Chapter 1

44.8K 1.1K 58
                                    

ASTRID


"Katy Astrid! Get out of my school!"
"Miss Astrid! Transfer to another school!"
"Nanggulo ka na naman?! Out!"
"Ewan ko kung may paaralan pang tatanggap sa 'yo, Ms. Torres!"


'Yan na lang palagi ang naririnig ko sa mga principal at teacher ng school namin. I'm Katy Astrid Torres. 17 years old. Fourth year high school student. Sa isang school year, tatlo o dalawang beses ako nagtatransfer ng school. Kasalanan ko bang hindi nila kaya ang ugali ko. Hindi naman ako ganun kasama, sa palagay ko.


"Oh ano, Astrid? Kicked out ka na naman?"
salubong sa akin ng pinsan ko nung makauwi ako sa bahay. Siya si Will, a lazy college student who lies around the house playing video games as if his life depended on it. Sumimangot lang ako sa kanya at hindi siya kinausap. Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

For sure, papagalitan nanaman ako ni Mama nito. And speaking of the devil—I mean, the angel of my life, tumatawag na siya ngayon. The usual video call she does. Ang galing ng timing oh. Ginulo ko nalang ang buhok ko at umupo sa harap ng PC tsaka sinagot ang tawag ni Mama.


"Katy astrid!! Kicked out ka na naman?! That's it! I'm going home!
" nahulog agad ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni Mama. What?! No! Hindi siya pwedeng umuwi dito—ay teka, mas mabuti narin 'yun. Nasa Hong Kong kasi si Mama at ewan ko kung ilang taon na nung huli ko siyang nakita.

Tumaba kaya si Mama? O kaya? Pumandak?


"Kailan ka uuwi, Ma?"
Tanong ko sa kanya.


"
Naku! Ikaw talagang bata ka! Hintayin mo lang ako! Uuwi ako diyan! Lagot ka talaga sa akin!" tinawanan ko lang ang sinabi ni Mama sa akin. Close kasi kami ng Mama ko. Hiwalay na sila ni Dad pero si Mama ang pinili ko so I'm living under her care now. Pero nagpapadala rin naman si Dad ng pera samin. But I don't really care about that. Joke lang~ at least may pambili ako ng concert tickets.


"Bye, Ma. Love you."
I ended the call at kinuha na ang cellphone ko tsapa nagpost ako sa sns account ko.


"Gonna transfer again! Woo!"


Binaba ko na ang cellphone ko at humiga sa kama. Alam kong maraming papansin niyan at hindi naman ako nagkamali. In just a matter of minutes, kinuha ko ulit ang cellphone at tiningnan ang pinost ko. 106 likes. 97 comments. Oh, ha. Sikat si bes.


"Buti pa nga!"
"Leave our school, Astrid!"
"May tatanggap pa kaya sa 'yo?"
"Boo! Umalis ka na!"
"Bilisan mo! Now na!"
"Sure na ba 'yan? Paparty tayo guys!"


At marami pa. See? Ang babait ng mga tao sa akin. May ilan din namang ayaw akong umalis kasi walang gagawa ng community work. Palagi kasi akong may punishment kaya ako ang pinapagawa ng community work. Oh well, too bad for them.

Maraming ayaw sa akin sa school kasi nambubully ako. Masama akong estudyante kasi nakikipag-away ako sa teachers. Sipsip ako sa principal. Hambog akong tao at tsaka maganda ako kaya ayaw nila sa akin.

Chos. Sadyang ayaw lang talaga nila sa akin. Marami narin naman akong schools na napuntahan. Private or public, walang pili. Kicked out parin ako. E sa masarap makick-out. Saan na naman kaya 'tong next school ko? My next target.


"Flight 101 has arrived"

Oh. Dumating na si Mama. Naghintay lang ako sa waiting area habang naglalaro ako sa cellphone ko at maya-maya ay may babaeng kumalabit sa akin kaya tiningnan ko siya. "Oh. Hi, Ma." Bati ko sa kanya tsaka binalik ang tignin sa cellphone ko.


