CHAPTER THIRTY TWO (Hello korea!)

179 8 1
                                    

Riley's POV:

Kahit na ayaw ko man samahan si lielle papuntang korea dahil pagod lang yun at tinatamad ako, sinamahan ko pa din siya.

Bestfriend ko siya at hindi namang pwede na hayaan ko lang siya pumunta dun mag isa eh baka mapaano siya dun o kaya naman maligaw.

Isa pa, nag vavacation ako dun dati kaya medyo kabisado ko na yung seoul.

Wala pa kami sa korea. Nasa eroplano palang kami.

Nandito ako sa bintana at si lielle naman nasa tabi ko. Nung una nga , nakipag agawan pa ako sakanya. Pero bumigay din kasi pinarealize ko na bawal agawan at magalit ang buntis. Huwahahaha.

Weapon ko si potato no! Dahil sakanya, napapapayag ko ang mga barkada sa bagay bagay. I love you baby kooo!

Nandito siya sa tabi ko naka headset at kahit na naka headset siya, dinig ko yung pinapakinggan niyang music dahil panigurado, naka full volume to.

At ang pinapakinggan niya? I need you by bullet proof. Eh ano pa nga ba? Puro bullet proof songs lang naman ang laman ng music library niyan. Di naman halata na die hard fan siya masyado ng bulletfroof ano?

"Lielle, di kaya masyado ka ng umaasa?" taas ko ng onti sa earphones niya at sinabi iyon ng mahina sapat lang para marinig niya.

"hindi riley. gusto ko matupad ang pangarap ko na maging kaclose siya. siya lang yung minahal ko at mamahalin ko." sabi niya sabay balik ng earphones.

minsan, ako yung natatakot para kay lielle. natatakot na baka masayang lang lahat ng effort niya at masaktan lang siya.

isa lang siyang simple at ordinaryong babae samantalang yung mahal niya isang sikat na korean idol.

after 3 hours , nag land na ang plane namin sa incheon airport.

kami nalang ang natitira sa plane kaya ginising ko na tong si lielle.

"lielle, tara na. wake uppp!" pag yugyog ko sakanya

"lieeeelleee! " sigaw ko. nag inhale exhale muna ako at pinat ang dibdib ko

"iiwan kita dito liza emanuelle. nahahagard ang beauty namin ni potato" sabi ko tapos bigla siyang napadilat.

"hah? si potato? asa korea?" weird niyang tanong na ikinatawa ko ng malakas.

sinapok ko muna siya bago ako nag salita at natigil sa pagtawa.

"gaga! nasa korea na tayo! sabi ko nahahagard beauty namin ni potato! hindi nasa korea si potato! haha!" sabi ko.

"ha? o sige na tara"  sabi niya sabay kuha ng mga gamit namin na hand carry.

{hard carryyyy yaaaah let it flow let it flow now} 

author! hand carry kase hindi hard carry.

nang nakamit namin pareho i mean niya, ang unang tapak sa korea pag baba ng plane, nag wala agad.

"HELLOOO KOREAAAA!!!" sigaw niya sabay spread ng kamay niya at ikot.

npangiti nalang ako sa inasta niya. ang saya makita na masaya yung bestfriend mo. 

narealize ko din na,first time din pala makapunta dito ni potato kahit fetus palang siya.

hinimas ko ang tiyan ko at sinabing,

"baby nasa korea na tayo"

this is a good hello, korea.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
From Fangirl To My Girl // Park Jimin Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon