Nagising ako mula sa isang bangungot. Pakiramdam ko pinag papawisan ako ng malagkit subalit kataka takang pag punas ko sa aking noo ay wala naman pala ang mga butil.
Tumayo ako at naglakad lakad. Hindi pamilyar ang lugar na ito. Asan ako?
Nakasalubong ko ang isang batang lalaki. Mapayat at nangangalumata, may biloy kagaya ko at maputi. Namumula rin ang kanyang mga mata.
Sandali... ako ito ah?
Ngumisi ito.
"Nagulat ka ba?"
"Sino ka? Bakit - teka asan ba ako?"
"Ako ay ikaw."
"Anong - imposible yang sinasabi mo! Sino ka ba talaga?! Bakit ako andito?"
Tumawa ito ng malakas. Nangungutya, nangaasar. "Ikaw ang nagdala sa sarili mo dito."
"Ano bang pinag sasabi mo! Bakit kamukha kita?"
"Ako ay ikaw. Ako ang ikaw na naligaw ng landas. Ako ang iyong sariling demonyo."
Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung bakit o paano ako napunta dito sa lugar na ito. Puro mga tuyot na dahon at nalalantang halaman lang nakikita ko.
"Nasa langit na ba ako?"
Suminghal ito. "Talagang umaasa kang sa langit ka mapupunta?"
"Patay na ba ako?"
Hindi ito sumagot at tiningnan lamang ako.
"Hindi pa ako maaaring mamatay! Ang nanay ko... sino mag aalaga sa kanya? Si Nico! Hindi pa ako napapatawad ni Nico.
Tumawa ito ng malakas. Sa sobrang lakas parang kinukurot ang dibdib ko.
"At ngayon naiisip mo na ang nanay mo? Anong karapatan mong sabihing anak ka nya ni hindi mo nga siya inaalagaan? Kamuntikan mo pa siyang saktan tapos ngayon sasabihin mo na papaano ang 'nanay' mo?" Lalong sumakit ang kirot sa dibdib ko.
"Hindi pa. Buhay ka pa pero patay ka na rin. Patay na ang pagkatao mo." dinuro nya ako.
Isa. Malakas, napaatras ako.
Dalawa. Mas malakas. Halos matumba na ako.
Tatlo. Humigop ako ng hangin at dumilat. Nasilaw ako sa ilaw sa aking ulunan. Asan ako?
Bulung bulungan ng mga tao sa paligid ko ang aking naririnig pero wala akong naiintindihan. Anong nangyayari?
Umiikot ang paligid ko at wala akong matinong maaninag. May isang maliit na bagay ang parang tumusok sa aking kamay. Gumalaw ako ngunit may mga kamay na pumigil sa akin.
Sinubukan kong muling kumawala subalit maraming mga kamay ang pumipigil. Unti unti nawawalan na ako ng lakas at matapos ang ilang segundo, tuluyan na akong nawalan ng malay.
***
"Nanay... kamusta po?"
"Okay naman anak. Ito wala pa ring pagbabago. Hindi pa rin nagkakamalay si Chard." naiiyak ang boses ng nanay ko.
"Baka po nag babawi pa ang kanyang katawan. Nakausap po ni mommy yung doktor nya, stable naman na daw siya. Kailangan nalang daw na si Chard na mismo ang gumising." Si Nico yun. Namiss ko ang boses nya.
"Hindi ko na kakayanin pag pati si Chard ay mawawala sa akin Nico. Mahal na mahal ko ang batang iyan.."
***
"Nay... wag na ho kayo umiyak, stable naman na po ang anak ninyo. Konting panahon lang po at dasal gigising din siya. Ginagawa naman po namin lahat."
YOU ARE READING
Alpas
FanfictionAn entry to AMACon 3 Oikos: Children "If you've come face to face with your own demons, what would you have done?"