IV. Third Suspect
Sumunod na tinanong ng inspector ay si Sheila Reyes, isang babaeng nasa may 20-22 ang edad. Mataas na buhok ngunit mapapansin mo sa kanyang mga mata ang kakulangan sa pagtulog at maputla ang mukha.
Umupo ang babae sa harap ng inspector na parang wala sa sarili.
"Wa... wa... wala akong kasalanan inspector"
Hindi sumagot si Inspector sa sinabi nung babae.
"Ano ang relasyon mo sa biktima?"
"Wala ho."
"Bakit mo kilala ang biktima?"
"Na... na... nakatagpo ko lang ho sa daan."
"At ano ang ginagawa mo kagabi sa bahay nila? Ikaw ang huling taong nakita na pumunta sa bahay ng biktima."
"Hindi ako inspector! HINDI KO AKO ANG PUMATAY!"
Ngayon, tumutulo na ang mga luha nung babae.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko Ms. Reyes, ano ang ginagawa mo sa bahay ng biktima kagabi?"
"Ma... may ku... kukunin lang sana ako."
"At ano naman yun?"
"Picture! Nung nakabangga ko siya nung isang araw, napansin kong nawawala yung picture ko!"
"Ganun ba ka importante yun at kailangang gabi mo pa puntahan ang biktima? Para lamang sa isang picture?"
"Nagkakamali kayo! Wala akong ginawa!"
"Maaari mo bang sabihin sa amin kung ano ang nangyari kagabi?"
"Ku... kumatok ako, ngunit--"
"Ngunit?"
"Walang sumagot, sinubukan ko ulit kumatok ngunit ganun pa rin, walang sumagot. Sinubukan kong buksan ang pinto at napansin kong hindi pa ito naka-lock, papasok sana ako ngunit may narinig akong mga taong dumaan sa gilid ng bahay, natakot ako na makita nila akong basta-basta na lang pumasok, baka kung ano ang isipin nila, kaya isinara ko ulit yung pinto at nagtago sa ilalim ng bush na yun. Nung makalagpas na yung mga taong dumaan ay tumakbo ako papalabas at papalayo sa bahay."
"Hmmmm."
"Wala akong ginawa inspector, maniwala kayo. Hindi ko nakita si Manong kagabi. Wala akong ginawa."
"May makakapagpatunay ba na hindi mo nakita ang biktima kagabi?"
"Hi... hi... hindi ko alam..."
"Kung ganon, walang pwedeng kumumpirma sa sinasabi mo Ms. Reyes, hindi ka parin maaalis sa mga suspects namin."
"Wala akong ginawa inspector!"
"Ngunit ikaw ang taong huling nakitang lumabas sa gate ng biktima, parang takot na takot. Nakakapanghinala naman yata yun Ms. Reyes."
"Hindi ibig sabihin na may nakakita sa akin na lumabas sa bahay ng biktima hindi ibig sabihin na ako ang may sala!"
"Ngunit Ms. Reyes, malaki ang posibilidad na ikaw ang gumawa nito kay Mang Julius."
"Stupid! Hindi niyo ba naiintindihan? Hindi ko na nakita yung manong kagabi!"
"Ngunit walang makakapagpatunay diyan Ms. At nung pumunta ka sa bahay ng biktima, yun pa yung estimated time of death. Paano mo ipapaliwanag yun Ms."
"Hi... hi... hindi ko alam."
"Kung hindi ikaw ang may gawa, may nakita ka bang ibang taong lumabas sa bahay nato? Hindi pwedeng wala kang nakita dahil iisa lamang ang labasan ng bahay nato, sa pinto lamang dahil wala namang footprints sa gilig ng bahay kaya imposibleng hindi mo nakasalubong o napansin yung gumawa."
"Wa... wa... wala akong napansin."
"Anong oras mo nga ulit pinuntahan ang bahay?"
"Eksaktong 11:00pm ako dumating dito."
"Paano mo nasabi yun?"
"Tiningnan ko yung cellphone ko bago ako pumasok sa loob ng gate."
Napasandal ang inspector sa upuan niya, at halatang di naniniwala sa sinasabi ng dalaga sa harap niya.
Hindi naka-lock ang pinto? Hindi niya nakita ang biktima? Ano ba talaga ang totoo sa kasong to.
BINABASA MO ANG
Seck Rivas First Case
Fiksi RemajaA high school girl student who is fond of reading and watching detective stories encountered one of the most horrifying event in her life as their neighbor was found breathless on his kitchen. A start of a certain paradigm shift of her life. How wou...