II. First Suspect

15 2 0
                                    

II. First Suspect

Maya-maya dumating may dumating na tatlong tao, umupo sila kasama namin sa sala at maya-maya pa ay lumapit sa amin si Inspector Laz, nalaman ko yung pangalan niya dahil yun yung tawag sa kanya ng iba pang mga pulis.

Unang tinanong ay isang lalaki, . Ang dalawa ay pina-upo pa sa ibang upuan. Malapit lang sa amin sina Inspector Laz kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

Ang unang suspect ay si Johan Escabarte,mga nasa 22-25 yung edad. Isang engineering student.

"Johan Escabarte? Tama ba ako?" Tanong ni Inspector Laz sa kanya.

"Opo sir."

"Kaanu-ano mo yung pinaslang?"

"Dati ho namin siyang hardinero sir."

"Kailan kayo huling nag-usap?"

"Kahapon ng hapon mga 4:00pm, ibinalita ko sa kanya na tinanggap yung project proposal ko para sa final project namin."

"Malapit ba kayo ni Mang Julius?"

"Yes sir, nung bata pa ako, kami lang ni Tatay Julius ang natitira sa bahay kaya parati kaming magka-usap."

"Wala ka bang alam na maaaring may galit o naging kaaway ni Mang Julius?"

Natigilan ng sandali si Johan bago sinagot ang tanong ni Inspector Laz

"Wala ho sir, mabait na tao si Mang Julius, kaya imposibleng meron siyang naka-away o nakabangga."

Maging si Johan ay nanginginig din, maari kayang dahil ito sa pagkabigla niya sa natanggap na balita? O may tinatago pa siya?

"Nasan ka mga 11:00 hanggang 12:00 kagabi?"

"Tinatanong ho ba ninyo kung meron akong alibi? Kasali ba ako sa mga suspects sir? Pero wala akong motibo,"

"Ginoo, lahat ng taong huling naka-usap ni Mang Julius ay maaring maging suspect, tinatanong namin yun dahil may nakakita sayo kagabi na naglalakad malapit sa bahay ng biktima."

"Kahit na! Hindi porket napadaan ako dito eh kabilang na ako sa mga suspects niyo sir. At isa pa, wala akong motibo. Wala akong mapapala kung papatayin ko si Tatay Julius."

"Kung ganun man, bakit di mo sagutin ang tanong ko?"

"Ma... may pinuntahan akong kaklase malapit dito."

Nakayuko si Johan nang sagutin ang tanong ni Inspector Laz.

"May tao bang pwedeng mag-confirm sa sinasabi mo?"

"Hindi ko alam, gabi na, madilim, at... at... "

"At ano, ginoong Johan?"

Nagdadalawang isip pa si Johan kung magsasalita ba o hindi.

"at, wala nang taong naglalakad sa mga oras na yun."

"Nagsasabi ka ba ng totoo ginoo?"

"Kung ayaw niyong maniwala, wala na akong magagawa diyan sir."

"Kung ganoon, nangyari bang napadaan ka sa bahay ni Mang Julius?"

"Wa... wala ho sir."

"Wala ka bang napansin na kakaiba, o di kaya taong nakasalubong mo sa daan?"

"Wala ho sir."

"Kung ganoon, ito muna sa ngayon. Tatawagan kita uli kung may karagdagan pa akong tanong."

Tumayo ang binatang naka-upo sa harap ng Inspector at nagmamadaling umalis.

Tiningnan ko siya sa bintana hanggang makalabas siya ng gate. 

Bago siya makalabas, ay may hinahanap siya at may tinitigan na kung ano sa gate, at tumuloy sa paglakad.

Kaklase? Hindi napadaan dito? Walang nakita o napansin? Motibo? Johan Escabarte, alam kong meron kang tinatago, at alam kong nagsisinungaling ka lang.

Seck Rivas First CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon