Ikaapat na Yugto: Akibat

52 4 0
                                    

Isang malamig na kamay ang dumampi sa aking pisngi. Nanginginig ang nanay ko. Hindi sa galit kundi sa sakit.

Nalaman nyang bumagsak ako sa lahat ng aking mga pagsusulit at na disqualified na ako sa aking scholarship.

"Chard! Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo 'nak? Anong problema? Kausapin mo ang nanay? Wag mong kimikimin! Gagawin ko naman lahat para sa'yo eh." pag mamakaawa ng aking ina.

Mabuti nalang at medyo mataas ako ngayon. Hindi literal ah. Yung may tama ba... manhid ako at wala akong maramdamang kahit ano.

Ngumisi ako. Hanggang sa natawa ako ng kaunti at hanggang tumawa ng tumawa ng tumawa.

Hindi ko alam kung paano ko nagagawang tumawa gayong puro luha ang mata ng aking ina. Ganito pala ang tama ng shabu. Nakakaloko. Nakakabaliw. Pero masarap. Masarap kasi nakakamanhid. Nakakalimutan ko ang lahat pag may karga ako.

Pasensya ka na nay! Pasensya ka na naging ganito ako. Patawarin mo po ako! Patawarin mo ang puso kong baliw.

BAKASYON. BUWAN NG MAYO.

Alas dose na ng tanghali. Napaiktad ako ng magulat ako sa isang katok na malakas sa aming pintuan.

"Chard! Pare! Pare!" halos masira na ang aming pinto.

"Saglit dude!" pupungas pungas akong bumangon at pinag buksan ng pinto ang kaibigan ko ng si Joel.

Hingal na hingal pa ito at nag mamadaling isara ang pinto sa kanyang likuran. "Anong nangyayari sa iyo pare?" tanong ko.

Bumunot ito ng baril at iniabot sa akin. Teka! Wala sa usapan namin ang ganito. Kumakalabog ang dibdib ko. "Ano yan pre!?"

"Relaks ka lang diyan! Itago mo muna ito. Pukinang ina kasi tong si Kim di makapag hintay, may dinali eh. Tangina itago mo muna to."

"Teka pare, ayoko makisali sa ganyan."

"Para ka namang hindi kaibigan nyan eh!? Itatago mo lang! Siguraduhin mo lang na hindi makikita!" tumingin ako sa kanyang mata, naghahanap ng palatandaan na siya ay nagbibiro lamang subalit wala akong nakita. Tanging ang nanlilisik na mga mata na sabog sa droga lamang.

"Tangina ka pag nakita ni nanay yan?"

"Para kang tanga pre! Nanay, nanay, ilang taon ka na ba? Wag ka ngang bakla! Tago mo lang kukunin ko rin yan sa'yo." pambabara nya sabay abot sa akin ng isang pakete ng shabu.

"Libo rin yan pare! Pasalamat ka may source pa tayo. Oh siya! Dito na muna ako. Salamat pare! Dabest ka talaga!" umakbay ito sa akin at dinilaan ang pisngi ko. Kinilabutan ako.

Tiningnan ko ang baril na hawak ko at nagkibit balikat nalang. Itinago ko ito sa ilalim ng sofa. Naisip ko ng mamaya ko nalang ito kukunin dahil natakam ako sa paketeng ibinigay ni Joel.

Kumalam ang sikmura ko subalit di ko na iyon inalinatana. Mas nakakapang akit ang sayang dala ng mga puting krystal na hawak hawak ko ngayon.

Sa sobrang hayuk ko sa drogang nasa aking harapan, hindi ko na namalayan ang pag tunog ng aking telepono. Si Nico, tumatawag. Nanaman.

Hithit. Langit.

Hithit. Manhid.

Hithit. Limot.

Sa bawat pag pasok ng mga puting krystal sa aking ilong papunta sa aking utak, damang dama ko ang hagod nito sa akin laman.

Sa ganitong paraan ko nalang nalilimutan ang sakit ng pagkawala ng tatay. Namimiss ko na ang bawat sandaling magkakasama kami nila ng nanay.

AlpasWhere stories live. Discover now