"And the last group are the remaining students. Alam niyo na kung sino kayo kaya tumayo na kayo"
tumayo na ako tapos nakita ko si Sean, Neil at Cara na nakatayo. Si Cara leader, automatic na yun, hindi dahil top 1 ako may magandang leadership skills ako, maganda yung skills ko pero mas lamang yung kay Cara.
Naghihintay ako dito sa bahay ni Sean dahil sa group work namin. Mag fifilm kasi kami, kahit medyo pambata talaga yung topic kailangan parang totoong totoo yung acting. Magagaling sa acting sila Neil at Cara, ang magaling mag acting as antagonist ONLY si Sean, ako naman, pag yung tipong palaban yung character dun ako bagay hahahaha.
Nagkwekwentuhan na naman kami ni Tita Nat at Tito Will tutal weekend ngayon kaya wala siyang trabaho. Kung ano-ano na yung pinagkwentuhan namin ang tagal pa rin nung dalawa tapos si Sean naman ang tagal magising. Nakakain na't lahat lahat, nakarating na yung dalawa, di pa rin siya gising. Ayaw na ayaw pa naman nun na may pumasok sa kwarto niya na walang permiso. Napaka patient netong dalawa, naiinis na ko, bubuhusan ko yun ng mantika para magising, magsama silang matulog!
Di ko na kinaya kaya tumayo ako pero pinigilan ako ni Neil.
"wala kang magagawa, baka bumagsak sayo ang impyerno pag pumunta ka dun"
"sorry ha, ako kasi yung impyerno"
"Nyx, please, baka itapon sayo yung kama" sabi ni Tita Nat
"Eto oh protektahan mo sarili mo" binigyan ako ng gitara ni Tito Will pang protekta
"sigurado ako na hindi niya yan masisira, mahal na mahal niya yan" sabi niya
"di ko po kailangan yan, as I said, ako yung impyerno" napaka- oa nila ah, dinaig pa yung dalawang nanay ko.
Pumunta ako sa taas, habang naglalakad nakikita ko na para bang may maitim na aura yung paigid ng kwarto niya, may poltergeist ata dun eh hahaha, ay nagtaka pa ako siya na nga mismo yung poltergeist eh. Pagpasok ko nakita ko siya nakaharap sa desk malapit sa bintana, back view lang nakikita ko kaya lumapit ako sa kanya papunta sa mukha niya, binuksan ko yung kurtina tapos lumuhod sa harap niya. Maamo naman mukha niya pag natutulog.
Nasisilaw siya sa liwanag kaya ang ginawa niya kinuha niya yung mukha ko papunta sa mukha niya para matabunan ko yung mga mata niya. Yung noo ko at yung noo niya magkadikit, I can hear him breathing, pero ang ginawa ko pinush ko yung mukha niya. Ang lakas niya pero fortunately nakawala ako sa yakap niya, unfortunately, may round two pa pala, this time hindi na yung noo ko at ni Sean ang magkadikit, kung hindi ang mga labi namin. FIRST KISS KOOOO!!!! IBALIK MO! PUTEK ANO GAGAWIN KO?!!!
Nagising siya at nagulat.
"ANO BANG PINAGAGAWA MO? GANON KA BA KA DESPERADA NA HALIKAN AKO?!!"
"HOY! IKAW YUNG KUMUHA SA MUKHA KO KAYA IN THE FIRST PLACE IKAW YUNG UMAGAW NG FIRST KISS KO! TSAKA PAKE KO NAMAN KUNG NA KISS KITA EH DI NAMAN YAN FIRST KISS MO! ANG KAPAL MONG TAWAGIN AKONG DESPERADA HA!!!"
"EH BAKIT KASI NANDITO KA HA?! SINABI KO BANG GISINGIN MO KO? DIBA HINDI... TSAKA AYAW KO MAGPAGISING AH BAKIT KA KASI NANGINGIALAM!"
"AYAW KONG BUMAGSAK SA GROUP WORK NATIN DAHIL LANG DIYAN SA PAGTULOG MO KAYA BUMANGON KA NA DIYAN! NAG IINARTE KA PA! KAPAG DI KA BUMABA SISIRAIN KO YUNG GITARA MO!"
"SIGE SIRAIN MO!!! IBIBIGAY KO SA YUNG IMPYERNO"
"Sorry baby, but the hell is me... KAYA KAPAG DI KA BUMANGON SISIRAIN KO YUN!"
"ETO NA! ETO NA! Babangon na! Ano ka bang klaseng babae?! Ang tibay mo ah, stop the act! Kung nahihiya ka sa nangyari edi mahiya ka, wag ka lang mag acting diyan na hindi mo ni regret yung kiss o baka naman..." He pushed me against the wall. "Gusto mo pa ng round two?"
YOU ARE READING
Revamped
Teen FictionHi I'm Neena Villanueva i'm a nerd who later became a normal high school girl. Actually hindi yan ang tunay kong pangalan, my true name is Nyx Marquez that's why di na kilala si Neena Villanueva. Nalaman ko na lang na di ko pala tunay na mga magulan...