ASTRID
"This uniform suck." Nandito ako sa harap ng salamin. Inaayos ang maikling palda na suot ko. Ano ba 'tong uniform na 'ti? 'Yung uniform kasi nila, black skirt na may white line sa bandang dulo, white upper blouse at isang necktie. Naka rubber shoes lang din ako na kulay grey. Bagay naman sa uniform.
Fashion ng mga baliw. Swaeeeg~
Lumapit na ako sa salamin at tiningnan ang contact lens ko. All done. Kinuha ko na ang cellphone ko, 'yung bag ko tsaka ang transfer papers ko raw. "Okay Astrid. This is just another crappy school—"
"Are you done talking to yourself?" Napairap nalang ako sa narinig ko mula sa labas ng aking pinto. This jerk. Binuksan ko nalang ang pinto at tumingin sa kanya. He looks good with a uniform but what do I care?Nilagpasan ko nalang siya at bumaba na. Hmm. Magskate board kaya ako papuntang school? Teka, hindi ko naman alam kung saan 'yang Vernon High na 'yan. Nilingon ko si Troy na nakasunod lang sa akin habang dala-dala ang bag niya.
"Where's Vernon High?" Tanong ko pero bigla nalang siyang ngumiti at hinila ako. Sino namang nagsabing hilain ako nito? At tsaka.. sino namang nagsabing ngumiti siya? Baliw.. ay hindi! Ako lang 'yung baliw dito. Ako lang. Damn it feels good to be crazy!
✥✥This is Vernon High? Malaki naman. I just shrugged my shoulders and continued walking. Sumakay lang naman kami ng bus papunta dito. Tiningnan ko naman ang braso ko na hawak-hawak niya parin. Binawi ko na ang braso ko at pumasok na sa school nila. Another surrounding to get used to. Well, hindi naman siguro ako tatagal dito.
"Hey, I'll get going." Paalam ni Troy at umalis na.
"Bakit? Tinatanong ko ba kung aalis ka na?" Tanong ko sa kanya kaya bigla nalang siyang huminto. Eh? Narinig niya 'yun? Lumingon siya sa akin habang nakapamulsa. "Kapag nandito tayo sa school, don't talk to me." Mariin niyang sabi bago umalis. Hmpt. Fine! Hindi naman mahirap gawin 'yun! Hindi ko siya kakausapin—sisigawan ko siya kapag nakikita ko siya. Who does he think he is? I'll mess with him before he messes with me.
Mukha na akong baliw dito. Well, baliw naman talaga ako. Tiningnan ko nalang ang papers na hawak ko. Nasan na pala 'yung dean's office?
TROY
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tiningnan ang caller ID. Si Chad. Problema nito? "Bakit?"
"Wow! Hindi ka talaga marunong mag-"Hello"?" Kumaway lang ako sa mga bumati sa akin habang sinasabi 'yun ni Chad sa kabilang linya. "What do you want, Chad?" Walang gana kong tanong sa kanya.
"Nasa school ka na diba? Nandito kami sa tambayan. Halika na." Umiling lang ako at tumingin sa relo ko. "Pass ako." Mas sasabihin pa sana ako pero bigla nalang sumigaw 'tong g*gong 'to sa kabilang linya.
"Eh?! Bakit?!" Para naman 'tong babae kung makasigaw. "Papasok ako." Tipid kong sagot.
"Wow! Just wow! Anong nakain mo? Star player ka naman ng school ah! Pwede ka nang hindi pumasok. Ilang katol ba ang nasinghot mo?" Natawa lang ako sa sinabi niya.
"G*go!" 'Yun na ang huli kong sinabi sa kanya bago ko na binaba ko ang cellphone ko at pumasok na sa classroom namin. And as expected, maraming tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Astrid
Teen FictionSIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)