CHAPTER THIRTY ONE ( Ticket )

211 4 0
                                    

Lou's POV:

Nakahiga ako sa sofa at ipinatong sa hita ng my labs ko na si tennese ang ulo ko habang nakahiga. nakaupo siya at nanonood ng korean drama habang ako nag ffb lang kasi wala kong interest sa mga ganyan. Bakla naman yang mga yan.

Naalis ang mata ko screen ng cellphone ko ng biglang bumukas ang screen at nakita ko doon si lielle.

Sabog. Haggard. Naiyak. Mugto ang mga mata.

Sabog as in yung buhok niya buhaghag. Haggard parehas na yun. Naiyak naluha ang mga mata. Mugto ang mata. Puffy yung eyes tapos medyo red ang mata at ilong.

"Nyare sayo liza?" Tanong ni tennese. imbis na sagutin si tennese, dumiretso si lielle sa kwarto niya na para bang walang nakita na tao dito sa sala at walang narinig.

What's wrong with her?

Alam ko galing siya sa airport to meet that lee jimin.

Teka! Sinaktan ba siya nung jimin na yun? Tinaboy niya ba yung kapatid ko na parang aso?

Aba! Gago yun ah! Sa talino at ganda ba naman ng kapatid ko?

Agad akong tumayo at umakyat para habulin si lielle. Sumunod naman saakin si tennese.

Marahas kong binuksan ang pinto at naupo sa tabi niya.

Hinawakan ko ang mga balikat niya at iniangat ang mukha niya sakin.

"Sabihin mo sakin! Sinaktan ka ba nung jimin na yun?!?! Tinaboy ka ba niya? Ano?!?! Sabihin mo!!! Tuturuan ko yun ng leksyon!" sigaw ko.

"W-wala po k-kuya. " nauutal niya na sabi. Dahil nga sa sobrang pag iyak niya.

"Eh ano?" Kalmado ko nang tanong.

"Umalis na siya. Sila. Pabalik ng korea. At ang iniwan niya lang sakin.. Halik." Sabi niya na parang nadismaya pa.

"Ah.. Yun lang pala eh. " sabi ko sabay tayo sa kama.

"Whaaaat?!?" Sigaw ni tennese tapos tumabi kay lielle at nag paulan ng tanong. Ano meron? Hinalikan lang naman siya sa labi. Ano meron du--

"Ano?!? Hinalikan ka?! Aba loko yun ah!" Sabi ko na lalabas talaga.

"Lou Ely! 18 na tong kapatid mo tapos bawal pang halikan? Kung di kita halikan kahit 20 ka na?" Sabi ni tennese.

"Sabi ko ngang ok na yun eh." Sabi ko na napakamot nalang sa ulo ko.

Di ko magagawang sumuway kay tennese. Bukod sa mahal na mahal ko siya, siya ang boss ko. Sa iba ako siga at matapang pero pag dating sakanya, nagiging anghel ako.

Bumaba na ako at iniwan silang dalawa doon sa kwarto ni lielle.

Baka kailangan ng space para makapag GIRL TALK.

Maya maya, dumating na si mama at papa galing sa sm. Nag grocery kasi sila dahil ubos na yung stock ng grocery dito sa bahay.

"Hi ma." Bati ko kay mama at lumapit para mag mano. Ganun din kay papa. Tapos kinuha ko na yung plastic bag na hawak ni mama sa parehas niyang kamay at nilapag yun sa kusina.

"Nasan sila lielle?" Tanong ni papa

"Nasa taas po. Sa kwarto niya. Naiyak." Sabi ko.

"Ha?!? Bakit? Napano ang kapatid mo lou?" Tanong ni mama na medyo nag papanic

"Ah. Umalis na daw yung jimin koreano papuntang korea. Kala ko nga inano siya. Kundi sasapakin ko talaga yun" sabi ko.

"Kawawa naman ang bunso namin" sabi ni papa.

From Fangirl To My Girl // Park Jimin Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon