V. Erika Figueroa

172 3 0
                                    

V. Erika Figueroa

Lumapit sa amin ang inspector at umupo sa harap nung babaeng katabi ko.

"Ms. Erika Figueroa, may mga itatanong lang sana ako sa inyo, kung maaari lang sana."

Humihikbi pang sumagot si Erika kay inspector.

"Ku... ku... kung may ma... i... tu... tulong ho... ako... sa kaso... ng... un... cle... ko... sasagutin ko ho... la... hat."

Bago pa nagtanong ang inspector ay binigyan niya ng isang basong tubig si Erika upang mahimasmasan ng konti.

"Alam kong masakit ang nangyari sa uncle mo Erika."

"Sobrang sakit inspector, siya na lang yung natitirang pamilya ko dito."

"Maaari mo bang sabihin kung paano mo natagpuan ang biktima?"

"Wala akong pasok tuwing biyernes, kaya umuuwi ako upang bisitahin si Uncle Julius, kumatok ako ngunit walang sumasagot."

"Tapos? Hindi mo ba inakala na umalis siya?"

"Yun din ang nasa isip ko nung una inspector ngunit ng sinubukan kong buksan yung pinto, hindi to nakalock kaya pumasok na lang ako sa loob."

"Wala ka bang napansin na kakaiba pagpasok mo?"

"Wala ho, sinubukan kong tawagin si Uncle ngunit hindi siya sumagot. Nilagay ko ang bag ko sa upuan dito sa sala at pumunta sa kusina, at... at... at..."

Bigla na lang napahagulgol nang iyak si Erika,

"Naiintindihan ko ang nararamdaman niyo Miss."

"Nakita ko na lang nakahandusay si Uncle Julius sa kusina..."

"Wala ba siyang nasabi sayong kaaway niya o di kayay nakabangga niya?"

Ininom muna ni Erika ang natitirang tubig bago siya sumagot.

"Nung huling tawag niya sakin, sinabi niyang 'magandang pagkakitaan to ng pera Kaykay.'"

"at kailan naman to?"

"Kahapon ng hapon."

"Hindi ba niya nabanggit kung ano yun?"

"Hindi, ang sinabi niya lang ay may nalaman siya at susubukan niya itong i-kontak at ibablackmail. Sinubukan kong pigilan si uncle ngunit ayaw niyang makinig, sabi niya kailangan niya ng pera pambayad ng utang kaya kailangan niyang gawin yun."

"Maaaring yun yung motibo kaya siya pinatay."

"Sinabi ko sa kanya na delikado ang gagawin niya, ngunit ayaw niyang makinig."

"Wala na ba siyang ibang sinabi?"

"Ang huli niyang sinabi ay, kilala ko kung sino yung ibablackmail niya. Yun lamang ang sinabi niya sakin."

"Kung ganun, kami na ang bahalang mag-iimbistiga Ms. Erika."

"Maawa kayo Inspector, gawin niyo ang lahat para hulihin ang may gawa nito sa uncle ko."

Blackmail? Motibo?

Kung si Johan man yun, ang sabi niya eh, ang huling pinag-usapan nila ay tungkol sa project proposal niya na tinanggap ng professor nila.

Kay aling Edel naman, isang babaeng nagbebenta sa palengke, kung saan may utang si Mang Julius, anong eskandalo naman ang pwedeng mailantad ni Mang Julius sa kanya?

At si Sheila Reyes, picture? Anong meron sa picture na yun at kailangan niyang puntahan ng disoras ng gabi?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seck Rivas First CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon