TAKE SIXTEEN (16)

5K 87 15
                                    

TAKE SIXTEEN

Simula talaga nung araw na 'yun, parang pinaglihi na ako sa kwago. Paano ba naman kasi, halos di na ako makatulog. Mula pag-ihi at pagtae ko, si Marco ang sumisiksik sa kokote ko.

Di ko rin ma-gets yung brain cells ko kung bakit M-A-R-C-O lang ang letters na alam! My God.

"Wendy," nawala yung clouds sa itaas ng ulo ko nang batuhin ako ni Marvin ng petal ng gumamela na hawak nya. Psh.

Umayos naman ako nang pagkakaupo, "O?! Bakit?!"

"Tss. Kanina pa ko nagsasalita," umirap yung mata nya in a manly way, "Tapos, lumilipad utak mo."

Tinaas-taas nya pa yung right hand niya na parang nagbi-beat na ewan! Ngumisi lang ako saglit tapos nagkamot ng ulo. Hanggang ngayon kasi, nawiwirduhan parin ako sa nangyayari sa'kin.

Mas pumuti si Marco, slight lang naman. Pero syempre mas maputi yung ngipin nya nung nagsalita sya sa shop namin. Tapos, iba na kulay ng buhok nya--kulay black na hindi gaya dati na brown. Nagmukha tuloy siyang nag-aaral nang mabuti.

Tapos--shet-- yung pabango nya. Oo! Naamoy talaga ko pati yun! Yun kasi ang gusto kong amoy nya. Ganun ko kamemorize ang lahat lahat sa kanya.

"Are you on drugs?!"

Napaatras nang bongga yung ulo ko sa tanong ni Marvin. Duh?! Mukha ba akong adik? Siguro, pero hindi sa bato, kundi sa isang partikular na tao. Naks.

"Gago!" I giggled, "Mukha ba akong nagshashabu?!" 

Tumango siya without any hesitation pero inirapan ko na lang at nilantakan ang Bread Pan na kinakain ko at tumawa lang siya. Halata na daw kase yung eye bags ko! Tapos, palaging lutang. Mga ganun.

Kung nagtataka kayo kung nasaang parte ako ng daigdig, well, nandito kami ni Marvin sa Circle-- quite big park sa lugar namin. Madaming puno, tapos may mga street foods and bizarre. You know, mga bench tapos flowers. 

Doon nga binunot ni Marvin yung gumamela e! Pinagtripan niyang kalbuhin yung garden.

Today is his day-off at dahil wala naman daw syang magawa, niyaya niya ako. Malaking part ng pagpayag ko e dahil madadaanan namin papunta rito yung magarang bahay na tinitirhan ni Marco. Sadly, ni anino nya, hindi ko nakita nung pagdaan namin kanina.

Nung isang araw ko pa iniisip; bakit nandito siya? Kung sinundan nya man ako, paano? Baka naman nagkataon lang? Di kaya nag-asawa na siya tapos bumili sila ng bahay?!

Binura ko agad sa utak ko yung idea. Shet! Wag naman sana yung last. Tangina, wag dito sa lugar namin.

"Wends, cr muna ako," paalam ni Marvin habang naglilibot kami sa night market, "dito ka lang, okay?"

Tumango naman ako as an agreement. Umalis sya tapos tumabi ako saglit sa may side walk para di nakaharang. Kaso, napatingin talaga ako sa kanan ko at kinabahan nang makita si Marco na may tinatanong sa isang tindera.

He's wearing his plain black V-neck shirt na medyo fit. Nakita ko na yang shirt na yan and he's deadly hot when wearing it. Naka-impose kasi yung not-so-big na biceps niya dun, as well as his upper chest. Tapos, nakamaong pants lang sya, then sandal na Sandugo.

Tumalikod agad ako, syempre! Shet, nakita niya ba ako?!

Huminga ako nang pagkalalim-lalim at inubos ang natitirang tubig sa mineral bottle na hawak ko. Pucha, to the maximum level ang palpitation ko! Ano gagawin ko!? Lilipad?!

Humakbang ako paforward nang isang beses. Tapos isa pa. At isa pa! Hanggang sa nakalayo ako ng mga 5 inches. Di, mga 1 meter na yata! Basta!

Eh bigla kong naalala na pinapa-stay lang ako ni Marvin dun sa pwesto ko kanina. Shet talaga. Bumalik ako pero nakita kong naglalakad palapit si Marco though nakatanaw sya sa mga tinda.

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon