TAKE FOURTEEN (14)

5.5K 85 18
                                    

TAKE FOURTEEN

WENDY'S POV

Sunday ngayon kaya naisipan kong pumunta sa isang mall para bumili ng damit at mga anik-anik na kailangan ko. Actually, mag-isa lang ako na nag-iikot dahil may pinagkakaabalahan si Marvin saka gusto kong mapag-isa. 

Saglit kang naman yung ikot ko dahil nabili ko agad ang kailangan ko. Then, sumakay ng jeep tapos trike. Habang naglalakad na ako nun, kusa akong napatingin sa likod ko.

Wala namang sumusunod. 

Medyo nagdidilim na kasi at tahimik yung area na nilalakaran. I tried to forget what's on my mind and kept walking.

Kaso, may something talaga eh! Napalingon ulit ako, tipong peripheral vision lang at kinabahan ako nang may nakita akong anino... it's following me.

Na-creep out ako kaya bumilis yung paglalakad ko with talbog-talbog heartbeat.

Naramdam ko rin na hinahabol ako ng tao sa likod ko at parang gusto ko nang sumigaw for some help, kaso, walang boses na lumalabas.

Sa sobrang bilis ng lakad ko, halos kapusin na ako ng hininga. I was about to turn my back to see if that person is still following me but a hand covered my mouth.

Nawindang ako nang may tumakip sa bibig ko at hindi na ako nakapanlaban lalo na nang pinaikot niya ako at iniharap sa kanya habang nakatakip parin yung kamay sa bibig ko.

Sa sobrang tangkad nya, at pakakadiin ng hawak nya sa batok ko, halos bumaon na ako sa dibdib nya.

"B-bitawan mo... ko!" i even tried to punch his stomach pero ang kapal ng jacket nya.

The only thing na nagawa ko e tinuhod ko na lang yung part na masakit pag natamaan!

"Ugh!" sigaw nung lalake kaya nabitawan nya ako.

Halos bumaluktot sya sa kalsada kaya nagsalita pa ako, "Tarantado ka ah! Isusumbong kita sa pulis!"

Nung napansin kong sinusubukan nyang tumayo, though hindi ko nakikita yung mukha nya dahil sa sombrerong suot nya, dali-dali akong tumalikod at tumakbo na.

***

Kumpleto pa naman yung body parts ko nung makauwi ako ng bahay. Tinanong pa ako ni kuya kung ano daw nangyare sakin dahil sobrang gulo ng buhok ko! Kaloka.

"Kuya!" sigaw ko, "May humabol sakin kanina!"

"Ano? Manok?"

"Kuya, seryoso ako! Holdaper yata yun, e!" natatarantang sabi ko kaya narinig ako ni papa at bumaba sya.

"Ano, nasaktan ka ba?! May nakuha ba sayo?" tanong naman ni papa tapos umiling ako.

"Wala,"

"Eh anong ginawa!?" singit naman ni kuya.

"Tinakpan niya bibig ko e tapos..." nagkamot ako ng ulo, paano ko ba sasabihin?

"Tapos?" 

"Ano..." tinaas ko yung left arm ko, "parang, ewan, dinikit niya mukha ko sa dibdib nya!"

Namula ako dahil sa hiya. Pakinsyet!

"Sus," nangiti si kuya, "baka naman stalker mo lang yon! Hahaha!"

"Arvin, tumigil ka," sabi ni papa, "Wendy, nakita mo ba mukha nung gago na yon!? Ipapa-blotter natin."

"Hindi po eh."

Dahil sa nangyare, ayaw akong paalisin ni papa especially sa gabi dahil baka di lang daw yun ang mangyari sakin. Grabe, para namang five years old lang ako! Balik kinder lang, ganun?

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon