Epilogo: Lingap

80 8 1
                                    

Nasabi ko na ba sa inyo na si Nico at ang batang babaeng naging kapit bahay namin ay iisa?

Nasabi ko na rin ba sa inyo na namatay ang tunay kong ama habang nasa kulungan ito?

Nasabi ko na rin bang nahuli na ang pumatay sa kapatid ni Nico?

At si Joel at Kim? Lumipat na sila ng kanilang tirahan isang taon mula ng mapasok ako sa rehab. Sabi ng nanay maswerte akong napasok ako doon dahil kung hindi, malamang isa ako sa mga nagtatago ngayon. Gaya nila.

Sa dami ng mga bagay na nangyari sa aking buhay, syempre hindi ko naiwasang magtanong ng bakit. At magpa hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin angbdiyos kung bakit ko naranasan ang mga bagay na dinanas ko.

Ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, sa akin pa ito pinaranas?

Sabay kaming pumasok ni Nico sa bahay. Gusto nya kasing sorpresahin ang nanay Josefa na ngayo'y magsi-celebrate ng kanyang ika-limampung kaarawan.

"Nico!" agad na sinalubong ng nanay si Nico pagka baba namin ng sasakyan.

"Nanay! Happy birthday po! Namiss ko po kayo!" yumakap ito sa nanay at inabot ang kanyang mga regalo.

"Naku nakakahiya naman na nag abala ka pa talagang bumilo ng mga ito. Maraming salamat. Pasok na muna kayo. Chard anak, kamusta?" sambit ng nanay habang naglalakad papasok ng bahay.

"Ano ba kayo hindi pa rin po ba kayo nasanay?"

Tiningnan ko ang dalawang pinakamahalagang babae sa buhay ko. Tiningnan ko kung gaano sila kasaya and I think I already have the answer.

Tinuruan lamang ako ng diyos na maging matapang. Iminulat nya ako sa realidad ng buhay sa murang edad upang magpursigi akong gawin ang aking makakaya upang maabot ko ang aking mga pangarap.

Ipinakota nya rin sa akin ang kahalagahan ng second chances. Na hindi dapat natin ito basta bastang isinasawalang bahala.

At sa bawat dagok ng buhay, itinuro nya sa akin na magkaroon ng sapat na lakas ng loob upang ipaglaban ang mga bagay at taong mahalaga sa akin.

Hindi ko man kasama ang tunay kong mga magulang, ibinigay pa rin sa akin ang tunay na pamilyang tumanggap at nagpapasok sa akin sa kanilang buhay.

"Nay... may sasabihin po sana ako sa inyo ni Nico."

Tumingin sa akin si nanay at Nico, ang mga mata nila'y nagtatanong.

"Actually po..." panimula ko.

Tumayo ako at naglakad palapit kay Nanay at Nico. Nang sila at nasa aking harapan, hinalikan ko sa pinsngi ang nanay bago hinarap si Nico.

Lumuhod ako at inilabas ang isang maliit na itim na box.

"Nicomaine Mendoza, we've been through a lot together at hindi tayo ang ideal na magkasintahan. Hanggang ngayon nga, hindi ko pa rin alam kung girlfriend na ba kita." Natawa ako kahit na naiiyak na ako at kinakabahan.

Hinga malalim. "Pero mahal kita, at alam ko, naniniwala akong mahal mo rin ako. Would you stay with me by my side and walk through this life with me? Would you be my wife?"

Mga tatlumpung segundo rin bago siya nakasagot. Isa isang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata na naging dahilan upang bumagsak na rin ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Mahirap na baka lumobo ang sipon ko pag nagsalita ako habang umiiyak, mabawasan pa ang pogi points ko.

"Oo naman! Yes Chard! YES!" sinuot ko ang singsing sa kanyang daliri at tumayo upang yakapin siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita Nico! Salamat at tinanggap mo ako ng buong buo."

"Hindi ako perpekto Chard, kaya wala akong karapatang humiling ng taong perpekto dahil walang ganon. Mahal kita in all other ways that you are. Mahal kita coz it's you. And even if you don't know it yourself, you deserved to be loved ang cared for as much as anyone else' does. I love you."

Naglapat ang aming mga labi at ang lahat ng nasa aming paligid ay naglaho.

At ang pagtahak ni Nico at Chard sa kanilang forever ay nagsimula na. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AlpasWhere stories live. Discover now