Chapter 8: Russian Roulette

5 1 0
                                    


Ano kaya ang mga buhay ng mga 'to kung wala ako? Kasalukuyan akong nagluluto ng aming umagahan samantalang nandito lahat sila sa kusina habang hinihintay ang aking iniluluto. Pancakes lang ang aking niluto para madali at hindi time consuming even though na wala naman akong gagawin ngayong araw at mamaya pang alasais ang aking pasok.

"Wow! Heathy ang sarap naman nito!" Sabi ni Khael habang punong- puno ang bibig niya. Napailing nalang ako at ang aking mga kasama sa kanyang ginagawa.

"Siya nga pala Khael, anong ginawa niyo nung kasama niyo si Caleb at si James?" Tanong ni Yuki habang halata sa kanyang muka na naiinis pa rin siya dahil hindi siya sinama.

"Syempre, isang murder case nanaman. Ngunit ang ipinagtataka lamang namin ay ang mga links nito sa ibang murder case na nganap din nung mga nakaraan." Khael made a look na mas lalong nagpapa- panget sa kanya.

"I heard that." Nagkibit- balikat lang ako at ipinagpatuloy ang pag- kain.

"What kind of link?" This time, si Minzy naman ang nag- tanong.

"They are all murdered during the rain." Lahat ay pinapatay kapag umuulan? Anong klaseng trip naman ang gustong ipahiwatig ng murderer?

"The murderer must be insane. Baka may sakit sa utak iyon." Yum said while circling her fingers through her temples.

"Alam naman nating lahat na may dahilan ang bawat murderers kung bakit nila ginagawa iyon. That's why James ang Caleb are still connecting the dots." They all nodded at what Khael has said. Kahit ako ay sumasang- ayon sa kanya. Whatever the killer's reason is.

Lahat kame ay nagambala nang may kumatok ng tatlong beses sa pinto. Hindi lamang katok, gusto na yata niyang sirain ang pinto.

"I'll go get it." Pagpriprisinta ni Cass. Hinintay naming bumukas ang pinto. Muka kaming mga zombie rito na hinihintay ang taong tatanggalan namin ng utak.

Unti- unting bumukas ang pinto at sumilay ang pamilyar na tao sa akin. "Hi!" Never mind. Kung sinabi 'kong gusto naming kainin ang utak niya dahil wala pala siyang utak.

"Do we know you?" Si Khael na ngayon ang tumayo at may mala- autoridad na boses. Wow, first time.

"Unfortunately, for you, the answer is no. But for her..." Sabay turo sa akin "—Fortunately, Yes." Walang paalam siyang pumasok sa loob ng dorm nakin at hinila ako palabas.

"Teka lang!" Sigaw ko. Ngunit hindi niya ako pinansin at parang gustong- gusto niya ang ginagawa niya. I tried to free myself from him ngunit hindi ko magawa. Kumabaga, tambo siya at tingting lamang ako.

When all my hopes are down, ay biglang may yoyo na maliit na tumama sa ulo niya.

"You're not allowed to go here. And what you did is disrespectful." Si Yum naman ngayon ang humarang sakanya. Lahat sila ay lumabas ng dorm at pinaikutan si Thor. Yup, I'm with Thor: The guy who was sleepin under the tree last night.

"Sorry. Where are my manners?" Binitawan niya ang braso ko at humarap sa kanila. "I'm Thor and I'm her friend. Bye!" Muli niya akong hinila palabas hanggang sa maka- alis na kami ng border ng class namin.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Wala na yata siyang balak magsalita at trip niya lang yata akong hilahin ng hilahin.

"Did'nt you know? Lahat ng class ay magtitipon- tipon upang maghanda sa isang event." He said habang hindi pa rin tumitingin sa akin. "Susunod na rin ang mga kasama mo mamaya." Kaya pala maaga sila gumising kanina.

After 30 minutes of walking, pinaupo din niya ako sa wakas sa isang monobloc chair. Meron na 'ring mga tao dito at mukang mapupuno na ang buong grounds. May naka- set na malaking stage sa harap namin habang may ilang upuan na naroon.

Peculiar's LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon