Prologue
"Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"
Tsk! Sa kadami daming araw, ngayon pa talaga ako malelate? Seryoso!?
"Ma! Yung medyas ko san na!"
"Sandali!"
tsk! Kung pwede lang sana pumasok ng wala ng breakfast ok na sana! Kainis!!!
*ding*dong*
"Hoy Conan!"
Tsk! Calling me Conan again?!
"Maaaa! yung necktie ko!"
"Hoy Conan! malelate na tayo! Bilis!"
"Oo na!"
"Ma! Alis na kami!"
Bumaba na ako galing kwarto at nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay.
"Hoy lalake! Tama na nga yang katatawag mo sakin ng Conan! Para kang sira"
"Haha, bakit? Ayaw mo?"
"Oo naman! Kasi po! si Conan lalaki, kahit idol na idol ko yan, di parin ako si Conan no!"
"Hahahaha, sabi mo eh"
Buti na lang naka-abot pa kami sa quiz namin sa physics, kahit mejo late na kami ng 8 minutes.
5pm nang naglakad kami pauwi ng bahay.
"Hoy Conan, ang tahimik mo ata?"
"Tigil na nga yang katatawag mo saking ng Conan, Gin."
"Hala, Gin daw, ano tingin mo sakin? Cold-blooded murderer?"
"Oo, haha."
Biglang natahimik si Gin sa sinabi ko.
"Hoy, joke lang yun ha? Nagalit ka?"
"Ewan ko sayo."
"ooooy, si Gin, nagalit."
"Tigil nga Conan."
"Hanggat tinatawag mo kong Conan, tatawagin kitang Gin."
"Hahaha, sige, ganito na lang, ngayong araw na to, ikaw si Conan, at ako naman si Gin, ano?"
"Sige"
Naglalakad kami ni Gin pauwi, ang hindi ko alam, yun na pala ang simula ng pagharap ko sa totoong cold-blooded murderer.
BINABASA MO ANG
Seck Rivas First Case
Teen FictionA high school girl student who is fond of reading and watching detective stories encountered one of the most horrifying event in her life as their neighbor was found breathless on his kitchen. A start of a certain paradigm shift of her life. How wou...