TAKE NINE (9)

7.2K 100 28
                                    

TAKE NINE (9)

(c) Shupershimmer 

“Uy, beks, tama na… puro uhog na yung collar ng damit ko.” Bumitaw ako kay Jennifer pagkasabi niya. Ewan ko sa babaeng ‘to kung nagpapatawa ba o seryoso sa sinasabi niya. Ewan!

I sniffed and wiped my tears using the back of my hand, “Sorry, Jen, di ko na napigilan eh…”

“Ramdam ko nga.” She smiled. “Ang pangit mo pag umiiyak beks, namumula mata mo, pati ilong. Namaga tuloy mukha mo!”

Natawa ako sa sinabi niya kaya sinampal ko siya sa mukha pero mahina lang. Sapat lang para mahawi yung fes niya. Hinila niya ako papuntang dining table tapos hinain niya yung dala niyang take-out galing sa isang fast food chain. Dahil si Jennifer naman yan, di na ako tumanggi! Gutom na kasi ako… hayaan niyo na.

“Dahan-dahan naman, binili ko yan para sa’tin, di lang para sa’yo,” she rolled her eyes. Jennifer will still be Jennifer kahit may anak na!

“O ayan, sa’yo yung pie, akin tong fries tsaka ice cream.”

Wala naman siyang nagawa tapos tahimik na kaming kumakain dito. Habang kumakain nga ako ng fries, nakatungo lang ako sa katapat kong steel chair. On the other hand, naririnig ko naman yung boses ni Jen habang inoobserve niya ang room kahit nakaupo siya.

“So, nasaan na si fafa Marco?” tanong niya.

My stomach tightened. Pagkalunok ko ng fries, uminom ako ng sprite tapos inulit ni Jen yung tanong niya na parang di ko naman narinig! Bawal mag-emote?

“Ayun,” I pouted, “Kinuha na ng aswang.”

Huminga siya nang malalim, “Si Marco na siguro ang pinakagwapong anak ng aswang.” Tumawa siya sa sarili niyang joke pero ngumiti lang ako.

“Emotera nito!” binato niya ako ng plastic fork, “Wag kang mag-alala! Maghahanap ng paraan si Marco para maayos ‘to! Yun pa. Napahulog nga niya ang loob mo eh… napahulog din pati panty mo! He can do all he wants.” She smirked annoyingly.

Inismiran ko lang siya mga pinagsasabi niya. ‘Nahulog pati panty!’ Baliw talaga siya.

Tapos, nagsalita ulit siya, “So, sino bang nag-insist na magpunta sa place na ‘to, without the consent of others? Pati ako di ko alam ‘to, ha! Akala ko nagpunta na kayo sa bundok or whatsoever.”

I chuckled, “Gaga. May kasalanan kasi siya sakin nung isang araw.”

“Ano?”

“Nahuli ko sila nung Samantha na—“

“Na?”

“Patapusin mo kaya muna ako!?” I raised an eyebrow.

“Ay sorry, go!”

“Di ko naman sinasadya pero pagdating ko sa isang office, nakita kong magkadikit yung lips nilang dalawa. I didn’t have any idea kung paanong nangyare pero malinaw sakin na naghalikan sila.” I emotionally shut my eyes, bearing the pain.

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon