Are You Holding Back Like The Way I Do?

16 0 0
                                    

Pag gising ko sa umaga, kumuha kaagad ako ng susuotin ko, jeans o dress? Kelan pa ba naging option ang dress? Siyempre jeans! Nagtanong pa ako hahahaha. Pony tail na lang tutal mainit panahon ngayon. Paglabas ko ng bahay, kumuha na lang ako ng tinapay tapos sinabing kong may pupuntahan ako. Buti na lang wala si Kuya Z si A lang nandito, kung hindi, bibigyan niya ako ng 10 commandments by Kuya Z hahhahaha, magkukumpisal na lang ako pag nagkaroon ako ng kasalanan kesa naman na paulit-ulit niyang sasabihin niya yun hahhahaha. 

1. Bawal ang maiikling damit at masyadong exposed (no problem with that)

2. Bawal ang halikan at yakapan sa lalaki (no problem)

3. Bawal gumawa ng malaking katangahan kahit maliit din bawal (ewan ko lang diyan hahaha)

4. Bawal na bawal maglihim (wala pa naman akong lihim ahahaha)

5. Pag may nang-away sayo resresbakan ko (meron naman hahaha pero baka mamatay naman yun)

6. No club, no party, no HS gatherings except matinong birthday party o christmas party.

7. No alcohol (banal ako kaya no need for that)

8. Huwag papalipas ng 7:00 pm kung hindi lilibutin ko ang buong mundo.

9. Bawal mag boyfriend. (wala akong balak)

10. Have fun habang sinusundan mo toh lahat. 

Lumabas na ako kaagad tapos nakita ko na naman siya. Ba't ba palagi nandiyan siya? Ano yun may bodyguard na ako?

"Saan ka pupunta?"

"Si Kuya Z ka ba? Tsaka ano bang pake mo?"

"Wala, bakit masamang magtanong?"

"Oo lalo na kapag ikaw yung nagtatanong"

"Saan ka ba pupunta?"

"An-"

"May ka date kasi, selos ka?" sumulpot namna bigla si Cara

"Anong date? Di ba muna hangout lang?"

"Eh kahapon pa kayo tahimik dalawa kaya it smells fishy"

"Eh sure ka ba? Eh kahapon pa namin ni Sean na pinaglalapit kayo"

"Ah si bro ba pinag-uusapan namin?"

"Oo kayong magkakambal" sabi ko

"Luh, mas gwapo ako dun noh"

"Hahahaha hindi halata!" 

"Eh basta mauna na ako, hinihintay an ako nun"

"Bahala ka nga diyan, wala na akong pake" nagdabog papaloob

"Nu meron dun? sinusumpong ata"

"Wala masyado ka kasing maganda" sabi ni Cara

"Loko toh hahaha, eh basta, si mommy nandiyan, ikaw na bahala" sabay kindat

Gusto kasing magbake ni Cara ng cookies, alam mo naman paborito ng dalawa why not bigyan ang mahal mo, gets? Tsaka di ba awkward? Kaibigan ko si Cara tapos ka hangout ko crush niya, ngayon ko lang na realize, patay na ako. 

In the end pumunta pa rin ako. Nandito kami ngayon sa mall, sa Starbucks, again, chocolate chip cookie!!! 

Nag arcade na lang kami tapos kung ano-ano pinaggagawa namin dun. Nagpakitang gilas naman tong si Neil. Puro basketball ang nasa isip hahahahaha. Buti na lang mahilig ako mag basketball dito sa timezone hahaha. Pagkatapos mag basketball, may nakita siyang isang laro pero may bayad para sa ticket, kailangan ma shoot yung bola sa net ng may medyo malayong distance tapos pag nanalo may prizes. Ang prize... STUFF TOY!!! Sobrang cute wahhhh! Ang pinakagusto ko sa lahat ay yung rabbit at yung panda hehe. 

RevampedWhere stories live. Discover now