ZEL’S POV
“Okay—so ayun nga. Merong Special Assault Squad or SAS na tinatawag ang Black Bureau Elite. The members of that group are us,” sabay lahad ng kamay sa loob ng kwarto ni Starr habang prenteng nakasandal sa kanyang upuan. “The Special Assault Squad is divided into two groups. The Black Knight or much known as simply BK whose members are, us, girls and Dark Vampyres whose members are these boys.” Nginitian naman ni Starr si Kuya habang tinuturo ang mga lalaking nasa tapat namin na mukhang bagot na bagot na sa orientation.
Naman—sana matapos na tong orientation. Nauurat aketch. (— —.’’)
“Yung babae na kanina mo pa tinitingnan ay ang leader ng BK, which is si Night, at ang lalaki naman na nakakatakot kanina ay si Black Cat, ang leader ng DV.” Pagpapatuloy ni Starr na ikinapula na naman ng mukha ni Kuya. Haha. Buking! XD
“Sigurado ako na nasabi na sayo ni General ang mga ginagawa namin diba?” tanong ni Starr.
Tumango si kuya. “Pero hindi niya naman masyadong ipinaliwanag.”
“Oh sige—simple lang naman ang gawain ng SAS. Katulad lang ng mga napapanuod mo sa TV, well—not exactly kasi mga OA na yung ginagawa sa mga palabas.” Sabi ni Starr na sinang-ayunan naman ni Tech.
“We spy on people who are acting rather suspicious, we retrieve important things for people like antiques, relics and heirlooms, we catch those persons who are into illegal businesses like drugs, we sabotage underground transactions like prostitution dens and pot sessions, and the like. Hindi kami katulad ni James Bond na may devil-may-care attitude—pero kahit ganun—I like his movies.” Sabi ni Tech.
“Ditto, Tech. Hindi kami pwedeng mag ala-James Bond kapag may mission kami kasi baka malagas ang grupo namin. Sasampu na nga lang kami tapos mababawasan pa. Ano kaya mangyayari samin nun?” pagsang-ayon naman ni Snake na nasa tabi ko.
“So—ayun nga—pinaliwanag na nila,” sabi ni Starr na nakangiti pagkatapos ay lumingon kay Tech na nasa tabi niya. “Eh di sana ikaw na lang ang nag-explain diba?” natatawang sabi niya dito.
“No thanks. Nakakatamad—,” natatawang sabi sa kanya ni Tech.
Tss. Mga tamad na nilalang. Hahays. Masilayan na nga lang ang pagmumukha ng aking pinakamamahal na si Phantom. Ayuuuuun—gwapo pa rin siya hanggang ngayon, kahit na nakapangalumbaba lang siya sa lamesa at nakakunot ang noo habang nakatingin sa dalawang leader namin na tulog sa mga kinauupuan nila.
Magkalapit ang upuan ng dalawa at nakapatong ang kamay ni Black Cat sa kamay ni Night habang hawak hawak naman nito ang isa. Tss. Anong meron ba sa dalawang yun? Meron ba akong hindi nalalaman?
Naiinggit ka ba, Phantom my loves so sweet? Lipat ka dito sa tabi ko. Dali! Mas magiging sweet tayo kaysa doon sa dalawang kampon ng kadiliman. Haha. XD
“Uhhhmm—when you said ‘and the like’, does that mean you—uhmmm—also killing someone?” nag aatubiling tanong ni Kuya Ethan kayna Starr at Tech.
Hmmm—mukhang hindi niya pa nahahalata na nakikipag-loving loving yung iniirog niya ah. O kaya naman—hinaharass na naman ni Pusa ang mga kamay ni Night. Hay—ako ang naiinggit doon sa dalawa eh.
Bakit ba kasi ang layo mo sakin, Phantom my dear? Hindi tuloy kita magahasa—I mean, hindi ko tuloy mahawakan ang iyong mga malalambot at pinagpalang mga kamay, papunta sa inyong matipunong dibdib pababa sa iyong six-pack abs na nakakapanggigil. KYAAHH! Ako na malandi—Ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko sa mga naiisip ko. O///O