Unang Yugto: Indak

108 8 0
                                    

Nasa unang taon na ako ng high school at ngayon ang unang araw ng pasukan.

Okay. Napagtanto ko lang na medyo magulo nga ang kwento ko ano?

Ganito nalang. Bale yung mga nasabi ko, yan yung mga naganap sa nakaraan. Ang mga kawalang kwentahang sasabihin ko ngayon ay ang mga sumunod na nangyari makalipas ang tatlo o apat na taon. Hindi ko na maalala... basta makinig, este magbasa nalang po tayo.

Ngayon magsisimula na ako. Makinig ng mabuti ano po? Para hindi tayo paulit ulit. Kasi medyo gahol na tayo sa oras at ako, medyo hirap talaga mag kwento.

Nasa ikalawang taon na ako ng highschool. Masaya naman ako dahil nararamdaman kong nagiging normal na ang buhay -.

"Chard! Pssst Chard!" Napalingon ako at napangiti. Si Nico, andito na siya at tumatakbo siyang parang baliw papunta sa akin.

Natatandaan nyo ba nung araw na nahuli ako ni Mr. Bayola sa loob ng eskwelahan? Oo, yun! Di ba pinakilala nya ang isang batang babae sa klase? Si Nico? Di ba?

Eto na siya. Iisa lang sila.

"Uy! Ang tagal mo naman eh." Biro ko.

"Naku pasensya ka na. I had to go with my dad muna sa office nya kasi my mom asked me to pick up something pa. Sorry naaaa." ipinalupot nya ang kanyang kamay sa aking braso. Medyo namula ang tainga ko dun ah.

"Okay lang yon. Teka, dala mo ba yung libro?" pagtatanong ko habang naglalakad kami papunta sa silid aklatan.

"Oo naman! Ako pa ba?" tumawa ito.

Para akong nakalutang sa mga ulap. Alam ko na pala ang tawag dun sa para kang bitbit ng mga paru-paro na lagi kong nararamdaman dati kay Mrs. Richards.

Crush.

Pero di ko crush si Nico ah. Kamukha lang talaga siya ni Mrs.Richards.

Okay. Sige konti. Ang ganda nya kasi, ang bait pa. Kaso medyo, bichesa, meldy. Alam nyo ba iyon?

Medyo masungit siya. Yan ang tawag nya sa sarili nya. Term daw yun ng mga bading sa mga babaeng masungit at maldita. Medyo alam nya naman na ganun ang ugali nya at proud naman siya dito ano?

Sabi daw kasi ng mommy nya, hindi siya dapat masyadong mabait. Para hindi siya inaabuso at kinakawawa ng mga tao.

Kaya naman ganyan din ang lagi nyang pinangangaral sa akin. Palagi nya akong pinagsasabihan tungkol sa pagiging mabait at mapag bigay ko. Katwiran nya kasi... inaabuso na ako ni hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko.

Gaya na lamang noong nakaraang inutusan ako ni Julie na kuhain ang kanyang libro kay Jake na nasa kabilang building pa. Ginawa ko na lamang dahil ayokong makarinig ng maraming salita. Ayoko rin naman ng gulo. Medyo... bully kasi siya, kaya sinunod ko na lamang.

Tutulungan ko sa isang proyekto si Nico. Kapalit ng librong kailangan namin sa isa kong subject dahil wala akong pambili at... binilhan nya ako.

Nabanggit ko na bang mayaman sila? Mendoza kasi. May limang gas station sa Bulacan ang kanilang pamilya. Merun ring restaurant at fast food chain kaya medyo big time.

Binili nya ito para sa akin kahit hindi ko naman hiningi. Kaya hindi ako pumayag na walang kapalit. May kamahalan ang libro kaya nag prisinta nalang ako sa kanya na tutulungan ko siya sa kanyang book report.

Ayaw pa niya noong una pero sadyang hindi ko tatanggapin ang libro hangga't hindi siya pumapayag.

Natapos namin ang kanyang book report sa loob lamang ng dalawang oras. Nag aya siyang kumain muna sa may cafeteria bilang meron pa kaming tatlumpung minuto bago magsimula ang susunod na klase.

AlpasWhere stories live. Discover now