Five

22 1 0
                                    

Isang linggo ang lumipas matapos yun.

Isang linggo ko rin iniwasan si Kuya Stephen.

Paano?

Pagtapos ng klase ko umuuwi na ako agad ng bahay at nagkukulong.

Pinadlock ko na ng mga tatlong iba't ibang padlock at nilagyan ko na rin ng kung ano ano ang bintana ko.

Sa school. Makita ko palang siya. Tumatakbo na agad ako palayo or hinihila ko na agad si Troy sa tabi ko.

Naweweirduhan na nga si Troy sakin pero hindi naman siya nagrereklamo.

Sabado ngayon at nakakulong lang ulit ako sa kwarto ko.

"Ray~ anak~ aalis na muna ako. Ngayo ang punta ko sa tita mo. Mga 9pm pa ang uwi ko. Okay?" Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko kaya naman mabilis akong tumayo at binuksan ko ang pinto.

"Ingat po." Paalam ko at hinalikan ang pisngi niya.

"Salamat anak. At oo nga pala. Lumabas labas ka naman dyan sa lungga mo. Magpa-araw ka naman. Naku ah. Baka magkasakit ka niyan." Utos ni mama sakin kaya tumango tango lang ako bilang sagot.

Umalis na si Mama at alam kong tulog pa si Kuya Ruzio. Maya maya magigising na iyon dahil maggigym sila ni Kuya Stephen.

Err. Naalala ko lang pangalan niya. May kung ano na naman akong nararamdaman sa katawan ko.

Kailangan ko na bang magpatingin? O kulang lang talaga ako sa exercise?

Napasabunot nalang ako sa sarili ko at agad na nagroutine.

Nagbihis lang ako ng isang short pangjogging at sando. Nagsabit na rin ako ng towel sa leeg ko at inipit ng pony tail ang buhok ko. Kinuha ko na rin ang mp3 ko at sinuot ang earphones ko.

Lumabas ako ng kwarto sakto naman na kakalabas lang din ni Kuya Ruzio sa kwarto niya

"Good morning bunsoyy~" bati nito sakin tinanguan ko lang siya at mabilis na bumaba sa sala.

"Magjojogging lang muna ako Kuya Ruzio. Uwi din ako agad. Seeyouu~" sigaw ko matapos kong isuot ang sapatos ko at lumabas na ng bahay.

Hindi pa gaano sikat ang araw kaya naman maganda ganda pa para sa pagjogging.

-

1 hour na ang nakalipas ng magjogging ako at nakarating na ako halos dito sa park.

Maraming bata ang naglalaro doon.

Hingal na hingal ako kaya naman napili kong magpahinga sa isa sa mga bleachers  doon.

Sumandal ako sa kinauupuan ko at nakatingalang dinadama ang soft instrumental music na nakaplay sa mp3 ko.

Napapikit ako habang nagpupunas ng pawis ng bigla ko nalang naramdaman na may kumalabit sakin.

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko naman ang isang batang babae na may hawak na isang bote ng tubig.

"Pinapabigay po ni Kuya Pogi. Sabi niya dapat niyo po to inumin." Marahan na sambit nito sakin.

Agad naman akong napangiti sa kacute'an niya.

"Okay. Salamat baby girl." Kinuha ko ang tubig sa kanya at inikot ang paningin ko sa taong pwedeng magbigay ng tubig sakin.

"Looking for me?"

"AHH! Jusko ko yung puso ko." Gulat kong sambit habang nakahawak sa dibdib ko at agad na umatras.

"Sorry. Pfft." Napatingin ako ulit sa taong nasa tabi ko at again...

STEPHEN'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon