Kaibigan Nga Ba?

25 2 2
                                    

Labag sa kalooban ko yung revenge kaya di ko na itutuloy. Ang sarap kasi palang maging kaibigan niya. Kaibigan nga ba? O baka naman mortal enemy, di na ako magugulat kapag siya yung immortal enemy, sabi nga nila 'matagal mamatay ang masamang damo' hahhahahha. Asaran dito asaran dun, naging close nga kami ni Neil eh, pati si Cara, naging close dun sa dalawang mag best friend.

Bawat araw pagdilat ko palagi akong tatapat sa salamin, dati hindi kasi baka makita ko pa yung pangit kong mukha, di talaga ako makapaniwala na ako talaga toh hahaha, kung panaginip man toh sana magising na ako sa katotohanan. Sa mukhang toh parang 100% na may makikilala nang prinsipe sa future hahaha. Hay nako, ayaw ko na tumingin, baka ma late pa ako.

Bago ako lumabas ng bahay, as usual, palagi kaming mag-aagawan ng ulam ni Kuya tapos papagalitan kami ng dalawa kong nanay. Magpapaalam ako sa kanilang lahat pag aalis na ako at iispin ko palagi na pag may aso ako, siguro bago ako umalis iiyak muna ako hahahaha. Paglabas ko sabay kindat sakin ni Sean na nagbibihis pa rin ng kanyang polo, siyempre kitang kita yung abs niya. Buti may jacket ako na malaki, mahilig kasi ako sa malaking damit eh ahhahhaa, binato ko sa kanya kahit medyo malayo siya, buti umabot sa kanya tapos binilisan niya yung pagbutones nung polo niya tapos sinuot yung jacket. Lumalapit siya sakin pero nagpapanggap ako na parang walang tao na papalapit sakin tapos pagkalapit niya "Why are you playing the hard-to-get game?" aba, hard-to-get daw, ano ako trophy? na pagkatapos mo paghirapan na mapalanunan hanggang display na lang diyan? "Hoy, di po ako nakikipaglaro sayo ng hard-to-get, sadyang nasa tadhana ko lang yun" tawa lang siya ng tawa, anong nakakatawa dun? sapakin ko yang mukha mo eh.

Naglakad na lang ako papalayo tapos binilisan ko, nakita ko yung kotse niya sa tabi ko, oo nga pala, nakakapagtaka, 15 pa lang kami may driver's license na siya. Sa bagay, balita ko ang yaman nila, pero yung bahay nila pang level lang namin, kumbaga sobrang yaman nila na dapat parang mansion na bahay nila. Sa bagay, di na nakakapagtaka sa mga magulang naming dalawa. "Hoy hatid na kita baka ma late ka pa!" naglakad pa rin ako ng mabilis, tumakbo ako tapos tumigil bigla, hahhahhaa nauna siya sakin ahhahhaha! Talino neto eh hahahaha ;p Nagtago ako dun sa isang eskenita, dahil nasobrahan yung kalikutan ko, may isang lalaking sinasabi na sumama daw ako sa kanya. Ang sakit nung pagkakahawak nung kamay niya sa braso ko, nasa mukha ko man ang parang walang takot, nasa loob ko naman ang sumisigaw ng 'tulong' at nanginginig.

Pumikit ako saglit tapos narinig ko na may sumuntok sa harap ko kaya bumitaw siya sa pagkakahawak niya. Amoy pa ngang alak at sigarilyo yung nasa harap ko eh. Bigla na lang may nakita akong kutsilyo na nakatago sa likod niya tapos nung gagalawin niya yung kutsilyo gamit yung kanang kamay niya mula sa kanan papuntang kaliwa, lumapit ako sa harap niya tapos nadaplisan ng kutsilyo yung left cheek ko. Nagulat si Sean, tapos parang nag super saiyan ata siya, binugbog ng binugbog yung lalaki tapos pinigilan ko siya, siyempe nung nabitawan na nung lalaki yung kutsilyo, sinipa ko yun palayo.

Hinila niya ako papuntang kotse niya tapos binigay niya yung jacket niya sakin bago ako bumaba tapos yung hood nilagay niya sa ulo ko tapos nauna siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto. Naiinis siya na kung ano, di ko siya maintindihan, nilagay niya rin nung hood ng jacket ko sa ulo niya tapos ang nakakagulat, nilagay niya yung mukha ko sa chest niya para di ako makilala at nakayakap siya. Nakalimutan ko nga palang dumudugo yung left cheek ko, daplis lang naman ahahhaha. Naglakad na lang ako paharap tapos hinihila niya na lang ako pagliliko. Bigla siyang nag stop at nag salita "pumasok ka sa loob", sinunod ko na lang siya tapos, nalaman ko na lang na informary pala toh, kaso nga lang walang nurse kaya kumuha na lang siya sa cabinet ng kailangan niya tapos pinaupo ako sa kama tapos kaharap ko siya, nakaupo siya sa stool. Kumuha siya ng cotton na may betadine na nakalagay sa tongs tapos ni rub niya yun sa may sugat.

RevampedWhere stories live. Discover now