Chapter 2

29.5K 837 101
                                    

ASTRID


Minulat ko ang mga mga ko at nilibot ang tingin sa paligid. Is this my new room? Lumingon ako sa kanan ko at ngumiti nung nakita ko si Max na nasa tabi ko lang pala. Kinuha ko agad si Max at pinagpag ang kunting pulbo na nasa mukha niya. Si Mama talaga, kung saan-saan nilalagay 'tong si Max.

Teka, ba't nga pala ako napunta dito? As far as I remember, may bumuhat sa akin kagabi. And that voice.. that Troy guy. Right! Sino naman 'yung Troy na 'yun? Tsaka, sinong nagsabing gawin nilang pink ang kulay ng kwarto ko? I want black!

Narinig kong may kumatok sa pinto pero tiningnan ko lang ito. Wala akong planong lumabas. E kasi, umalis na naman ako sa dating school ko. For sure, sa paaralang papasukan ko, aalis rin naman ako. Hay. Ganito nalang ba ako palagi? It's fun!


"Wake up, sleepy head."
Boses ng isang lalaki. Teka, siya ba 'yung Troy? Humiga lang ako sa kama ko at nung nakarinig ako nga mga footsteps palayo, dun lang ako lumabas ng kwarto ko at bumaba. Baliw 'no? Habang pababa ako ay parang narinig kong may kausap si Mama.


"Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa anak ko, Margie."
Tumaas ang kilay ko nung marinig ko ang sinabi ni Mama. Nandito si Tita Margie? "Kaya mo 'yan, mare. Nandito naman si Troy para tulungan ka." I just snickered with the thought that someone is helping me. Helping me for what?


"Talaga bang mapapatino ni Troy ang anak ko?"
Tanong ni Mama.


"Trust me, mare. Troy can."
Umismid lang ako dahil sa narinig ko. Troy? Siya na ba 'yung magpapatino sa akin? For his information, walang nagwawagi sa pagpapatino sa utak ko. Will couldn't even handle me. Ito pa kayang lalaking 'to. This must be a joke.


"Move it!"
Napadikit kaagad ang sa pader nung sumigaw 'tong lalaking 'to sa likuran ko. Dumaan lang siya sa harap ko habang may dala-dalang bola ng basketball. T-Teka, did he just order me to move?! A-And I moved?! Wtf?! Wala pang nakakapag-utos sa akin ah!

Damn this guy! Napansin ko namang nakatingin pala sa akin si Mama at si Tita Margie at nakita kong nakangiti pa silang dalawa. Ano bang nakakatawa?


"See, mare? My son is the key."
Key? I just scoffed. What a joke! Nabigla lang ako kaya ko siya pinadaan. Tumayo nalang ako at naglakad palapit sa kanila. "Hi, dear Astrid. How was your sleep?" Lumapit ako kay Tita Margie at hinalikan siya sa pisngi. Para ko na rin kasing totoong Tita si Tita Margie. Kasama kasi siya si Mama dun sa Hong Kong. Office mate niya.


"Okay lang po. Ma? Anong lugar ba 'to?"
Tanong ko kay Mama matapos ko halikan rin sa pisngi. Matino naman akong tao. Diba? Diba? Matino naman ako. Matino kapag nandito Mama ko. "Pilipinas anak. Hindi tayo nag-abroad." Diretso niyang sagot. Minsan iniisip ko, namana ko kay Mama ang ugali ko. Hindi ko nalang siya kinausap pa at tiningnan ang lalaking nagtatali ng sapatos niya. Maghanda ka sakin!


"Basketball muna ako, Ma."
Dumaan pa siya sa harap ko para halikan si Tita Margie sa pisngi. Oh? Anak ni Tita Margie 'to? Ma nga, Astrid. Tanga mo talaga. Lumingo-lingo nalang ako at tinuon ang pansin ko sa kanilang dalawa. Parang hindi naman 'to nagmana sa ugali ni Tita Margie. Ang sungit nito.

Nung umalis na siya ay tiningnan ko ulit si Mama na umiinom ng juice.


"Ma, anong plano mo sakin?"
Tanong ko habang ini-on ang TV dito sa sala. Feel at home.


"Dito ka titira sa bahay namin ng Tita Margie mo."
Saglit akong natigilan dahil sa sinabi ni Mama.


"Namin?"
Tanong ko. "Yes, bahay namin 'to ng Tita Margie mo. Pinagawa namin 'to kasi—"

AstridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon