TAKE NINETEEN (19)

3.9K 84 10
                                    

TAKE NINETEEN (19)

Weekend na ngayon at tatlong araw na ang nakakalipas mula nung nagkita kami ni Marco, at tatlong araw na rin akong di kinakausap ni Marvin. Ewan ko, tuwing bibisita ako sa umaga, sinasabi ng lola niya na tulog siya o di kaya umalis. Hanggang ngayon, di ko maisip kung ano bang nasabi kong mali sa kanya para magalit.

Nung mga time na wala akong magawa, lumalabas ako para mag-bike tapos minsan, nadadaanan ko ‘yung bahay ni Marco kaso three days na ring walang tao. Mas mabuti na rin siguro ‘yon?

4 o’clock ang kasalukuyang oras at nautusan na naman ako ng nanay ko na bumili sa market tapos binigyan niya pa ako ng mahabang listahan. Tutal, wala naman akong pinagkakaabalahan kaya sumunod na lang din ako. No chocie naman eh! Gawain daw to ng mga babae, psh.

Paglabas ko ng bahay, may gumulat at humawak sa balikat ko, “Ha!”

“Tang—“ humarap ako tapos nakita ko si Marvin na nakabihis, dala ‘yung sling bag niya. “Oh, papasok ka na sa trabaho?” tanong ko na parang di kami awkward.

Anong nalanghap nito at bigla yatang nagkusa na kausapin ako?

“Saan ka papunta?” nakangiting tanong niya, “Samahan na kita.”

“Wag na, mag-go-grocery lang naman ako,” tinignan ko siya, “Ba’t ang aga mo yata pumasok?”

“Hindi pa ko papasok, baliw. Sasamahan na lang muna kita papunta sa pupuntahan mo, tapos saka na ako papasok sa trabaho.”

Pinilit ko na wag na siyang sumama pero sumabay talaga siya sa paglalakad ko at nakulitan ako kaya di ko na rin pinagsiksikan. Isa pa, ngayon na lang ulit kami nagkausap kaya okay na rin siguro ‘to. Medyo malabo nga lang dahil halos palayasin niya ako sa bahay nila nung isang araw tapos ngayon sobrang bait! Siya pa nga nagbayad nung pang-jeep naming eh. Ibang klase.

“Ba’t nga pala wala ka nung mga nakaraang araw?” tanong ko habang nag-iikot kami sa vegetable area, “Pinapahanap ka ni Kuya sakin tapos lagi kang wala.”

“Wala naman, busy lang.” ngumiti ulit siya.

“Ba’t parang ang saya mo yata?” pagtataka ko, “Nakasinghot ka na naman ng katol, no?”

Natawa siya tapos hinampas ako ng patola sa ulo ko, “Aray! Ang laki niyan, ah!”

Buong oras na pag-iikot namin sa loob ng supermarket, kung ano-ano na lang ang naging usapan namin, pero never napasok ang topic kung bakit bigla siyang nag-walk-out nung time na nag-uusap kami. Nakakatawa nga kasi nung isang gabi, naisip ko na baka nagseselos siya. Pero syempre, binura ko agad yun sa utak ko kasi napaka-imposible. Diring-diri nga ang lalaking ‘to pag inaasar kami ng lola niya na bagay daw kami e!

Mabait naman siya eh, kilala ko na siya matagal na. Why not?

“Ang bibigat naman nito. Pinamalengke ka ng nanay mo tapos mag-isa ka lang?” sabi niya habang bitbit yung dalawang malaking plastic bags.

“Sabi sayo hati tayo eh! Nagmamayabang kasing buhatin lahat, di naman kaya.”

“Sino’ng maysabing di ko kaya?” pagtatanggi niya tapos sumakay na kami pauwi. Maggagabi na rin nung makauwi kami, though kalalagpas lang ng 6 pm.

Alam niyo, siguro kung naka-stay lang ako dati pa dito sa Laguna at hindi nagwork sa Manila, mas masaya siguro ako. Siguro mas ma-aapreciate ko si Marvin hindi lang bilang kaibigan. Hindi naman kasi ganun kahirap, kung tutuusin.

Pagbaba namin ng jeep, bigla siyang nagtanong tungkol kay Marco na kinagulat ko naman.

“May nararamdaman ka pa ba sa taong ‘yun?” Casual lang ang tono niya pero parang interesado siya sa sagot ko.

“Bakit mo natanong?”

He looked away, “Wala naman. Paano kung gusto pala kitang ligawan? Syempre ayokong mabasted dahil lang sa may iba ka pang gusto.”

Nalunok ko yata yung dila ko at di na ako nakapagsalita. Walangya ‘to! Seryoso ba siya sa sinasabi niya?!

“H-ha? Ano…” I flushed.

“Joke.” Salo niya agad sa sinabi niya, “’To naman, yes or no lang naman ang sagot sa tanong ko, eh! Aminin mo na lang kasi na di ka maka-move on sa kanya.” He smiled, so did I.

“Siguro nga.” Namiss ko bigla si Marco, “Nung mga nakaraan, akala ko, okay na ako tapos nung nakita ko siya… parang tuwang-tuwa naman ako.” I blushed, “Alam mo ‘yun? Sinasabi ko sa sarili kong ayoko na siyang makita pero gusto ko na nakikita ko siya. Ewan, ang gulo.”

Tumingin ako kay Marvin na parang malalim ang iniisip, tapos tumingin siya sakin, “You know what? Napakalaking tanga ng Marco na yon.”

Di na ako sumagot pero deep inside, sinasabi ko na ako yung mas tanga sa’ming dalawa. Ewan ko kung bakit.

“Anyway, ano’ng balak mo sa birthday mo?” biglaang gumaan yung atmosphere samin.

“Wala, sa bahay lang! As if naman na magdedebut ako,” tapos tumawa ako.

“Gusto mong kumain tayo sa labas?” napakunot-noo ako sa tanong niya, “Don’t worry, ako na bahala sa birthday mo.”

Sakto namang nasa tapat na kami ng bahay tapos huminto siya para ibigay sakin yung mga bags. Di ko alam kung tamang tanggapin ko yung alok niya pero parang napakasalbahe ko naman kung sasabihin kong ayoko. Ang hirap naman nito!

“Adik!” sagot ko, “Pumasok ka na nga sa trabaho mo. Malapit na mag-eight!”

“Okay, okay,” tumango siya. Nagulat naman ako nung lumapit siya at pinatong yung isang kamay niya sa balikat ko saka ako niyakap. Ilang segundo lang yun tapos umalis na siya.

Humarap ako sa gate pero bubuksan ko pa lang, may nakita ako sa giilid ng mata ko. Paglingon ko, nakatayo si Marco, few meters away from me. Nawalan ako bigla ng lakas para buksan yung gate at nanghihina ang mga tuhod ko nung lumapit siya.

“Bakit nandito ka?”

“Wendy, ano’ng ibig sabihin nun?” naguguluhan ako sa tanong niya, “Pinaglalaruan mo lang ba ako ngayon? Ano’ng ibig sabihin nun? Ano yung nakita ko?”

Napaurong ako sa tanong niya, “Ano'ng dahilan para magpaliwanag ako sa'yo?” hindi siya sumagot, “Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na dito. Gabi na, pwede ba.”

Pinigilan niya yung braso ko, “Wendy, sabihin mo nga! Ayaw mo na ba saken? Sabihin mo na ‘yung totoo para di ako nahihirapan! Sobrang nasasaktan na 'ko sa ginagawa mo! Sobrang sakit, Wendy...”

“Wag ka ngang magsalita na parang aping-api ka,” sagot ko, “Nahihirapan din ako! At kung nasasaktan ka, mas nasaktan ako, tandaan mo 'yan.”

Napapatingin na sa amin yung mga dumadaan. Buti na lang at gabi na kaya hindi masyadong kita ang pangyayari.

“Hindi ka ba nanghihinayang, ha? Wendy, dapat kasal na tayo! We're almost there. Engaged na tayo two years ago, tapos mawawala lang?” his voice became cracked, “Ayaw kitang… mawala.”

“Nanghihinayang ka?” naiiyak na tanong ko, “Tang ina Marco, bakit di mo yan naisip nung araw ng kasal natin!? Nanghihinayang ako! Oo. Dahil binalewala mo ang mahalabang araw sa buhay ko!”

“Ano’ng kasal?”

Nagulat kami ni Marco nang may nagsalita. Paglingon ko sa loob ng bahay, nakita ko si Papa na nakatayo doon. “Tama ba yung narinig ko, Wendy?” pagalit na tanong niya.

“Pa…” lalo akong nanlambot.

Lumapit siya sa gate at lumabas, “Sino ka? Ano’ng pangalan mo? Ano yung pinagsasabi mong kasal, ha?” tanong niya kay Marco na hindi rin makasagot, “Wendy, ano to!?”

“Pa-“

“Ako si Marco,” singit niya, “Fiancee ko po si Wendy nung nasa Manila siya.”

“Ano!?” napatingin si Papa sakin, “Bakit di ko ‘to alam!?”

Di ko alam kung ano ng gagawin ko! Nanghihina na ako nang sobra tapos galit na galit pa si Papa. Yari na talaga ako... kami!

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon