Chapter 4: Conversation with the Boss

100 4 2
  • Dedicated kay Justine Neil Carbonell
                                    

YOE! SPECIAL MENTION KA AH~ XD

AYSOWS-- HAHA. :DD PAANO BA YAN? DEDICATED SA'YO TONG CHAPTER NA TO? HIHI. (-^.^-)

SPECIAL MENTION KA NGA PALA SA CHAPTER 6 AH. :DD

ALAM MO NA GAGAWIN SYEMPRE? BASA BASA RIN. XD

LOVELOTS-- ♥

**************************************************************

ZEL’S POV

            Elib talaga ako dito kay Sky. Lakas makiramdam. Parang may psychic powers. Haha. XD

            “Ang bilis mong makaramdam ah.” Nakangisi kong sabi ng tumigil ako sa harapan niya.

            “Siyempre. Ako pa.” Nakangisi rin siya sakin. Uupo na sana ako ng bigla naman siyang tumayo. Naudlot tuloy ang aking pag sseating pretty. Tss.

            “Napano ka na naman? Akala ko ba ‘Spill it out’ ang drama? Eh bakit mukhang lalayasan mo ako dito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

            “Change venue tayo. Dun tayo sa kwarto ng taong abnormal.” Mas lumaki pa ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi.

            “Sino? May iba pa bang nakakaalam bukod sayo?” tanong ko kay Sky. Sila na. Sila na ang mabilis makiramdam.

            Sumunod na ako kay Sky nang makita kong papaakyat na siya ng hagdan. Tumigil kami ng nasa harap na kami ng isang itim na pinto. Grabe~ Ang lakas ng soundtrip ng nagpapatugtog sa loob. Hindi kaya sumabog ang eardrums namin pag pumasok kami dyan? Tss.

            “You’re on your knees,

            Begging please,

            ‘stay with me’…

            But honestly, I just

            Need to be a little crazy…

            All my life I’ve been good but now,

            I am thinking what the hell—

            All I want is to mess around,

            And I don’t really care about—

            If you love me, if you hate me…

            You can save me, baby, baby…

            All my life I’ve been good but now,

            Whoaaa, what the hell—…”

            Grabe. Rock rockan sa loob. Avril Lavigne plus max volume is equal to bleeding eardrums. Kulang na lang magvibrate yung buong bahay dahil sa lakas ng pagpapatugtog niya. Okay~ Exaggeration na yun. Hehe. XP

            Nang tingnan ko si Sky ay nakita kong napapailing na lang siya habang nakatingin sa doorknob ng pinto. Nang mapansin niyang nakamasid lang ako sa kanya ay liningon niya ako at ngumisi.

            “Partida. Sound-proof na yang kwarto na yan,” sabay tawa ni Sky. Napanganga ako sa narinig ko. As in literal na nakanganga ako sa kanya. “Bunganga mo,” sita niya sakin. Sinarado ko yung bunganga ko ng wala sa oras. Nakakawala ng poise yun ah. Psh. (- -.)

Black Knight: JearzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon