"Good Afternoon po Tita Mary Ann."
Tumango lang ito. Malamig ang kanyang pakikitungo pero malamlam ang mga mata. Alam na kaya nya?
Alam na nya. Sinabi nya.
PIlit kong itinataboy ang mga boses na naguudyok sa akin. Napapraning na naman ako.
"Pwede ko ho ba makausap si Nico kahit saglit?"
Hindi ito nagsalita at tinawag lang si Nico. Hindi rin ako pinapasok sa kanilang bahay. Okay lang naman sa akin. Alam ko naman na deserve ko ang ganitong pakikitungo dahil may kasalanan ako.
Mga matapobre!
Napapapikit ako dahil ayaw talaga nilang tumigil. Ang mga boses sa aking ulo... ginugulo na nila ang aking pagkatao.
Nagbubutil butil na ang pawis sa aking noo. Puno na rin ng pawis ang bawat singit ng katawan ko. Pero balewala lamang iyon. Mag aantay ako sa kanya dahil kailangan ko talagang ayusin ito. Kailangan ko siya.
Inabot ng halos kalahating oras bago lumabas si Nico.
Namamaga ang mga mata nya. Pumayat din siya pero mas gumanda siya.
Ang sarap sarap ng labi nya.
Napailing ako. Tangina. Itong mga boses na ito, nagsisimula na akong mainis sa kanila.
"Anong kailangan mo?" nakahalukipkip siya at hindi nakangiti.
Tiningnan ko siya sa mata. Para akong sinusuntok ng paulit ulit sa aking sikmura dahil wala akong makita sa kanyang mata. Para bang andito siya sa harap ko pero wala ang puso nya.
Ang bilis ko namang mawala sa buhay nya.
"Nics, sorry na. Patawarin mo na ako. Hin - hindi ko naman sinasadya yung... yung nagawa ko noon. Hin -" pinutol nya ako.
"Hindi mo sinasadya kasi?" pagtatanong nya.
Katahimikan.
Hindi ako makasagot. Hindi ako makapag salita. Wala akong ma-idahilan. Wala naman kasi akong matinong dahilan.
"Ano? Kahit di mo sinasadya yun may dahilan kung bakit di mo sinasadya." tahimik nyang sinabi pero may panghahamon.
Hinuhuli ka lang nya. Pinapaamin ka.
Binuka ko ang aking bibig para sumagot pero wala akong lakas ng loob na mag salita. Wala akong masabi. Nakita ko ang pagkairita sa kanyang mukha. Pero nangibabaw ang lungkot at panghihinayang dito.
"Kasi sabog ka. Sabog ka sa pag gamit ng shabu nung araw na yon. Tama?" medyo napaiktad ako sa sinabi nya. Nagtatayuan ang mga balahibo ko sa aking batok.
"Tama ako di ba?" may halong pang aakusa na sa tono nya.
Wag kang magpatalo. Sabi ng tila nagiging pamilyar na boses sa aking utak. Madalas siyang sumusulpot sa mga pagkakataong naiipit ako sa pagitan ng pagsasabi ng totoo at pag tanggi sa katotohanan.
"Nics... I'm sorry. I know it's not an excuse. Alam mo naman di ba? Alam mo naman kung ano ang nangyari. Of all people ikaw nga dapat ang nakakaintindi sa akin. Sorry na please." pagmamakaawa ko.
"Exactly Richard." napabalikwas ako sa pangalang binanggit nya. Yan kasi ang tunay kong pangalan pero hindi ko ginagamit. Hindi ko ginagamit kasi pangalan ng demonyong hukluban iyan. Jr. kasi ako.
"Exactly! I, of all people should be the one who would've understood you. All you need to do is talk to me! Approach me! Oh di ba ikaw pa nga ang nagsabi sa akin nyan noong ako yung namatayan? Ano bang sinabi mo noon? Kausapin lang kita. Dahil makikinig ka. Sabi mo ilabas ko lang lahat ng nararamdaman ko dahil maiintindihan mo naman lahat yun."
YOU ARE READING
Alpas
FanfictionAn entry to AMACon 3 Oikos: Children "If you've come face to face with your own demons, what would you have done?"