Chapter 3: Sibling Confrontations

127 4 8
                                    

WALANG LANG. TRIP KO LANG MANDEDICATE. HAHA. NACUTE-AN KASI AKO SA STORY NYA EH. TRY NYO RIN BASAHIN 'THE GANGSTER FELL IN LOVE TO NERDY...GANGSTER?'. AT SAKA ANG BAIT NIYA KASI EHH~ HAHA. XD

********************************************************************************************

ETHAN’S POV

“Arghh—“. Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ay sumubsob ako sa kama. I can’t effin’ believe this! Gusto kong sumigaw ng sumigaw dahil sa mga nalaman ko. My little sister is already a part of the Black Bureau team before I could even join in. At hindi lang yon! Hindi siya kabilang sa normal team lang ng BB. Sa SAS pa talaga siya kasama! Sa mismong team na humahawak ng mga pinaka delikadong mga kaso ng BB. Tss. Nakakainis. Umayos ako ng upo at tumingin sa bintana. Hindi talaga ako makapaniwala. Kaya lang naman ako sumali sa BB ay dahil gusto kong protektahan ang pamilya ko, mas lalo na si Zel dahil siya lang ang nag iisa kong kapatid. Kahit naman madalas kaming mag away, mahal na mahal ko yang kapatid ko. Eh mas delikado pa yung trabaho niya kaysa sakin e. Paano ko naman siya proprotektahan kung hindi ako pwedeng makialam sa mga cases ng grupo nila. Natigil ako sa pag iisip ng marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Kuya—pwede po ba akong pumasok?” alanganing tanong ni Zel sakin.

“Anong kailangan mo?” masungit kong tanong sa kanya. Hindi ko mapigilan na hindi magsungit e. Naiinis pa rin kasi ako.

“Usap tayo, kuya. Please.” Nakita kong bumukas ng onti yung pinto at sumilip siya dun.

“Oh sige. Dito ka sa tabi ko.” Tinap ko yung space sa tabi ko. Pumasok naman na siya at alanganing umupo sa tabi ko. “Anong sasabihin mo?” tanong ko sa kanya ng makita kong komportable na siya sa pagkakaupo niya.

“Ah eh—galit ka pa rin ba? Sorry na po kasi.” Mukhang natatakot siya sakin. Hindi kasi siya makatingin sakin ng diretso. O baka naman dahil naguguilty siya? Pero kahit ano man yun, ayaw kong nakikita na nag aalangan si Zel na humarap sakin. Close kasi kaming dalawa niyan kahit madalas kaming magbarahan. Hays. Napabuntung-hininga na lang ako. Narinig ko rin siyang bumuntong-hininga ng malalim. Mas malalim pa sakin. Mukhang mas malaki ang problema niya kaysa sa akin ah. Pero ano pa ba ang pproblemahin niya? Kung paano niya ako mapapatalsik sa BB? Hindi niya naman magagawa yun sakin e.

“Hindi na naman ako galit e. Naiinis lang ako. Kasi naman kaya nga ako pumasok sa BB para protektahan kayo e. Tapos eto pala, yung pinakamamahal kong bunsong kapatid ay nakikipag habulan pala sa mga sindikato. Oh diba? Sino namang matutuwa dun?”

“Sorry na po kasi.” Nagpout pa siya. Tss. Hindi ko talaga kayang tiisin tong kapatid kong to. Umusog ako palapit sa kanya at niyakap siya. Sinandal niya naman ang ulo niya sa balikat ko.

“Oh sige. Hindi na ako kokontra tungkol sa pagkakasali mo sa SAS tutal bago pa ko sumali sa BB ay nasa SAS kana. May choice pa ba ako kundi tanggapin na lang ang lahat diba?” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa buhok niya. Inangat niya naman ang ulo niya para tingnan ako.

“Sorry talaga. Huwag po sana tong makarating kay mommy.” Malungkot na pahayag nito.

“Paano ko naman sasabihin kay Mommy yung tungkol sa SAS, e wala nga siyang kaalam alam tungkol sa Black Bureau e. Ang alam niya lang ay security agency ang BB.”

“Kung may tanong ka pa po, sasagutin ko na po lahat ngayon. Ayaw ko pong maglihim sa inyo since kasali naman na po kayo sa team ng BB.”

“Hmm—.” Sasagutin niya lahat ng tanong ko? Ano naman kayang itatanong ko sa kanya? Eh nasabi niya na yata lahat kanina e. Ah—alam ko na. “Diba sabi mo may dalawang teams na bumubuo sa SAS?”

Black Knight: JearzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon