Ano na naman kasi ang mga napagtripan netong magkakambal na toh? Parang tug of war lang ah, ako yung lubid. Hila ng hila imbis na ata na isa sa kanila matalo o kaya parehas matumba ay masisira yung lubid eh.
Gumising ako ng maaga para di maabutan siya at para maka deretso na rin sa pinakagusto kong puntahan, ang library. Ano kayang magandang basahin, aaminin ko I don't read books I'm just a fan of them. Mahilig ako sa romance yung tipong parang inting intindi mo pero di naman talaga hahahaha. What does make your heart beats fast? Unrequited love is always a melancholic love. Like is different from love and first love become the last. In the end akala mo ramdam na ramdam mo pero magtataka ka na lang kung ano uli yun hahahaha hay basta.
Pagkalabas ko ng library medyo marami nang estudyante sa labas kaya napagpasya ko na lang na pumunta na nang classroom baka ma late pa ako eh. Medyo namamawis ako ng kung ano man di ko ma explain basta ang init habang naglalakad ako. May lagnat ata ako patay, may exam pa naman ngayon baka matalo ako ni top 2. Eh basta wala naming mangyayari na masama niyan, napaka lagnat lang, daplis nga ng kutsilyo mula sa isang manyak nakayanan ko eh lagnat pa kaya.
Pumunta na ako sa classroom at meron biglang balitang umaaligid pala. Biglang tumakbo papiunta sakin si Cara at may pinakitang picture na kalat na kalat sa buong school ngayon.
"Kayo na?!" medyo may pagkalungkot at pagkagulat na tanong ni Cara
"Hindi ah, hindi ba niyaya lang ako ni Neil na gumimik? Tsaka may manyak na aatake sana kay Sean kasi niligtas niya ako kaya ayun ginagamot niya ako sa infirmary"
"Ahhhh akala ko...."
"Eh ano ba yan? sino may pakana niyan, pati ba naman ngayon meron na namang issue"
"Wag mo nang pansinin alam mo naman yung totoong nangyari kaya wag na mag-alala"
"Hayy" sabay buntong hininga
"Oh, namumutla ka ata, masama ba pakiramdam mo?"
"Ah eh hindi siguro dahil lang sa trauma dati, kaya ko naman yan sanay na ako, sa dami kong pinagdaanan normal lang toh" palusot eh ang init na, ang sakit din ng ulo ko.
Dumating na si sir Nick at nag start na ang exam namin. Habang nag eexam parang feeling ko may nakatingin sakin, bawal lumingon baka mapagkamalan pa akong cheating kaya wala na akong nagawa kundi tignan yung papel ko. Ang sakit ng ulo ko pero dali dali ko an lang sinagutan lahat kahit medyo nahihilo na ako. Yung tipong alam na alam mo lahat ng sagot pero di mo kayang sagutin kasi ang sakit ng ulo mo at nahihilo ka.
"Pass your papers"
Pinasa ko na yung papel ko at hinintay na lumabasa na si Sir Nick at lahat ng mga kaklase ko tsaka ako tumayo para kumuha ng biogesic pampatanggal ng hilo at sakit ng ulo. Ang laki ng disappointment ko sa sarili ko dahil nagkaroon pa ako ng sakit at parang mali mali pa ata sagot ko. Nakatingin lang ako sa sahig nang biglang may kamay na nakaabang pala sa labas ng isa pang pintuan ng classroom namin. Nakalabas siya tapos nahawakan yung noo ko eh akala ko ba walang nang tao? Gamit yung kamay na yun hinila ako paloob ng classroom at nakita ko an yung mukha niya.
"May sakit ka anman pala eh bakit ka pa nagtake ng test?!" aba sumigaw pa, akala ko pa naman na concern siya
"Pake mo ba?"
YOU ARE READING
Revamped
Teen FictionHi I'm Neena Villanueva i'm a nerd who later became a normal high school girl. Actually hindi yan ang tunay kong pangalan, my true name is Nyx Marquez that's why di na kilala si Neena Villanueva. Nalaman ko na lang na di ko pala tunay na mga magulan...