Alam mo ba yung feeling na gusto mo pang matulog? Hahhaha nagtanong pa ako eh alam na alam niyo na yung feeling. In the end, kailangan mong magising hindi dahil lang maligo, mag toothbrush, kumain at magbihis. Ngayong araw na toh iba na kasi, kailangan ko pang patuyuin yung buhok ko tapos magsuklay ng mabuti, maglagay ng lipgloss at kaunting make-up at iba pang mga hindi ko ginagawa noon na kinaiinisan ko pa rin hanggang ngayon.
Sabihin na lang natin na nandito si Cara, iba pag nandito siya. Yung napakaganda at napakalinis mong kwarto, magugulo na lang bigla ng mga make-up at iba pa. Hay nako, nasayang effort ko maglinis.
She went ahead para hindi halata na nag reunion na kami. Oo nga pala, on this day I am Nyx Marquez cousin of Neena Villanueva, kapag tatanungin ako kung nasaan si Neena, nasa US na siya nag-aaral. Ayan yung mga dahilan ko, I've come prepared hahhahaha.
Sa wakas!!! Natapos din! Ang kailangan ko na lang tumakbo! Wala na akong pake kung magugulo toh, di naman ako masyadong nag-ayos ng buhok at mukha. "Bye Ma! Bye Mom!" Diba magkaiba, hahhaha. Takbo ako ng takbo yan tuloy nabangga ko si Sean! "Aray!" Dumudugo na yung tuhod ko! Ano ba yan! Wala ba siyang alam sa mga moments na sasaluhin mo pag nahulog?!!! "yan napapala mo, ang lampa mo kasi!" Hahaha ako pa sinisi eh siya yung nakaharang "ha? Lampa?" Nakayuko pa ako baka kasi bigla akong makilala pero siyempre aangat ko pa rin yung ulo ko, para ipamukha sa kanya na siya yung may kasalan, oo guilty ako pero nakaharang siya eh, kasalanan ko bang nakaharang siya?! Tumayo ako tapos ang hapdi sobra. "Eh kasalanan ko bang nakaharang ka? Ikaw ba yung may sugat? Di ba ako. Oo ang lampa ko pero sadyang nakaharang ka lang, buti nga hindi ikaw yung nasugatan! Shet! Aray!" Luh, biglang natauhan binuhat ba naman ako bigla papunta sa kotse niya "tumahimik ka na nga lang diyan, tinalo mo pa nanay ko kung mag sermon wagas" nanahimik na lang ako pero siyempre naiirita ako.
Siyempre alam niya yung school ko, naka uniform ako, pagpunta namin bumaba ako kaagad kaso nga pala nakalimutan ko, tanga nga pala ako, nakalimutan kong naka lock nga pala yung kotse kaya pinipigilan niya yung pagtawa niya. "Hoy! Wag ka nga tumawa diyan! Buksan mo yung pinto!" tinigil niya yung pagpipigil nung tawa niya tapos humarap siya sakin "eh kung ayaw ko? Papakawalan ko ba ang babaeng maganda na nasa harapan ko? I'm not the type of guy who let my chances slip by" wow nag english pa, pero... ano daw yun? Magandang babae? Saan? Tumingin tingin pa ako kung saan saan, ang narining ko lang kasi ay yung magandang babae at yung I'm not the type of guy who let my chances slip by. Promise! Di ko talaga narinig yung iba, masyado atang malalim iniisip ko kanina.
"Hoy wag ka ngang magmaang maangan diyan, halata naman ikaw yung magandang babae na tinutukoy ko!" Grabe! Maganda daw ako. "Ah eh ako pala" kakaiba pala yung feeling pag nasabihan kang maganda. "Don't tell me di ka pa nasabihan ng maganda" nag pause siya ng unti kasi may sasabihin pa siya "Tignan mo nga naman oh, ang swerte ko, ako na ba si the one para sayo?" The one daw...
"Asa ka!"
"Libre naman mangarap di ba?"
"Pero masakit umasa!"
Hahaha ano natamaan ka?! Dapat lang yan sayo! MALALATE NA TAYO! ay wait... bakit basa yung medyas ko?
Dugo!!!! Takot ako sa dugo!!! Ang OA parang napadapa lang! Tumutulo yung dugo! Pagkatingin ko sa tuhod ko, may pirapirasong basag na parte ng paso. Kaya pala tumutulo! Nahihilo ako, kinover ko yung bibig ko kasi baka masuka ako, nalulula ako.
"Ano nangyayari sayo?"
"Nahihilo ako't nasusuka"
"Ha?!! Bakit?!!!" Ay tanga rin pala toh ah, nakalimutan ba naman na may sugat ako sa tuhod ko. Excuse me, yung napakaganda niyo pong kotse natutuluan ng dugo ko.
"Y-yung tuhod ko ang daming d-dugo!"
Wala di ko na kaya, sorry ah mahihimatay muna ako dito sa kotse mo.
YOU ARE READING
Revamped
Teen FictionHi I'm Neena Villanueva i'm a nerd who later became a normal high school girl. Actually hindi yan ang tunay kong pangalan, my true name is Nyx Marquez that's why di na kilala si Neena Villanueva. Nalaman ko na lang na di ko pala tunay na mga magulan...