Akala ko hawak na ako ni kamatayan ngunit nagkakamali pala ako. Tinignan ko ang aking paligid at nandito na ako muli sa weaponry room kasama ang iba. Bigla nalang 'ding lumitaw si Caleb sa aking harapan.
"P-Paano?" Gulong- gulo 'kong tanong. Hindi ko maintindihan kung ano ang nang- yari kanina.
"That's Zach's powers. He can make a world full of illusions." Sabi ni Yuki sa aking tabi. Hindi ako makapaniwala na kaya nilang gawin ang mga bagay na iyon. Ang agkala ko talaga dati ay sa mga pelikula lamang nang- yayari ang mga iyon.
"Ikaw pa din nanalo gung- gong? Undefeated ka talaga pre!" Inis na sambit ni Khael kay Caleb. Sinamaan lamang niya ng tingin si Khael habang ang iba'y tawa ng tawa.
Ilang minuto silang nagtatawanan hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa 'non si Sir Sky habang naka- ngisi.
"Wala kayong kibuan huh." Sinasadya niya 'bang mang- inis o sadyang nakaka- inis lamang ang pagmumuka niya? O natural lang na mainis ang lahat sa kaniya kahit ang presensya niya lamang?
"You may now go to your dorms." Sabi ni Sir Sky.
"Pero ilang minuto palang ho tayo nag- aaral." Sabi naman ni Caleb.
"Ilang oras ba kayo na- late?" Tanong ni Sir Sky na ikinatahimik nilang lahat.
"Oo nga pala, pinapatawag ka pala ng SUN, Caleb." Tumango lamang si Caleb at naunang lumabas. Maya- maya pa ay sumunod na kame upang magpahinga. Lalo na ako, sobrang nakaka- pagod at hindi ako sanay sa mga ganitong bagay.
"You did great today." Sabi ni Khael sa akin. Nginitian ko siya at sinabing 'thanks' na minsan ko lamang sabihin. Parang ang gaan ng loob ko sa kanila. Pero imposible, baka naninibago lamang ako. Oo, naninibago lamang ako.
"Nga pala, saan pupunta si Caleb?" Tanong ko. Wala naman akong pakeelam kung saang lupalop siya ng universe mapunta ngunit hindi ko mapigilan ang aking kuryosidad.
"Ayieeee! Sabi na nga ba e! May gusto ka kay Caleb no'? Napa- bilib ka ba niya kanina?" Sabi ni Cass habang tinutusok- tusok ang aking tagiliran. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil nakaka- irita talaga.
"Paano ba yan Khael? Ang dami 'mong kaagaw kay Heathy. Una si Sir James, ngayon naman si Caleb. Baka mamaya sila Yuki masama." Sabi ni Minzy. Sinamaan siya ng tingin ni Khael.
"Wala akong gusto diyan kay Heathy. Kapatid lang ang turing ko sa kanya. Tsaka bakit hindi mo sinama si Zach?" Ngising tanong ni Khael kay Minzy. Imbis na magalit siya sa muka ni Khael, bingiyan niya ito ng isang matamis na ngiti. Tinignan niya muna si Zach bago sumagot.
"Syempre excempted na si Zach doon dahil akin lamang siya." Sabi ni Minzy habang naka- ngiti at mukang hindi naman narinig ni Zach iyon dahil naka- takip ng earphones ang kanyang tainga.
"Mabubuking ka din ni Zach." Sabi ni Kaci.
"Ewan ko sa inyo." Sagot niya at agad kaming bumalik sa dorm namin.
Sampu kaming lahat dito sa dorm ngunit malaki ito kaya kasyang- kasya kaming lahat dito. Naka- hati ang higaan ng mga boys sa girls dahil dalawang kamang malaki lamang ang nag- seseperate pagitan sa amin.
Nakapag- ligo na kaming lahat at napag- desisyunan naming matulog na dahil Law ang Order daw ang aming subject bukas. Hindi ko alam kung anong klaseng mga subjects ang meron dito sa Peculiar Academy ngunit nakaka- entertain naman ang weaponry. Hindi ko na lamang alam sa iba.
"Ready na ba kayo guys para sa Christmas Ball this year?!" Sabi ni Minzy na mukang excited na excited. December na kase at malapit na ang pasko. Hindi ko alam kung pwedeng pumunta sa sari- sarili naming bahay kapag pasko.
