV, hindi pa ako nakakaupo, may kumatok agad sa pinto. Nanigas na naman ako sa pagkakatayo ko! Utang na loob naman! Parang mas natatakot ako rito kesa sa Pagpag!

Kumatok ulit nang mas maraming beses.

Lumingon ako sa kwarto. Shit! Marco…

Kumatok na naman…

Tumingin ako sa wall clock. Baka may maglilinis?

Inalis ko yung towel sa ulo ko at naglakad papuntang pinto tapos sumilip dun sa butas na may salamin para makita kung sino ang nasa labas. May mga nauulinigan akong nag-uusap sa labas pero di ko marinig masyado.

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon