CHAPTER NINE ( Red days struggles)

304 8 1
                                    

Lielle's POV:

Nakuha ko na yung results ng Monthly examination namin.

Pre calculus test =99/100.
Basic Calculus Test =100/100.
General biology 1&2 test = 100/100
General Physics 1&2 test=100/100
General Chemistry 1&2 = 98/100

"Ang dali dali lang ng pre-calculus tapos 99 lang nakuha ko. ano bang utak meron ako?" Kuda ko habang nag lalakad sa hall way habang scina-scan ko yung test paper ko sa pre-calculus.

"Wew nemen. 99/100 tapos binobobo mo pa sarili mo! " sulpot ni Chinno sa gilid ko. San kaya to nanggaling?

"Aba! di ka nalang pala basta basta playboy ngayon. kabute ka na din pala!" sabi ko sakanya.

binaba ko yung test paper na kanina ay iscina-scan ko. at napa buntong hininga nalang ako.

" bakkt ba ganun ang mga matatalino?. Kapag naka 99/100 , iniisip niyo agad na bobo kayo! Eh one mistake lang naman. Mostly sa grade 11, iilan lang ang nakaka pasa. Kadalasan nga sa grade 11, purong pasang awa lang. tapos ikaw NI-LALANG MO LANG YUNG 99 NA SCORE MO!" saad ni Chinno tapos napa buntong hininga din.

Gaya gaya bah.

Since maaga dinis-miss yung klase dahil binigay lang naman ung exam, at 4:00 palang, naisipan kong bumisita sa boutique.

umuwi agad ako at nag bihis. naka ponytail ako at naka tshirt na may qoutation na, " my looks doesnt affect your life."

sasama daw sila kuya at ate tennesse. inaya ko din si xhane. si kuya maaga din nadismiss. ewan ko kung bakit. di nya naman sinabi.

"Hoy mukhang tomboy na babaeng pandakekot na baliw! tara na! " pag kabukas ng pintuan, ayan! ayan agad bungad sakin ng napaka sweet at mabait kong kuya! -_- sobrang sweet no?

"Che! oo na! napaka mo eh!" pag susungit ko. Sumunod na ko sakaniya pababa.

Nakabihis na din si ate Tennesse at Kuya. Nasa baba na din si Chinno at Xhane.

Ginamit namin yung kotse ni Xhane.

Habang nasa kotse kami, nabingi ako sa katahimikan.

"Xhane!" pag basag ni kuya sa katahimikan. tinignan naman siya ni xhane sa mirror at tila para bang inaantay yung kadugtong ng sasabihin ni kuya.

"Ikaw ba... Nililigawan mo tong tomboy na pandakekot na baliw na nerd na to?" dugtong ni kuya at tinuro ako gamit nguso nya.

"Ano ba kuya!" Sigaw ko sakanya.

Tsaka di nmn ako pandakekot. Sadyang ang tatangkad lang nila. sobra.

Ngumiti si Xhane.

"Ngiti ka jan" bulong ko sa sarili ko. Pero mukhang narinig niya. Tumingin kase sya sakin habang nakangiti.

"Hindi." sagot ni xhane kay kuya. tumango lang si kuya ko. Ilang minuto din na nabalot muli ng katahimikan yung kotse.

"Pa.." Biglang sabi ni xhane sa kalagitnaan ng katahimikan .

"Huh?" nag tataka kong tanong sakanya pano kasi ang gulo. Bigla bigla nalang mag sasabi ng kung ano ano.

"Haha wala wala. " sagot niya saakin.

tapos nag patuloy na siya sa pag mamaneho.

Maya maya pa't, naka dating na kami sa mall kung san located yung women's boutique namin.

Pumasok na kami sa mall sabay hinanap na yung boutique. Maya maya pa, nahanap ko na din. Agad kaming pumunta dun at sumalubong saamin si Alicia. Yung manager na namamahala sa boutique.

From Fangirl To My Girl // Park Jimin Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon