WALA LANG . TRIP KO LANG IDEDICATE SA KANYA. BALIW BALIW KASI YANG BABAENG YAN E. HHA :)) HOW BALIW~ SANA MABASA MO TO.
****************************************************************************
Hay sa wakas. Nakarating rin ako sa parking lot. Nagugutom na ko. Nasan na kaya si Manong?
“Manong! Yuhoo. Nasan na po kayo? Nagugutom na ako. Haha.” Baliw na ko. Masama talaga pag nagugutom ako. Hays.
*lingon… lingon…*
Ayun. Nakita ko rin si Manong. Makatakbo na nga papunta kay Manong. Gutom na talaga ako e. haha :))
“Manong! Kanina pa po ba kayo? Sorry po kung nalate ako. Dumaan pa po kasi ako ng locker ko e.” sabi ko ng makalapit ako ng tuluyan kay Manong. Sumakay na ako ng sasakyan ng pagbuksan niya ako ng pinto. Pumunta na siya sa harap at inistart ang kotse.
“Naku—kakarating ko rin lang, Senyorita. Akala ko nga po nakauwi na kayo e. Saan niyo po pala gustong magpahatid? Sa mansion or sa Haven po?” magalang na sabi ni Manong.
“Bakit? Maayos na po ba ang Haven? Nag rerenovate pa rin po yata si Eri dun e. Alam niyo naman po yun. Palaging parang hindi mapakali.”
“Ayos na daw po. Kahapon pa. Pumunta po kasi sina Eri and Rin sa mansion kahapon kaso lang po tulog na yata kayo nun. Mga alas onse po yata sila pumunta.” Oo nga. Tulog na nga ako nun. Mga nine yata tulog na ako e. Ang bait ko noh? Ang aga kong matulog pero pag nagpuyat naman wagas. Haha :DD
“Daan po muna tayo sa bahay. May gagawin pa po ba kayo? Kasi baka po pwedeng pakihatid ako sa Haven after. Gusto ko ng bumalik sa Haven ko. Haha.” :DD
“Wala naman po. Pero sabi po ni Senyora puntahan niyo daw po muna siya sa study room niya kung babalik na po kayo ng Haven.”
“Ah sige, Manong. Pwedeng pong umidlip muna saglit? Pakigising na lang po ako pag nasa bahay na po tayo. Salamat po.” Hindi ko na hinintay na makasagot si Manong. Gutom na nga ako. Inaantok pa ko. Kawawa naman ako. Haha :))
* ZzZzZzZz… *
“Senyorita. Nandito na po tayo.” Naramdaman ko na lang na may umaalog na ng balikat ko ng hindi pa rin ako dumidilat.
“5 more minutes, Mom.” Sabay takip sa mukha ng buhok ko.
“Eh Senyorita. Diba pupunta po tayo ng Haven ngayon?”
Biglang ako napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang salitang Haven. Uuwi na nga pala ako ngayon dun. Salamat naman. After 2 weeks natapos rin ang pagrerenovate ni Eri sa Haven. Kasi naman e, hindi mapakali. Yung Haven pa ang napagtripang pagpractisan ng designing skills niya.
Ang tinutukoy ko nga pala na Eri ay si Eleri Montanez. 1st year student rin siya sa SinClair Academy. Architecture ang kinukuha niyang course. Kasama ko siyang tumutuloy sa Haven. Actually, hindi siya dorm. Bahay siya nina Chi. Naalala niyo pa yung babaeng hawig ni Sunako kasi parang hindi kilala ng buhok niya yung suklay? Oo. Siya yun. Haha. Tinawag lang naming Haven yung bahay ni Chi para medyo sosyal. Haha. Binili ng parents niya yun para sa kanya para malapit lang siya sa school. Pero dahil masyadong malaki yung bahay para sa kanya, niyaya niya kami na dun na lang tumuloy para may kasama siya sa bahay. Since magkakakilala ang mga parents namin, pumayag sila na dun na muna kami tumuloy. Since 3rd year highschool nandun na kami. 3 years na rin kaming magkakasama dun. Ang saya nga e. 5 nga lang pala kami dun. Ako, si Eri, Rin, Sky at Chi. Lahat kami sa SinClair nag aaral. Pareparehas rin kaming mga 1st year. Saka ko na lang sila ipapakilala. Nakakatamad e. haha :))
Ayun~ pagkababa ko ng kotse, dirediretso na akong pumasok ng bahay. Pinagbuksan pa ako ng pinto. Oh diba? Bongga. Haha :))
Nagpatuloy lang akong maglakad hanggang makarating ako sa study room ni Mom. Pagkapasok ko, nakita ko kaagad siya dun sa table niya, nagbabasa ng mga papeles. Lumapit ako sa kanya at nagkiss sa cheeks niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Hindi niya yata namalayan na nakapasok ako at nakalapit sa kanya. Masyado kasing engrossed sa binabasa e. Tsk tsk.
