ASTRID
I woke up with the beam of sunlight flashed my face. Sh*t! Sino namang naglakas-loob para magbukas ng kurtina dito sa kwarto ko?! Bumangon kaagad ako at tiningnan ang taong nagbukas ng kurtina. Alam kong hindi si Mama 'to. Kasi alam ni Mama na ayaw kong binubuksan ang kurtina ng kwarto ko. "Fvck! Close that f-cking curtain?!" I really don't care about cursing early in the morning. I want the curtains closed. Humiga ako ulit at nagtalukbong ng kumot. The light. Aish!
"9 AM na. Gumising ka na." Ayan nanaman 'yang kalmadong boses niya. Nakakabwisit! Bahala siya diyan. Nagtago ako sa ilalim ng kumot ko at pinikit ang mga mata ko pero bigla niya nalang hinila ang kumot ko. "Sh*t! My blanket! Ano bang problema mo?!" Inis kong sigaw sa kanya at tinakpan ng unan ang mukha ko.
"Ikaw? Anong problema mo at hindi ko pa gumigising? Wake up!" Kalmado niyang sabi at tsaka kinuha ang unan ko. Why the hell is he taking my stuffs? Wala ba siyang unan at kumot?! Hindi parin ako makamulat kasi nga sumasakit pa ang mata ko sa liwanag. Bawal akong diretsahang ma-expose sa sunlight. Dahil sa paghablot niya ng unan ko kanina ay naibuka ko ng wala sa oras ang mata ko, letting sunlight get into my eyes.At dahil doon ay pinikit ko kaagad ang mga mata ko, letting out a whine.
"Open your eyes, Astrid." Nagluluha na ang mata ko at hindi parin ako tinatantanan ng lalaking 'to. Suminghot na ako habang tinatakpan ang mga mata ko. Ang sakit. "M-Mama!" Sigaw ko na parang batang inaaway ng kalaro niya. But I'm not joking anymore. My eyes really hurt. Humiga ako sa kama at tinakpan ang mga mata ko. Kailangan kong i-adjust muna mga mata ko sa liwanag.
"What is i—Astrid!" Narinig ko ang boses ni Mama at ni Tita Margie. Ang sakit ng mata ko. Narinig ko ang pagsara ng kurtina at nararamdam kong nilalagyan na ni Mama ng cold compress ang mata kong nakapikit parin.
"It's dark now sweetie." Rinig kong sabi ni Mama at dahan-dahan ko nang ibinuka ang mata ko at tumingin sa paligid. I adjusted to the lights at nung okay na ang mata ko ay ini-on na ni Mama ang ilaw sa kwarto ko. Dun ko nakita si Troy na hawak-hawak parin ang unan at kumot ko at nakatayo lang sa gilid na parang naguguluhan pa.
"Anak, bawal ang diretsahang sunlight exposure sa mga mata ni Astrid. Ganyan na siya nung bata pa siya. Kailangan ko pa palang sabihin sa 'yo ang lahat ng bawal kay Astrid." Rinig kong sabi ni Tita Margie habang palabas sila. Nilingon ko naman si Mama na inaayos ang drawer ko na puno ng contact lens.It's a shame I have to wear them every day. Bakit ba kasi ganito ang mata ko? Hindi ako pwedeng diretsahang ma-expose sa sunlight. At araw-araw, kailangan kong suotin ang mga lenses na 'to para makalabas ako ng bahay. Hay. Sanay naman ako.
Minsan napapa-isip ako. Am I a Vampire?
Hay, Astrid. Gutom lang 'yan.
✥✥"Astrid! Let's go!" Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at sakto naman nung pagbukas ko, bumukas din ang pinto ng kwartong kaharap ko tsaka lumabas ang lalaking 'to na nakaheadphones at parang hindi ako nakita. Inunahan ko nalang siyang bumaba at pumasok sa kotse ni Mama. Nasa harapan na kasi si Tita Margie kaya malamang sa likuran ako umupo.
Pumasok naman 'tong lalaking 'to at umupo sa tabi ko habang nakatingin sa cellphone niya. The whole ride, nakatingin lang ako sa labas pero napapansin ko namang sinusulyap kami ni Mama sa rear-view mirror, checking if I'm well-settled or whatever.
"Astrid, may dried mangos diyan sa bag ko." Kinuha ko agad ang dried mangos at binuksan. Kilala na talaga ni Mama ang tiyan ko. Syempre, ako lang ang kakain nito.
BINABASA MO ANG
Astrid
Teen FictionSIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)