"Wha—Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" tinaasan ko ng kilay si Mama. Eh?


"'Wag na. Palagi naman kitang nakikita."
sabi ko at lumayo sa kanya pero hinila parin ako ni Mama at niyakap. Niyakap ko nalang si Mama at nung bumitaw na siya ay tiningnan ko ang dala niy—oh? "Ma? 'San 'yung bagahe mo?"


"Don't ask. Let's go."
w-what? Kumunot lang ang noo ko habang hila-hila ako ni Mama papasok sa check-in area. Wait! What's going on? "What are we doing here?" Tanong ko kay Mama habang hinihila niya parin ako.


"We're going to LA."
Natigilan kaagad ako dahil sa sinabi ni Mama. LA? "Ma! Ayoko!" sigaw ko at pinagtinginan kami ng mga tao dito sa airport pero wala naman akong pakialam. Bumitaw ako sa hawak ni Mama at lumayo sa kanya. Any place! 'Wag lang sa LA! Pwede naman sa Korea ah.


"E kasi ayaw mong tumino!"
here we go again. Sinapo ko nalang ang mukha ko at tiningnan si Mama na stressed na nakatingin sa amin. "Paano naman kasi titino 'yan, Tita? E walang magdidisiplina diyan." sumulpot pa 'tong pinsan kong 'to. Lumapit siya kay Mama at yumakap. Tumingin naman silang dalawa sa akin at nakita kong parang may iniisip si Mama. Lumingo-lingo ako at huminga ng malalim. Ano na naman kaya 'tong iniisip ni Mama?


"Actually, may magpapatino na sa kanya."
tumaas lang ang kilay ko sa sinabi ni Mama. Oh really? And who would that witch be?


"Sino naman?"
tanong ni Will sa kanya and in the first time in my life, ngayon ko lang nakita si Mama na ngumiti ng nakakaloko. Geez, now I know where my insanity comes from. "Uwi na tayo. Pack your things." napairap nalang ako sa sinabi ni Mama. Uuwi rin naman pala kami pero may pa-LA LA pa siyang nalalaman kanina.

Mas excited pa yata si Mama lumipat ng bahay kesa sakin. Lahat ng damit ko nasa van na. Pero napapansin ko lang, ba't hindi nag-iimpake 'tong pinsan ko? "Ba't hindi ka nag-iimpake? tanong ko sa kanya at tumingin lang siya sa akin tsaka ngumiti. Uh, what was that?


"I'm staying here."
nakangisi niyang sabi.


"What?! Ma! Hindi sasama si Will?!"
sigaw ko at lumabas si Mama sa bahay habang dala-dala ang teddy bear ko. Binuksan niya ang trash can—wait what?! No way! Tumakbo kaagad ako papunta sa kanya at kinuha si Max. "Ma! 'Wag mong itatapon si Max!" kinuha ko si Max mula sa kanya at tiningnan si Mama na kunot-noong nakatingin sa akin. Ba't naman niya itatapon 'to?


"Ba't ba ayaw mong itapon 'yan? E ang pangit na tingnan oh!"
tiningnan ko lang ng masama si Will at sinipa siya sa pwet. Isa pa 'to eh!


"Tumahimik ka nga! Diyan ka na!"
pumasok na ako sa van at pumikit kaagad tsaka niyakap si Max. Ang sabi sa akin ni Mama, it's gonna be a long drive. At habang nasa byahe kami, panay kain ako. E sa ang daming dalang pagkain ni Mama. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang ako na may bumubuhat sa akin. Hindi naman pabango ni Mama 'to ah.

Teka, hindi rin naman ako kayang buhatin ni Mama dahil kahit payat ako, ang bigat ko parin.


"Tita, hindi mo ba 'to pinapakain?"
kumunot agad ang noo ko nung marinig ko ang boses ng lalaki.


"Huh? Anong pinagsasabi mo, Troy? Ang takaw kaya niyan!"
find you a Mom that'll embarrass you in front of boys. Pero teka, sino ba 'tong Troy na 'to?




❅ Snow ❅

AstridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon