Chapter 6: The Intruder

104 4 3
                                    

I'LL BE DEDICATING THIS CHAPTER TO HER. SHE'S ONE OF THE BEST WRITERS (FOR ME) HERE IN WATTPAD. SHE'S ALSO ONE OF MY INSPIRATIONS. HOHO (^O^)

IDOL KO SIYA! XD AJA! :D

READ HER STORIES-- ESPECIALLY BLACK BUTTERFLY♥ (QUEEN OF GANGSTERS) :DD

************************************************************************

ZEL’S POV

            Hays. Salamat naman at nakarating pa kami ng buhay dito sa HQ. Halatang masama ang loob ni Eri habang nagddrive eh—muntik ba naman kaming mabangga ng isang truck. At hindi pa siya natuwa dun—muntik na rin siyang makabangga ng isang taxi.

            Nakuu—sa susunod talaga hindi ko na siya ituturo ulit para magdrive. Gusto ko pang mabuhay ng matagal nuh. Tss. (--.)

            Pagkapasok na pagkapasok ng sasakyan namin sa compound ay sinalubong na kaagad kami ni Daddy kasama ang ibang staff ng BB.

            “Good morning po, General.” Magalang na bati naming lima. Yeah—tama kayo kung iniisip niyo na hindi alam ng mga staff dito na anak ako ni 4-star General Nathaniel Javier. Malamang naman diba?

            Syempre kung nalaman nila na anak ako ni Daddy—eh di buking ang tunay na pagkatao ko.

            “Good morning din.” Pormal na bati samin ni Daddy. “Dumiretso na kayo sa conference room. Naghihintay na ang grupo nila Black Cat sa inyo dun. Nandoon na rin ang bagong recruit. Susunod ako sa inyo mayamaya, may tatapusin lang muna akong importanteng bagay.” Pagbibigay alam samin ni Gen.

            “Masusunod po, Gen.” sagot dito ni Eri.

            So—nandun na pala si Kuya. Ang aga niya ah? Excited much? Haha.

            Ginigisa na kaya siya ng buhay nina Black Cat doon? Kawawang Kuya. Wala pa namang sinasanto yung itim na pusang yun.

            Dumiretso na kami sa building kung saan naroroon ang conference room.

            Bago ka makarating sa conference room ay madadaanan mo muna ang mga working desk ng mga staff sa iba’t ibang department.

            And as usual—pinagtitinginan na naman kami ng mga staff. Yeah right—we know we’re drop dead gorgeous. (^.^)V

            Bigla kaming napahintong apat dahil biglang tumigil si Chi sa gitna. Ano na naman kayang problema nito?

            Nakatingin siya sa isang staff na babae na nakatayo malapit sa kanya. Mukhang nag-aayos yung taong yun ng desk niya dahil sinasalansan niya ang mga papeles na nasa ibabaw ng desk niya.

            “Neil.” Tawag ni Chi doon sa babaeng busy pa rin sa pag-aayos ng gamit niya.

            Yeah right—I remember now. She’s Neil—one of the most efficient detectives in the research department.

            “Yes, Miss Night?” tanong ni Neil habang nakatingin kay Chi na pormal ang mukha.

            Yeah—you heard it right. Chi is none other than Night. The leader of Black Knight. YAH! It rhymes. I’m so talented. XD

            “Please follow me.” Seryosong sabi ni Chi at nagpatuloy ng maglakad papuntang conference room.

            Kaming apat naman ay nagkatinginan at sabay sabay na nagkibit balikat. Wala rin naman akong idea kung bakit pinasunod ni Chi samin si Neil e. Baka naman may itatanong or ipapagawa lang siya. Pero bakit pinasunod niya pa samin hanggang sa conference room? Nakita naman niyang weekly meeting ng SAS ngayon eh.

Black Knight: JearzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon