Lunch time na. Kasabay din ng uwian ko.
Naglalakad na ako palabas ng school ng bigla nalang may tumawag sa pangalan ko.
"CRIZZZAAAA!!" nilingon ko ang taong tumatawag sakin pero dahil sa sikat ng araw agad akong napatakip ng mata.
Bigla ko nalang naramdaman ang may yumakap sakin kaya naman dinilat ko ulit ang mata ko.
Halos manlaki naman ang mata ko ng makita ko ang taong nasa harapan ko ngayon.
"TROYYYY!!" Sigaw ko sa pangalan niya at niyakap siya pabalik.
Halos pagtinginan kami ng mga tao sa paligid namin dahil sa sigaw ko.
"Akala ko di mo na ako kilala e " natatawa niyang sambit.
"Tumangkad ka lang sakin pero kilalang kilala ko pa din yang mukha mong mukhang unggoy." pang aasar ko rito.
"Aray. Ang sakit mo magsalita ah." tumatawa naman niyang sambit sabay hawak sa dibdib niya. "Pauwi ka na?" dagdag nito at tumingin sakin.
"Oo. Katapos lang ng klase ko. Ano nga palang ginagawa mo rito?"
"Ahh.. Katatapos ko lang mag-enroll." sagot nito sabay pakita ng mga files niya at inakbayan ako.
"Eh. Hala nakakaumay. Araw araw na kitang makiki-" naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang may humatak sakin.
"Hi." hindi ko pa man nililingon kung sino. Kilala ko na agad. Sa amoy palang at boses. Kilalang kilala ko na.
"Oh? Isang taon lang ako nawala may bf ka na, tomboy?" natatawang pang-aasar ni Troy sakin.
"H-Hoy! Hindi ko siya Boyfriend no!? Bakla ka." inis kong sigaw kay Troy.
"Hello. Troy Agudo. Crizza's rival slash bestfriend. Ingat ka kay Criz nangangagat yan." pagpapakilala ni Troy kay Kuya Stephen sabay abot ng kamay niya.
Pero dahil sobrangg baiit ni Kuya Stephen. Hindi niya pinansin iyon kaya naman awkward na pinagpag nalang ni Troy ang kamay niya at namulsa.
"Troy. This is Kuya Stephen kabanda ni Kuya Ruzio." pagpapakilala ko nalang sa kanya at nakangiwing tumingin kay Kuya Stephen.
"Tss." tangin sambit nito at sinamaan ako ng tingin.
"Aba nagkabanda pala talaga si Kuya Ruzio ah." tumatawang sabi ni Troy.
Naramdaman ko naman na lumuwag ang pagkakahawak ni Kuya Stephen sa braso ko kaya agad ko iyon inalis at lumapit kay Troy.
"Tara punta ka sa bahay. May practice sila. Manuod ka na rin. Tsaka madami ka dapat ikwento sakin." sambit ko kay Troy at mabilis itong hinila palayo kay Kuya Stephen.
Baka kasi mamaya. Kung ano pang lumabas sa bibig nun.
"Hindi mo ba talaga Boyfriend iyon, Criz?" napangiwi ako sa tanong ni Troy at tumingin rito.
"Hindi sabi." sagot ko.
"Eh bakit parang gusto akong pira-pirasuhin nun?" natatawang sambit ni Troy sakin sabay akbay.
"Guni guni mo lang yun." pagbabago ng usapan.
Palabas na kami ng gate ng bigla nalang niya ako niliko.
"Wala dyan ang sasakyan ko. Nasa parking lot."
"ha? May sasakyan ka?" gulat kong tanong kay Troy.
"Oo. Regalo ni Daddy nung nag 18 ako." cool na sagot nito.
"Yabang." bulong ko.
"at least gwapo."
"Mukha ka pa ding unggoy."
Halos buong byahe papuntang bahay ay nag-aasaran lang kami ni Troy.
Classmate ko si Troy mula First year high school hanggang 4th year. Rival ko siya nun sa pagiging Top 1 sa buong school. Puro siya kalokohan at pang-aasar sakin nung high school pero never ko siyang nahigitan sa pagiging top 1.
Pero dahil lang sa pagliligtas niya sakin sa isang manyakis na teacher. Naging magbestfriend kami.
Nakakatawa lang kung paano niya ko niligtas nun.
Isang taon siyang nawala dahil kinailangan niyang pumunta ng states dahil sa work ng daddy niya. Hindi ko nga expected na ngayon siya babalik akala ko dun na siya magtatapos ng pag-aaral.
"Tara pasok." yaya ko ng mabuksan ko ang gate.
"Maa~ nakauwi na ako." sigaw ko at pumasok ng bahay.
Binuksan ko ang pinto at hinubad ang sapatos ko.
"Ray... May prac- oh? Iho? Kamusta?" gulat na bati ni Mama kay Troy habang may hawak na towel.
"Ayos lang, Tita. Pasensya na sa biglaang bisita." nahihiyang sambit ni Troy habang nakahawak sa batok niya.
Agad ko namang pinalo ang braso niya. "Itsura mo. Kunwaring nahihiya ka pa dyan. Nanay mo na din naman si mama." sambit ko at tumawa.
"Bakit? Papakasal na ba tayo?" biglang tanong ni Troy.
Napatitig naman ako kay Mama dahil sa sinabi niya.
Sabay tawa ng malakas. "Yuck ka. Ayoko sa unggoy." sigaw ko.
"Ang brutal talaga ng anak niyo, tita." nakasimangot na sambit ni Troy.
Tumatawa naman akong pumasok ng bahay.
"Nak. Sa kwarto mo lang kayo ni Troy. Since magpapractice sila Kuya Ruzio mo dito." sambit ni mama bago pumuntang kusina.
"Sige po." sagot ko tsaka tumingin kay Troy. "tulungan mo muna ako magset up ng mga instrument nila Kuya Ruzio." dagdag ko at ngumiti.
Tumango naman ito at sumunod sakin.
-
"Saan ito isasaksak?" tanong ni Troy nilingon ko naman siya at tinuro ang saksakan sa sulok habang inaayos ang piano.
"Criz. Maalala ko bigla hindi ba't sumali ka dati sa music competition nung high school?" napatingin ako kay Troy at tumango.
"Tugtog ka naman. Isang kanta lang. Pleaseee~" pagmamakaawa nito at pinagdikit ang dalawang kamay nito." tinitigan ko ito ng nakakunot ang noo nang bigla siyang ngumuso kaya natawa nalang ako at tumango.
"Oo na. Bwisit ka. Mukha ka talagang unggoy." reklamo ko at tumawa.
"Yeheyy! Love mo talaga ako." sambit nito.
Pinindot ko ang isa sa key ng piano at tumikhim.
Narinig ko naman ang paghila nito sa upuan at pumunta sa tabi ko.
"Feeling like I'm breathing my last breath
Feeling like I'm walking my last steps
Look at all of these tears I've wept
Look at all the promises that I've kept"
pagsisimula ko habang nagpapiano.Nilingon ko naman si Troy at nakita kong nakapikit ito.
Napangiti nalang ako at napapikit rin.
" I put my heart into your hands
Here's my soul to keep
I let you in with all that I can
You're not hard to reach
And you bless me with the best gift
That I've ever known
You give me purpose
Yeah, you've given me purpose."Kailan ba ang huling nakahawak ako ng piano at kumanta?
Hindi ko na matandaan. Masyado akong addicted sa video games at pag-aaral kaya siguro nakalimutan ko na ang hilig ko sa music.
" Thinking my journey's come to an end
Sending out a farewell to my friends, forever peace
Ask you to forgive me for my sins, oh would you please?
I'm more than grateful for the time we spent, my spirit's at ease."Huminto ako sa pagkanta dahil sa pakiramdam ko may nanunuod sakin. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Troy na titig na titig sakin.
"What?" tanong ko.
"Namiss kita, Criz." napatunganga ako dahil sa sinabi niya pero agad bumawi at tinulak siya.
Nakalimutan ko namang hindi ganun katibay ang kinauupuan niya kaya naman akmang mahuhulog siya sa upuan ay mabilis kong hinawakan ang braso niya pero imbis na mahila ko siya, ako ang nahila niya.