III. Second Suspect

15 1 0
                                    

III. Second suspect

Maya-maya, isang babae naman ang lumapit at umupo sa harap ni Inspector Laz, naka-upo pa rin ako, katabi ang babaeng hanggang ngayon ay nanginig at umiiyak parin.

Nailabas na ang katawan ni Mang Julius at ang natira na lamang ay ang mga bagay na kakailanganin para sa imbistigasyon.

"Magandang hapon ginang."

"At may lakas ng loob pa kayong magsabi ng magandang hapon inspector pagkatapos ng mga mangyari?"

Ang sumunod na tinanong ay isang babaeng nasa 30-35 years old, Edel Lauron, mapapansin mo sa kanya ang kulot niyang buhok na medjo may pagka-brown ang kulay.

"Hmmm, Mrs. Lauron, maaari ko bang malaman ang kaugnayan mo kay Ginoong Julius?"

"Kaibigan, matagal na kaming magkakilala."

"At san naman kayo nagkakilala ginang?"

"Suki ko si Julius sa palengke."

"Gaano mo kakilala si Mang Julius?"

"Mahigit anim na taon na kaming magkakilala ngunit hindi kami ganoon ka close hanggang suki lamang ang relasyon meron kami."

Tumango ang inspector.

"Ginang Lauron, maari ko bang malaman kung may nasabi ba sayo ang biktima na naka-away o, nakabangga niya?"

"Katulad ng sinabi ko Inspector, hanggang suki lamang ang ugnayan namin ni Julius."

"So, ibig sabihin, wala kang alam?"

"Malamang inspector! Ikaw ba, may iba ka pa bang sasabihin sa isang taong hindi mo naman ganun kakilala?"

"Kailan mo huling nakita si Julius?"

"Kapahon ng hapon, dumaan siya sa amin sa palengke."

"Sigurado ka?"

"Oo,"

"Hindi ka nagsisinungalin ginang?"

"Kalokohan Inspector! Kung magtatanong man lang kayo at hindi kayo maniniwala wag na lang kayong magtanong!"

"Paano, kung sasabihin ko sa inyo na may nakakita sa inyo kagabi na lumabas ng bahay na to?"

Natigilan ang ginang at tila umalis lahat ang kulay na meron sa mukha niya.

"I... i... imposible."

"Ginang, may taong pinaslang sa bahay nato, kung may nalalaman ka, o kung may tinatago ka, sabihin mo ang lahat sa amin, kung hindi ikaw ang may gawa nito, wala kang rason para itago sa amin ang kung ano mang nalalaman mo ginang."

Natahimik ang ginang at tila nag-iisip. Bago siya magsalita ulit ay pinakawalan niya ang isang napakabigat na hinga.

"Oh sige inspector, itanong mo lahat sa akin at sasagutin ko."

"Ano ang ginagawa mo dito kagabi?"

"Pumunta ako dito para kausapin su Julius?"

"At maari ko bang malaman kung ano ang pinag-usapan niyo?"

"Maniningil ako ng utang sa kanya."

"Magkano ba ang utang ni Mang Julius sa inyo?"

"1,580."

"Pera?"

"Hindi, minsan nangungutang siya sa tindahan ko sa palengke at naniningil ako dahil nalulugi na ang tindahan ko."

"Tapos?"

"Sinabi niya na wala pa siyang perang pambayad, baka sa susunod na linggo na lang daw."

"At hinatid ka ni Mang Julius sa labas?"

"Oho."

"At ano ang huli mong sinabi kay Mang Julius?"

"Babalik na lang ako sa susunod na araw."

"Siya ba ang nagsara ng pinto?"

"Oho, sinara ni Mang Julius ang pinto ng makalabas na ako ng gate."

"Ok. Mga anong oras ka umalis sa bahay ni Mang Julius?"

"Mga 10:30"

"Ganun ba, sige ho, yun muna sa ngayon, tatawagan na lang kita kung may karagdagan pa akong tanong sa inyo."

Tumayo na ang babae, ngunit bago siya umalis ay tiningnan muna niya ang babaeng nasa tabi ko at tuluyan ng umalis.

Seck Rivas First CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon