I. Murdered: Julius Figueroa
Papalapit na kami ng bahay nang nakita naming ang dami ng tao na nakapalibot sa harap ng kapitbahay namin.
"Aba, parang buong barangay andito ah.. Anong meron? Artista?"
"Tahimik nga Gin, tara tingnan natin kung anong meron."
Lumapit kami ni Gin at sinubukan makipagsiksikan sa dami ng tao.
Maya-maya, nakita ko si Mama.
"Ma!"
"Nak! Halika."
Ginawa ko ang lahat upang makalapit kay mama dahil talagang nagsisiksikan ang mga tao.
"Anong nangyari ma?"
"Si Mang Julius nak, pinatay."
Nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Mama, hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
Bigla-bigla na lang akong tumakbo papasok sa loob ng bahay ni Mang Julius.
"Hindi ka pwedeng pumasok sa loob."
Pinigilan ako ng isa sa mga pulis na nakabantay sa pinto ni Mang Julius.
"Kilala ko yung pinatay, naka-usap ko pa siya kagabi mga 10:00 pm. Baka makatulong ho ako."
Nagpupumigil akong pumasok sa loob ng bahay, sa huli, wala ring nagawa si mamang pulis.
Una kong narating ang sala, wala dun si Mang Julius kaya tumakbo ako hanggang kusina.
At dun nakita ko ang isang karumaldumal na eksena.
Nakita kong nakahandusay si Mang Julius sa sahig ng kusina niya. Maputi, nakapikit ang mata, nakabuka ang bibig, at mapapansin mo umiitim na likidong naninigas mula sa ulo, leeg hanggang sa sahig. Di ako nakagalaw, hindi ako makapaniwala sa pigurang nakalantad sa harap ko. Marami na akong nakitang ganito ngunit hindi ko inakala na makakita ako ng ganito sa totoong buhay.
Parang kagabi lang nung inasar ako ni Mang Julius na may boypren na daw ako, at ngayon, eto, nakahandusay siya sa harap ko, walang buhay.
Nakabalik ako sa sarili ko ng may naramdaman akong mainit na kamay na humawak sa braso ko.
"Conan, tara na, hindi mo pa dapat nakita to."
Hinihila niya ako, hinihila niya ako palayo sa karumaldumal na eksenang yun, wala akong maramdaman, namanhid ang buong katawan ko.
Hindi ko alam, ngunit, bigla na lang tumigil ang katawan ko.
"Tara na."
"Hi... hindi, hindi ko hahayaang iwan to ng ganito."
Bumalik ako sa kusina ni Mang Julius.
Narinig ko ang usapan ng mga pulis.
"Sir, mga 11:00pm hanggang 12:00am ang estimated time of death. Cause of death, heavy blow on the occipital part of the head. Eto sir yung ginamit na pamalo."
Itinaas nung isang pulis ang isang bakal na may mga dugo pa. Nakalagay ito sa loob ng transparent cellophane.
Nilapitan ko ang katawan ni Mang Julius, ineksamin ko ito ng mabuti, mula ulo hanggang paa.
Marami akong napansin na kakaiba sa katawan ni mang Julius.
Una, iba ang amoy ng katawan.
Pangalawa, isang paa lamang niya ang may medyas.
Sinuri ko ng mabuti ang buong kusina habang abala pa ang mga pulis.
"May nakita po bang fingerprints diyan?"
"Wala sir, halos sa biktima lang lahat yung mga fingerprints na nandito."
Sunod na pinuntahan ko ang kwarto ni Mang Julius, dahan-dahan akong pumasok upang walang makapansin sa kin.
Anim na pulis lamang pala ang nandito, Yung dalawa nasa harap ng bahay, yung isa, nasa kusina, yung isa nasa kwarto, at yung dalawa, yung nag-uusap sa kusina kanina.
Sinuri ko ng mabuti ang kwarto ni Mang Julius.
"Miss, hindi ka pwedeng maglakad-lakad dito."
"Sir, hayaan niyo na po ako, gusto ko lang pong makatulong."
"Sorry miss, pero hindi talaga, kung gusto mong tumulong, kausapin mo si inspector kung may nalalaman ka tungkol sa kaso."
Wala akong nagawa, lumabas ako ng kwarto, ngunit bago pa man ako nakalabas, marami na akong napansin.
Bakit magulo ang higaan ni Mang Julius?
Nasaan ang pares ng tsinelas?
Sarado ang mga bintana.
May tsinelas sa ilalim ng higaan ni Mang Julius.
Sunod kong pinuntahan ang sala, wala namang kakaiba dun, maliban sa isang babaeng nakaupo sa gilid at tila nanginginig. Kapansin-pansin ang takot sa mukha niya. Nilapitan ko yung babae.
"Miss?"
"Tumingin lang siya sakin."
Dun ko lang napansin na umiiyak siya.
"Gusto mo nang kausap?"
Tinabihan ko siya at hinimas-himas ang likod niya.
"Si... si... si uncle..."
Ramdam ko ang bawat hikbi niya.
"Si... nabihan... ko... na... siya na... mag-ingat... ngunit... hin... di... siya... nakinig..."
Tinakpan niya ang mukha niya ng kamay,niya at humagulgol sa iyak.
Mag-ingat? Hindi nakinig? Ano ang ibig niyang sabihin? Anong misteryo meron sa likod ng karumaldumal na krimen na ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/11471066-288-k336548.jpg)
BINABASA MO ANG
Seck Rivas First Case
Teen FictionA high school girl student who is fond of reading and watching detective stories encountered one of the most horrifying event in her life as their neighbor was found breathless on his kitchen. A start of a certain paradigm shift of her life. How wou...