"We will reveal the truth." Sambit ni Caleb. Hinintay namin sila ms. Wendy at sir Deltran na makababa dito upang ipahiwatig ni Caleb ang 'TRUTH' kuno.
Ilang minuto kaming naghintay at nakitang namumugto ang mga mata ng asawa niya.
"Psh." Narinig 'kong bulong ni Kaci.
Ilang minuto 'ring katahimikan at nairinig lamang namin ang hagulogol ni ms. Wendy hanggang sa mag salita si Zach.
"We won't waste anymore time so we're going to explain what really happened." Sabi ni Zach. Tinignan lamang namin si ms. Wendy na mukang ayaw sa amin.
"You're letting kids investigate Deltra?!" Sabi ni ms. Wendy. Pinatahan lamang siya ni sir at tumango sa amin senyales na ipagpatuloy ang aming sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng bawat isa.
"Kaninang umaga, nalaman naming nag away kayong dalawa ni sir Deltra dahil hindi niya ibingay ang ka- gustuhan 'mong ipalipat ang mga lupa sa iyo." Kaagad na napa- hinto si Caleb dahil bigla siyang sinigawan ni ms. Wendy.
"You even told them that?! Ang hina talaga ng kokote mo! They're just kids for pete's sake!" Sabi ni ms. Wendy. We didn't mind her bad- mouthing about us dahil alam 'kong wala 'ding maitutulong iyon.
"Nalaman 'din namin na kapatid mo ang pinagbibintangan 'mong magnanakaw na pinatay mo rin. Nakakapag- taka lang no'? Bakit mo naman papatayin ang kapatid mo?" Pagpapatuloy ni Caleb. Tinignan ko si ms. Wendy at unti- unting nawawala ang kulay nito sa kanyang muka.
"H-Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo! Hindi ko kapatid yan!" Pagpapalusot ni ms. Wendy.
"We have evidences. Ipina- blood test na namin kanina and it's positive, it's your brother ngunit bakit mo naman papatayin ang iyong kapatid hindi ba?" Unti- unting sumisilay ang ngisi sa labi ni Caleb. Hindi nagsalita si ms. Wendy. Hindi ko din alam na ipina- blood test nila ang dugo mula sa bangkay at kay Wendy.
"So inaamin mo 'ring pinatay mo ang iyong kapatid?" Sabi ni Yuki sa tabi.
"Hindi! Hindi ko sinasadyang mapatay ang kapatid ko! Si Deltra dapat ang papatayin ko!" Huli na ng malaman ni Wendy ang kanyang sinabi dahil sa bibig niya na mismo nanggaling at hindi niya na ito kayang mabawi.
"W-Wendy?" Hindi makapaniwalang sabi ni sir Deltra. Bumuhos ang iyak ni Wendy hanggang sa mapa- luhod siya sa sahig.
"Hindi ba'y inaabangan mo si Deltra sa likod ng pinto ngunit imbis na si Deltra ang pumasok ay ang kapatid mo at huli na ng malaman 'mong kapatid mo iyon dahil napatay mo na kaya sinabi mo nalang na isa siyang magnanakaw? Gusto 'mong patayin si Deltra dahil hindi niya sinunod ang iyong kahilingan hindi ba? At matagal niyo na 'ring plinano na papatayin niyo si Deltra sa oras na ibigay niya na sa iyo ang mga pamana ngunit tama ang naging desisyon ni Deltra na hindi ipalipat sa iyo ang titulo. Ngunit hindi ka na nakapag- timpi at napatay mo siya kahit hindi niyo pa plinano ng kapatid mo hindi ba?" Hindi sumagot si Wendy at patuloy na umiyak.
"At kung hindi mo naman balak patayin si Deltran, bakit ka may hawak 'kang kutsilyo? Ano yun? Galing ka sa kusina habang nagluluto at nakalimutan 'mong ibaba ang hawak 'mong kutsilyo at naisipan 'mong buksan ang pinto ng walang dahilan?" Patuloy ni Caleb.
Hindi na lamang kumibo si Wendy at itinayo siya ni Sir Deltra at tinawagan na din namin ang mga pulis para ipa- aresto si Wendy. Ipinalinis na din ang kalat mula sa bangkay ng kapatid ni Wendy.
"Woah! Akala ko talaga walng kwenta yung pinuntahan natin!" Sabi ni Cass habang nag- uunat.
"Yeah, Chronos." Sabi naman ni Khael. Hindi ko nakitang nagsalita si Khael kanina.
