Kumalabog ang pagbagsak naming dalawa sa sahig."CRIZZ- Oh my..." rinig kong sigaw ni mama pero nang idilat ko ang mata ko para tumingin kay mama hindi si mama ang nakakuha ng atensyon ko kung hindi ang nakalapat kong labi sa labi ni Troy.
Gulat kaming nagkatitigan dalawa to the point na walang gumalaw sa aming dalawa.
"Ma. Naka- RAY!" napatingin ako sa sumigaw at nakita ko nag si Kuya Ruzio pati ang mga kabanda nitong gulat na nakatitig samin ni Troy pero si Kuya Stephen... Hindi gulat pero galit na titig.
Mabilis akong umalis sa ibabaw ni Troy at tumayo.
"A-Aksidente po yung-"
"Hindi na mapigilan ni Crizza yung pagmamahal niya sakin kaya hinaharass na niya ako." pagputol ni Troy sa sasabihin ko na halos ikalaglag ng panga ko.
Wait. Kukunin ko lang ulit.
Pumikit ako at huminga ng malalim kasabay nun ay ang paghila ko sa tenga niya.
"Kagaguhan mo talagang lintik ka. Tara wag ka dito nakakahiya ka." nanggigigil kong hila sa tenga niya pataas.
"Ah! Aray! H-Hindi na! Arayy! Waa~ tita joke lang yun. Ahh!!" sigaw niya habang hinihila ko siya papuntang kwarto.
"Sige. Kuya. Practice na kayo ha? Bye." nahihiya kong sambit at hinila si Troy papunta sa kwarto ko.
"TROY!! RAYY!! MAG USAP TAYO MAMAYA!" Sigaw ni Kuya Ruzio na ikinakilabot ko.
"AYAN! SIRAULO KA KASI! KUNG ANO ANO PINAGSASASABI MO. GUNGGONG KA!" Inis kong sigaw at kumuha ng unan tsaka pinagpapalo siya.
"Criz! Tama na! Aray! Isang halik may pingot na may palo pa ng unan? Grabe. Tama na!" Sigaw ni Troy kaya agad akong namula at napahinto dahil sa pinaalala na naman niya yung kiss.
"Nimal." Inis kong sambit at pasalampak na pumuwesto nalang sa harap ng desk ko.
"Sorry. Joke lang ulit. To naman sinabihan lang kasi kitang namiss e. Pero alam mo totoo iyon. Nung araw na sumali ka sa contest. Dapat ikaw nanalo nun. Para kang anghel na kumakanta nun. Yung tinig mo kanina... yung pakiramdam ko kanina... ganun pa din tulad dati." Napatingin ako kay Troy dahil sa rumble rumble na sinasabi nito.
Nakita ko naman siyang nakahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame.
"Ano bang-"
"Paistorbo sa lambingan niyo. Pero tinatawag kayo sa baba kanina pa. Tsk." Napatingin ako sa lalaking nasa pintuan ng kwarto ko at agad na umiwas ng tingin dahil sa titig niyang nakakakilabot.
Narinig ko ang yabag niya na umalis siya.
"Hindi mo ba talaga boyfriend yun ha? Takti kung nakakamatay ang titig. Double dead na ako sa lalaking yun." Tanong ni Troy at tumawa.
"Ewan ko sayo. Bwisit ka." Inis kong sagot at tumayo na.
-
"So... sabi ni Mama kinakantahan mo daw si Troy kanina. May hindi ba ako alam dito, Ray Crizza Fuentez?" Pang ilang beses nang tanong ito Kuya Ruzio at kahit ilang beses ko na ring sinasagot ng wala.
Itong katabi kong gunggong naman kain lang ng kain.
"ANO BA NAMAN KUYAAAAA~ SINABI KO NA NGANG WALA WALA WALAA~ ANO? GUSTO MO KANTAHAN KO RIN KAYO?" Frustrated kong sigaw na ikinagulat naman nila.
"Sige nga kantahan mo kami." Napatingin ako sa nagsalita at napalunok.
"Kuya Stephen, joke lang yun. To-"
"Si Troy kinantahan mo. Kami hindi?" Pagputol ni Kuya Stephen sakin.
"Oo nga. Sino ba tong lalaking to?" Inis na dagdag ni Kuya Drake.
"Err. Bwisit. Kasalanan mo talaga to. Troy Agudo e. Sarap mong hambalusin ng piano. Hundred times." Inis kong bulong kay Troy.
"Bakit? Kanta na! Nagseselos boyfriend mo. Tignan mo mamamatay na talaga ako sa titig niyan." Sagot naman pabulong ni Troy kaya agad akong tumingin kay Stephen na ang sama sama na talaga ng tingin sakin.
Kailangan kong masiguradong lock ang bintana ko mamaya.
"FINE! Kakanta na ako." Inis akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa piano.
9Sinimulan kong itugtog ang piano ng unang kantang nasa isip ko.
"I was looking for some answers that you wore
Dim lights, you're mine tonight
And all our clothes are on the floor
Stare me down
Hear the sound of this
World we ought to know
I'll make you go"Napatingin ako kay Kuya Stephen pero agad naman din akong umiwas. Wala na ang galit sa mukha nito.
"Looking past this troubled glass
Of our lies we rise and fall
We aimed for faults to which we hold we goTonight...
Tonight...
Tonight..."Napapikit ako at napupuno na naman ng katanungan ang utak ko.
"So is this love we're feeling?
Is this love we are trying to do?
Is this love we're makin?So is this love we're feeling?
Is this love we are trying to do?
Is this love we're makin?Tell me is this love
...or just another night with you."Hindi ko alam kung bakit ito ang kantang ginamit ko. Ano na namang desisyon ito, Ray.
" Sail my fingers to your lips and
Hold me close and press me to your hips babe
Blankets shrouding us
Naked bodies though we're nevr gonna make it
'Til the sun rises I know we ain't gonna make itWe can only have...
Tonight...
Tonight...
Tonight..."Bigla ko nalang nakita ang mukha niya. Nakangiti at hinahalikan ang noo ko.
"So is this love we're feeling?
Is this love we are trying to do?
Is this love we're makin?So is this love we're feeling?
Is this love we are trying to do?
Is this love we're makin?"Dinilat ko ang mata ko at napahinga ng malalim.
"Tell me is this love
...or just another night with you."Jusko. Hindi naman siguro no? Hindi naman sana.
Mabilis akong tumayo matapos kong kumanta at hinila nang muli si Troy papunta sa kwarto ko nang walang sali-salita.
-