Chapter 1: Little Miss Bookworm

150 6 6
                                    

‘Hay… Napaka boring naman ng klase ngayon. Bakit kasi kailangan pang malaman kung ano ang mga ibig sabihin ng mga words na conversation, communication, etc, etc.’

Nagtataka siguro kayo kung sino ako noh? Ako nga pala si Jearzel Javier, but since my name is too long, you could call me Zel. I’m a 1st year MassCom student here at SinClair Academy. And I’m currently daydreaming inside our classroom while our professor is still blabbering in front of the class about the essence of speaking right English. Hindi niya ba nahahalata na wala ng nakikinig sa kanya? Mismong si Adein nga na president ng class namin natutulog eh. Hindi naman halata kasi magaling magtago si mokong. Kunyari nagbabasa ng libro when the truth is nasa dreamland na ang diwa niya. Habang ginagala ko ang paningin ko sa loob ng klase, hindi ko mapigilang tumawa dahil kanya kanya ng diskarte ang mga kaklase ko kung pano matutulog, kung pano pananatilihing gising ang mga diwa nila, kung pano matatangal ang boredom na kumapit sa mga utak nila dahil sa mga pinagsasabi ng aming butihing teacher.

            So ayun nga, habang nililibot ko yung paningin ko, may nakita akong nagtetext, naglalaro ng psp, nagbabasa ng comics at kung ano ano pa. Common naman yun sa mga boring na classes diba? Just kidding. Hindi naman siya ganun ka boring—para sakin—ewan ko lng sa iba. Haha.

Tumingin ako sa kanan ko para makita kung ano ang ginagawa ng aking napakabait na kaibigan at ayun—nakita ko siyang nag reretouch ng kanyang make up. Tss. Vanity strikes again. Pero sa minalas malas naman ng college life ni Karylle, nakita pa ni Sir Bartolome ang ginagawa niya.

“Paktay tayo dyan. Mukhang magttransform na naman si Prof.” nakangiwing sabi sakin ni Jan.

“Oo nga eh. Ingat na lang tayo.” Sagot ko sa kanya.

“Ms. Natividad.” Tinawag bigla ni Sir si Karylle. Kawawa naman ang friend ko. Bigla na lang siyang napatayo dahil nagulat siya sa pagtawag ni Sir. Caught off guard ang drama niya ngayon. Hays.

“Yes, sir?” Nakangiting tanong ni Karylle sa nakasimangot naming professor.

“Since you’re already retouching your make-up, I guess you already know what my lesson is. So how about you share a little something about communication, Miss Natividad.”

“Umm—communication is… communication is…”, nauutal na sabi ni Karylle.

“So what is communication? Anyone? I noticed that all of you weren’t paying attention with my discussion. Since you, students, are so smart. You will all get detention for 5 Saturdays unless there will be someone in this class that could define communication as I defined it a while ago. So, anyone?” nakangisi ng nakakaloko ang mokong naming teacher. As if naman na lahat kami hindi sa kanya nakikinig. Nakikinig kaya ako. Slight nga lang. haha :))

Lakas loob akong nagtaas ng kamay. Wala akong balak pumunta ng school tuwing Saturdays noh. At tsaka FYI, malinis ang records ko. Oha, ang yabang ko diba? Haha. Lahat ng kaklase ko napatingin sakin pati na rin ang unggoy naming na prof. “Yes, Ms. Javier? Care to explain what communication is?”

“Communication is a two way process. Communication is about you—the speaker—delivering a message and the other people—the receiver—who understands and responds to your message, whether it will be a mental or physical response.” Mahaba kong saad. Hiningal pa nga ako e. Naman kasi e. Magbibigay na lang ng definition yung pagkahaba haba pa.

“Okay. You can sit down now, Ms. Javier. Pasalamat kayo nandyan si Jearzel kung hindi, sigurado akong detention kayo ngayon.” Nung sinabi yun ng professor naming, nakahinga na kami ng maluwag. Kaya lang naman ako sumagot ay dahil ayoko ng detention. I can’t afford to have one. Mas lalo na ngayon—

After ng maliit na insidenteng yun. Ayan na naman sya—nagpatuloy na naman syang magdiscuss. At dahil medyo natakot kami sa kanya kanina. Ayun—nakikinig na kaming lahat. PINIPILIT pala naming makinig sa kanya. Hoho (^o^)

Tuloy tuloy na sana ang discussion naming nang may biglang kumatok sa pinto. Sumilip ang isang pigura ng babae. Hindi ko makita yung mukha nya dahil nakatakip yung bangs nya. At dahil busy ang napakabait naming teacher sa pagdidiscuss, hindi nya narinig ng kumatok yung babae.

“So as I was saying—“ paikot ikot yung professor naming sa harap ng classroom. Parang kitikiti, grabe! Hindi mapakali sa isang pwesto. Tss. “Can anyone give me their own definition of Public Speaking?—“. Sinenyasan namin si Prof na may tao sa labas kaya napatingin siya ditto. “Yes, Ms. Yuu?” baling ni Prof sa babae sa pinto.

Si bestfriend pala yun. Abnormal na naman kasi e. Nakaharang na naman yung bangs sa mukha. Kilala nyo yung babae sa Yamato Nadeshiko? Si Sunako. Parang ganun yung itsura nya ngaun.

At dahil mukhang wala rin sa tamang wisyo ang Bessie ko. Akala nya yata sya yung tinatanong ni Mr. Bartolome. Kaya ayun—dahil bibo sya, sinagot nya naman yung tanong.

“Umm—public speaking is a communication process of sharing thoughts, ideas and opinions with an audience. It is a powerful way to make a good impression on others and to help bridge gaps in understanding, cooperation and sets goals and objectives,” mukhang nag-aalangan pa sya sa sagot nya. Sino ba naman kasi ang hindi? Hindi mo naman teacher tapos tatanungin ka ng ganun. Nakakabaliw kaya, try mo. Haha (^^,)

“Why, thank you, Ms. Yuu. At least nag aadvance studies ka. So what can I do for you?” nakangiting tanong ni Mr. Bartolome kay Chiaru.

Siya nga pala si Chiaru Yuu. Bestfriend ko yan simula nung elementary. 1st year student rin sya dito. Political Science ang kinukuha nyang kurso. Tahimik lang yan pero pag nag dedebate na. Wala pang limang minute susuko ka na sa kanya. Haha :DD

“Pinapatawag po kayo ni Mr. Natividad sa office nya. Ngayon na daw po ora mismo.”

“Okay.” At tuluy tuloy syang lumabas ng room dala ang mga gamit nya. Dinaanan nya lang dun si Chiaru sa may pinto. Bastusing teacher. Hindi man lang nagpasalamat. Wala pang modo, hindi man lang nagpaalam samin. Tss. Ang sarap ibigti.

“Chi!” kinuha ko lang yung bag ko tapos tumakbo na ako papunta sa kanya. “Saan ka pupunta? Uuwi kana rin ba?” sinasabayan ko lang ang lakad nya.

“Hindi e. May practice pa kami sa debate e. Sorry.” Nakasimangot niyang sabi. “Bakit kasi kailangan pa ng practice practice e.”

“Haha. Tamad ka talaga.” Natatawa ako sa itsura nya. Para syang bata na inagawan ng candy. Naka pout pa sya. Napaka childish talaga nito kahit kailan.

“E sa ganun talaga e. Sige a, una na ko. Gegerahin na naman ako ni Ma’am Amorsolo e.” sabay takbo siya papuntang debate room. Nung bumukas ang pinto, narinig ko pa na sumigaw si Ma’am Amorsolo. Kawawang Chiaru. Basag na naman ang eardrums mo. Haha (^.^)

Makaalis na nga. Baka hinahanap na ako sa bahay. Warfreak pa naman yung mga yun pag nag aalala. Haha.

*takbo… takbo…*

Black Knight: JearzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon