Two

43 1 1
                                    

"Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan sarili ko." tumatawang sambit ng loko na nasa tabi habang naglalakad kami dito sa hallway.

"Wag mo na akong samahan." sagot ko sa kanya at nauunang maglakad dahil ang sama ng tingin ng mga estudyanteng nakakakita samin na mula sa mga bintana ng mga classroom.

"Sasamahan kita. Wag ka na ngang pumalag gaya kanina. Pft." pang-aasar pa nito na ikinapula pa ng pisngi ko.

"Siraulo ka talaga." bulong ko at yumuko.

Huminto ako sa tapat ng classroom ko at kinakabahang kakatok na sana nang biglang binuksan ni Kuya Stephen ang pintuan.

Tignan mo ang kabastusan ng siraulong to.

"Hi. Ms. Jinx." bati ni Kuya Stephen sa prof. ko.

Napatingin ang prof. ko samin pati na rin ang mga classmate ko na mga babae halos pigil na pigil ang pagtili.

"Jusko. Ang liwanag ng mukha niya ngayon."
"Mygoshh. Ngiting ngiti. Ang gwapo."
"Stephenn~"

"Yes Mr. Juvanny?" nakangiting sambit naman ng professor kong ubod ng sungit.

Gulat akong napatingin kay Kuya Stephen. Pati ba naman professor?

"A-Ah.. Kasi po si Ray po nagpatulong po ako sa kanya para sa kantang sinusulat ko kanina kaya nalate siya." wow. Ang tino ng rason mo. Wow. Maniniwala sila sayo. Very-

"ha? Naku ayos lang. Sige pasok na rito, Ray." nakangiting sambit naman ni Ms. Jinx pero hindi sakin nakatingin.

"Wow. Pumatos siya dun." bulong ko.

"Gwapo ko kasi. Pasok na. See you mamaya. Salamat Ms. Jinx." paalam niya at patakbong umalis.

Pumasok naman ako ng classroom ng nakayuko.

"Ang swerte mo talaga. Kapatid mo si Ruzio tapos kaclose mo pa si Stephen. Waaa~ heaven~" kilig na kilig na sambit ng katabi kong si Andrea.

Oo. Sikat ang banda ni Kuya dito sa school. College  student na nga pala kami.

Second year ako sila kuya naman third year.

Cupid ang pangalan ng banda nila. Hindi ko alam kung bakit.

Pero 1st year college si kuya ng mabuo ang banda niya. 4th year high school naman ako nun.

Dun ko nakilala si Kuya Stephen.

Naalala ko pa nun.

Isang inosente lang naman ako na puro aral at video games ang alam. Wala akong masyadong kaibigan dahil masyado akong malapit sa Kuya Ruzio ko na siya lagi ang kabonding ko.

Hanggang sa isang araw dinala ni Kuya Ruzio ang mga kabanda niya.

Si Kuya Drake na pasaway at dakilang playboy. Drummer nila to.

Si Kuya Ethan na tahimik at misteryoso. Guitarist.

Si Kuya Stephen na pinakamasungit sa kanila. Pero malambing at palangiti siya nung makilala ko siya. Pianist at vocalist siya.

Si Kuya Ruzio naman vocalist lang.

Naalala ko nun. First day ng period ko at sobrang sakit ng puson ko nang dinala ni Kuya Ruzio  ang mga kabandmates niya.

Pinakilala niya pa nga sakin isa isa sila Kuya Stephen pero hindi ko pinansin.

Nakamalaking T-shirt ako nun at short short. Naka messy bun at suot suot ko pa ang salamin ko.

"Bunso anong bagyo ang dumaan sayo?" natatawang sambit ni Kuya Ruzio.

"Shut up. Baka hambalusin kita ng napkin diyan." iritable kong sagot sa kanya na ikinatawa nila Drake at Stephen.

STEPHEN'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon