Iminulat ko ang aking mata at iginala sa aking paligid. Nandito na ako ngayon sa dorm ngunit paano ang klase namin kanina? Nagkibit- balikat nalang ako at dumiretso sa cr. Mukang wala pa sila dito at nasa klase pa. Naligo ako at nagbihis at kaagad 'ding pumunta sa kama.
Siguro ipaghahanda ko nalang sila ng pagkain. Nasa kitchen na ako ng maalala ko yung pinunta ko sa gubat.
"Yung cards ko..." Agad akong tumakbo pabalik ng kwarto at nakita ko iyon sa tabi ng kama. Binilang ko ang cards ko at kumpleto naman ang lagat. Sino kaya ang nagdala sa akin dito?
Naghanda ako ng snacks tutal gabi na at mamayang alas dose ang uwian nila galing school at siguradong pagod na pagod ang mga iyon. Isang oras nalang at nandito na sila. Humiga muna ako sa kama habang wala pa sila.
Patulog na sana ako ng may narinig akong kumalabog mula sa labas. Tumayo ako at dumiretso sa pinto dahil baka sila lamang iyon ngunit pipihitin ko na sana ang door knob ng bigla itong masira.
"Miss me?" Nagulat ako at bigla niya akong inatake. Hindi ko siya makilala dahil naka- takip ang kanyang muka. Naglabas siya ng espada at pinapatamaan ako nunit iniiwasan ko iyon. Dali- dali akong pumunta ng gilid na kama at kinuha ang cards ko.
Itinapon ko sa ere ang cards at nag- form ito ng pattern at nakatutok sa kalaban ko. Mabilis ko itong ipinatama sa gilid ng kalaban ko ngunit na- deflect niya iyon at sn- ilash nioya ang espada niya sa akin ngunit na- deflect ko iyon gamit ang dalawang baraha.
Patuloy siya sa pagtama sa akin ngunit masyadong masikip dito sa loob kaya ang ibang gamit namin ay nasira na gaya lamang ng bilog na thingy na naglalabas ng hologram ay nasira na din dahil sa cards ko. Dumiretso ako sa labas para maiwasan pa ang ibang damage.
Nagulat nalang ako at bigla pa siyang naglabas ng isa pang espada. Dalwa na ngayon ang kanyang espada na patuloy na hinahampas sa akin nguit wala akong magawa kindi umiwas at mag- deflect dahil masyadong malakas ang mga atake niya at lumilipad ako patalikod.
"Alam mo, kung wala 'kang magawa sa buhay mo, wag mo akong idamay!" Hindi siya kumibo ngunit masisilayan mo ang kanyang ngisi sa labi na ikakainis mo.
"Heather dear, I'm just testing you if your worthy to be here." She said in a monotone voice. Patuloy niyang inihahampas sa akin ang dalawa niyang espada at wala pa rin akong magawa kundi iwasan iyon.
"Nakaka- bagot na Themis. Are you sure that you belong here?" Mukang nang- iinis lamang siya at gumagana sa akin iyon dahil malapit na akong mapikon.
"Kung sasabihin ko 'bang oo aalis ka na?" Inis 'kong wika. Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.
Pumunta ako sa loob ng kitchen at binuksan ang basurahan kaya naman maamoy mo ang masamang hangin sa loob ng kwarto. Nakita 'kong tinakpan niya ang ilong niya kaya ginamit ko iyong pagkakataon para atakihin siya.
I gathered my cards and throw them into the air as they form a pattern. Inatake ko siya gamit ang mga cards ko at sa tingin ko ay napuruhan siya. Makikita mo ang dugong dumadaloy sa iba't- ibang parte ng kanyang katawan na ikina- ngisi ko.
Aatakihin ko ulit siya ngunit narinig namin ang pagkatok sa pinto sabay ng pagkalaho niya. Nakita 'kong bumakas ang pinto at inluwa ang mga kasama 'kong nanlalaki ang mga mata habang naka- buka ang mga bibig nila.
Sunod silang tumingin sa akin na may halong pagkalito at pagalala.
"W-what happened?" Unang nagsalita si Khael habang ang iba'y hindi pa nakaka- bawi sa pagkabigla.