TAKE TWENTY (20)

3.7K 72 9
                                    

ADD ME ON FACEBOOK: https://www.facebook.com/shupershimmer.wattpad

TAKE TWENTY (20)

Kasalukuyang pinapaypayan ni Kuya Arvin si Mama na nakahawak naman sa dibdib niya dahil sa pagkabigla. Sino ba naman ang hindi aatakihin kung malalaman mong muntik na palang matali ang anak mo nang hindi mo alam?

Kaya ayun, warla-warla na. Eto namang kasama ko, si Marco, e hindi mapalagay sa pwesto niya.

“Hijo, pwede bang ipaliwanag mo lahat ng narinig ko?” Habol hiningang sinabi ni Mama sa katabi ko, “Bakit di niyo sinabi sakin! Pinapasok pa man din kita sa pamamahay ko…”

“I’m very sorry.”

“Alam ba ‘to ng mga magulang mo? Ano’ng buong pangalan mo, ha?” tanong ulit ni Mama. Si Papa naman, nakatayo at hindi mapalagay. Shocks, para namang nabuntis ako sa inaarte nila!

“Yes, they know about our supposed to be wedding… we’re about to inform you, kaya lang po, nagkaproblema,”Napatingin si Marco sakin. Bakit? “Marco delos Santos po ang buong pangalan ko.”

Bumuga ng hangin si Mama, “Hijo, wag mo kong inglesin.”

“Hindi mo naman siguro kamag-anak ang may-ari ngVilla Delos Santos sa may San Pedro?” tanong ni Kuya dahil doon kasi siya nagtratrabaho sa resort na yun.

“Pinsan ko siya. I am the co-owner.”

Nanlaki ang mga mata ko. Teka, nagyayabang ba siya o sinasagot niya lang ang tanong ni Kuya? Why do I have this feeling na pinagmamalaki niya masyado ang sarili niya? Napaurong ang ulo ni Kuya sa narinig niya at pinaypayan niya pa si Mama. Alam kong yun ang bagong trabaho ni Marco pero never kong nabanggit kay Kuya kung may amo ba siyang ganoon ang pangalan.

“Woah, bigtime ka pala.”

“Ma… pasensya na. Nung nakaraang-nakaraang-nakaraang buwan pa yung dapat na kasal namin. Alam ng mga magulang niya ‘yon pero natatakot akong ipaalam sa inyo. Ma, Pa, wala na po kami kaya walang dapat pag-usapan…” sabi ko.

“Buwan?” Nagulantang na naman ang nanay ko, “Natago mo sa amin nang ganoon katagal!?”

“Wala naman po kasing dapat sabihin… di naman po natuloy… Wala nang kasa—“

“I want to pursue the wedding.” Diretsong pagsingit ni Marco, causing me to hang my mouth open.

Trinanslate ni Kuya Arvin ang sinabi ni Marco dahil hindi masyadong narinig ni Mama. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako maka-react sa sinabi niya. Si Papa naman, nakatingin lang sa aming dalawa. Hindi ko alam kung nagagalit siya sakin, o kung pabor siya kay Marco. Nakakalito, putek.

“Ano bang sinasabi mo?” tutol ko.

“Mr. and Mrs. Concepcion, mahal ko ang anak ninyo at hinihingi ko ang pahintulot niyo na pakasalan ko siya. Kasalanan ko kung bakit hindi natuloy ang kasal namin, inaamin kong malaki ang kasalanan ko kaya ngayon, I am depriving my pride, infront of you, to ask for your blessing.”

I silently gasped, dropping my jaw.

Isang malaking kalakohan ang narinig ko mula sa kanya, never in my life, e, nakita ko siyang lumuhod sa harap ng ibang tao. Never. He’s on his knees asking my parents. Di ko alam, pero nung makita ko siya, hindi ako makahinga.

Pati si Kuya Arvin, napatigil sa pagpaypay na halos muntik niya ng mabitawan dahil sa biglaang pangyayari. Si Mama, nagkatinginan kami tapos si Papa, napapikit na lang.

Kilala ko si Marco, hindi siya mahilig humingi ng sorry sa tao—lalo na’t ayaw na ayaw niyang lumuluhod. I suddenly want to burst into tears. He’s really serious with this.

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon