Chapter 6: The Fight

15 1 0
                                    


Pumasok na lamang ako sa loob ng dorm kahit tulo- tulo ang dugong nanggagaling sa akin katawan. Lilinisin ko na lamang yan mamaya ngunit kailangan ko munang ma- takpan ang aking sugat upang hindi umagos ang dugo mula sa aking binti at iba pang parte ng katawan.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at muka akong pinatapon sa pasig river pagkatapos rape- in. Napa- buntong hininga nalang ako at dumiretso sa banyo upang hugasan ang aking katawan na puro dugo. Pagkatapos ay binalutan ko ng tela ang aking mga sugat. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga tela ngunit bahala na.

Tumigil ang pag- agos ng dugo ang iba 'kong parte ng katawan ngunit ayaw tumigil ng sugat sa aking inti. Nahiwa kase ito at kita na ang laman sa loob which is nakakadiri talaga. Nine pm palang at mamaya pa silang 12 babalik dito kaya malamang kapag hinintay ko pa si Yum ay patay na ako.

Humiga ako sa kama dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Hayaan ko nalang ba hanggang sa ma- ubos ang dugo? Ngunit napa- bagon ako nang narinig 'kong nasira ang aming pinto. Pagka- kita ko ay sina Khael at Caleb na galit na galit. Nasa likuran naman nila ang iba. Pupuntahan dapat ako ni Khael ngunit inunahan na siya ni Caleb.

"WHAT THE HELL HAPPENED HERE?!" Tanong niya. Nagkibit- balikat nalang ako ngunit hinila ako patayo dahilan upang mapa- luhod ako dahil sa aking binti. Tinayo ako ni Ca;eb ngunit nagulat siya nang may nakita siyang dugo mula sa aking binti.

"Who did this to ypu?" Mahinahon na siya kumpara sa kaninang mukang kayang kumain ng dragon. Tinitignan na din ako ng iba at may nakita na 'rin akong mga naka- tuxedo na kulay gold.

"I don't know." Sabi ko. Hindi ko naman talaga siya kilala. At kung ka- kilala ko man ako na mismo ang magpaparusa sa kanya kapag gumaling ako.

"Grrr!" Hindi ko maipinta ang mga muka nilang lukot na ewan. Ngunit bigla na lamang nag salita si Yum.

"Kayong dalawa..." Sabay turo niya kay Khael at Caleb. "Kung hindi niyo ako papa- daanin ay mauubos ang dugo si Heathy at matuluyan siya." Agad nag bigay ng daan ang dalawang lalaki at bigla nalang umilaw ang aking mga sugat.

Napa- pikit ako sa sobrang linaw at dumilat ako ng maramdaman 'kong wala ng ilaw. Nagulat ako dahil wala na ang mga sugat ko sa katawan kanina. "Thanks." I murmured. Tumango lamang siya at tumayo.

Nakikipag- usap na din sila sa naka- kulay na gold na tuxedo at nilinis na din nila ang dugo sa sahig. Lumabas ako ng dorm at sinalubong ako ng yakap ng mga girls.

"Ang akala namin ay patay ka na!" Sabi ni Kaci. Naririnig ko din ang paghikbi nila. Wierd lang dahil kailan lamang kame nagkakilala ngunit ganito na kaagad ang pagka- alala nila sa akin.

"Kasalanan namin ito e! Kung pinigilan ka lang sana namin!" Sabi naman ni Cass. Si Minzy naman hindi na makapag- salita dahil sa sipon niyang tumutulo.

"Hey, hindi niyo kasalanan ito. Tsaka hindi pa ako patay pata iyakan niyo." Humiwalay sila ng yakap at pinaghahampas nila ang mga lalaki. Gusto yata nila akong lambingin sa pamamagitan ng pisikalan ngunit hindi nila kayang gawin sa akin.

"You better rest." Lumingon ako at nakita ko si Khael na seryoso ang muka. Gusto sana siyang lokohin dahil ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang seryoso ngunit wag nalang at baka lamunin pa niya ako ng buhay.

Bumalik ako sa loob ng dorm at humiga sa kama. Hindi ko pa pala napapalitan ang cover ng kama dahil may bahid pa ito ng aking dugo. Ngunit masyado na akong pagod at kailangan ko nang magpanga.

***

"Heather." Narinig 'kong sambit ng isang pamilyar na boses.

"Hey! Heather!" Nakita ko si James habang naka- lutang. Psh. Sanay na naman akong makita siya sa bawat panaginip ko. At talagang pinanindigan niya ang codename niyang Morpheus. Siguro pwede ko siyang patayin kapag na- kontrol ko na ang kapangyarihan ko.

Peculiar's LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon