Napansin ko na medyo bumagal tayo sa aking kwento, kaya hindi ko na lamang iisa-isahin ang mga nangyari matapos ang pagsalubong namin sa bagong taon at sa aking kaarawan ano? Basta maraming nangyari. Masaya. Masayang pangyayari.
Inaamin ko na, bilang bagong taon naman na, na mahal ko si Nico. Bata pa kami, alam ko... kaya nga hinahayaan nalang muna namin ang aming mga damdamin. Masaya naman kami na magkasama kami. Na ganito kami. Walang hassle, walang pressure.
Oh teka kaibigan, hindi ito kagaya ng iniisip mo ha. Magkaibigan kami pero pareho naming alam ang aming mga nararamdaman at ina-acknowledge naman namin ito. Pero pareho rin naming alam na masyado pa kaming mga bata para sa tinatawag nilang relasyon.
Marami pa kaming pangarap at sabay namin iyong bubuohin. Malabo man ang bukas na naghihintay, sa bawat pintig ng puso naman namin kami kumakapit.
Wag nyo ako husgahan na plastik at impokrito. Syempre lalaki pa rin ako. Kabataan at mapusok. Malamang nakakaramdam rin ako ng tawag ng laman. Yun bang... tinitigasan?
Sa ganda ba naman ni Nico, tanga nalang ang hindi maaakit sa kanya. Bata pa ang kanyang katawan at hindi pa talaga ganong nadedevelop ang kanyang features pero makikita mo na ang kanyang taglay na kasexyhan.
May mga tawag rin ang aking laman na hindi ko mapigilang hindi pansinin, at may mga pagkakataong muntik muntikan na rin akong bumigay, subalit sadyang mas mahalaga sa akin ang aming kinabukasan.
Kung hindi nyo man napapansin, ayaw kong magaya sa mga magulang ko. Ang nanay ko na hindi nakapag tapos ng kanyang pag aaral dahil maagang nag asawa at ang tatay kong demonyong hukluban na nagtutulak ng droga at namemerwisyo ng ibang tao.
Ayaw kong maging katulad nila kaya kahit anong tawag ng laman pa yan, ang palad ko na lamang muna ang aking pinag tityagaan. Nakakaraos pa rin naman ako kahit papaano.
Maayos ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. May mangilan-ngilang pagkakataon na ang nanay ay nag kakasakit subalit sa pagsisikap namin dalawa ng aking ama, nairaraos namin ang aming araw araw.
Nasa ikatlong taon na kami ng highschool. Tuloy pa rin ang scholarship ko kaya naman hindi kami masyadong nahihirapan sa aking pag aaral. Si Nico at ako ay nanatiling mag kamag aral kaya naman labis na rin ang aming tuwa sa pag pasok ng bagong school year.
Hindi ko alam na ito na rin pala ang huling taon ko sa eskwelahang ito.
Medyo kapit lang tayo mga kaibigan dahil magiging mahirap ang daang ating tatahakin mula sa puntong ito.
Ika-17 ng Setyembre, taong Dalawang libo at labing anim. Humahangos na tumakbo ang nanay mula sa aming bahay papunta sa eskwelehan, kinakalampag ang gate at halos nagsusumigaw, hinahanap ako.
Nabalot ng takot ang aking buong pagkatao dahil hindi ganito ang pagkakakilala ko sa nanay ko. Kalmado at pino ang kanyang kilos kahit pa sa anong sitwasyon. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito.
Agad akong ipinatawag at sinalubong ko ang aking inang umiiyak. Kung may sasakit pa sa isang kutsilyong dahan dahang idinidiin sa iyong puso, yun yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang nakita ang aking inang umiiyak ng ganito. Anong nangyayari?
Sumakay kami sa isang sasakyan na pag aari ng barangay. Habang nasa byahe hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Asan si tatay? Anong nangyayari at bakit umiiyak ang nanay?
Akala ko ay sa presinto kami didiretso subalit sa isang medyo pamilyar na lugar kami dinala ng mga tanod.
Sa ospital.
Halos mamanhid na ang dibdib ko sa patuloy na pag kalabog ng aking puso. Bakit kami naririto?
Pumasok kami. Inaalalayan ko ang aking inang nanginginig at walang tigil na umiiyak kahit na halos bumigay na rin ang aking mga tuhod sa bawat hakbang ng aking mga paa.
YOU ARE READING
Alpas
FanfictionAn entry to AMACon 3 Oikos: Children "If you've come face to face with your own demons, what would you have done?"